Baymax
Hindi ako makatulog. Kanina pa kong hindi mapakali sa pagkakahiga. Bukod kasi sa paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko yung nangyari kanina, rinig na rinig ko rin ang marahas na pagtitipa ni Rem sa keyboard ng laptop niya.
Hindi na nga ako nakatiis. Tuluyan na kong bumangon at kinuha ang cellphone ko na nasa tabi. Napapikit na lang ako ng mariin matapos makita kung anong oras na ba.
Anak ng patola. Mag-a-ala una na pala ng madaling araw?
Nilingon ko si Rem na abala pa rin sa kung ano man ang ginagawa niya sa kanyang laptop. Ganito ba talaga ang mga BSA student?
Naramdaman siguro ni Rem na nakatingin ako sa kanya. Pansamantala itong tumigil sa pagta-type at lumingon na din sa gawi ko.
"Anong problema mo?"
Makatanong naman 'to kung anong problema ko, parang naghahanap lang ng away ah. Ang tapang tapang niya na ngayon samantalang kanina, kulang na lang ay ngumawa siya na parang batang naliligaw.
"Ba't gising ka pa?" Tanong ko dahil mukhang wala siyang balak na alisin ang tingin sakin.
"Anong pake mo? Matulog ka na lang diyan kung gusto mo."
Napaka attitude talaga ng bubwit na 'to. Pasalamat siya at medyo mahaba ang pasensya ko sa kanya ngayon.
"Hindi ako makatulog."
Hindi na ako nito binalingan ng tingin. Binalik niya na ang atensyon sa laptop niya.
"Problema mo na 'yan." Bored na tugon nito.
Nagbilang ako nang paulit-ulit sa isip ko para pakalmahin ang sarili ko. Kaya mo 'to, Dan. Kailangan mong pakisamahan ang bubwit na 'to. Kailangan mong masanay dahil simula sa araw na 'to, araw-araw mo nang makikita ang pagmumukha ni Rem.
"Iniisip ko kasi yung kanina. Kelan pa nagsimula yung phobia mo sa dilim?"
Biglang natigilan si Rem. Napalunok ako at kinabahan. Patay . . . mukhang mali yata na tinanong ko pa ang tungkol sa bagay na 'yon. Mas lalo akong kinabahan nang humarap siya sakin. Hindi naman siguro siya makikipagbugbugan sakin ng ganitong oras, di ba?
"Alam mo ba kung ano 'tong pinagkakaabalahan ko sa laptop ko?" Sunod-sunod akong umiling.
Tumangu-tango si Rem bago pinagdikit ang mga palad niya. "Tina-type ko yung rules ko para sayo na kailangan mong sundin." Seryosong aniya.
Ako naman ang natigilan dahil sa narinig. Anong rules, rules ang pinagsasabi ng bubwit na 'to?
Pinanood ko si Rem na kunin yung laptop niya. Tumayo siya at lumapit na nga sa pwesto ko bago pinakita sakin kung ano ba yung mga tinype niya.
"Rule number one . . . bawal kang magtanong ng kung anu-ano at walang katuturan sakin. Kakausapin mo lang ako kapag may pahintulot ko. Ayoko ng maingay."
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Kitang-kita ko sa mukha niya na seryoso talaga siya at hindi siya nagbibiro lang tungkol sa rules niya kuno.
"Rule number two . . . " Pagpapatuloy niya pa.
" . . . Wala kang papakialaman ni isa sa mga gamit ko, pagkain ko, lahat ng pag-aari ko. Ayoko ng pakialamero."
Grabe. Anong tingin niya sakin? Malikot ang kamay? Well, oo malikot talaga ang kamay ko, pero yun ay pag may mga ka-momol akong chikababes.
"Rule number three . . . may schedule dapat kung sino ang maglilinis ng kwarto natin. MWF, ikaw tas TTH naman ako. Ayoko ng marumi at makalat."
Hahayaan ko na sana siyang dumiretso sa rule number four nang may mapansin ako.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...