Chapter 6

544 26 4
                                    

Early Bird

Nagising ako sa ingay ni Dan. Kaka-check ko pa lang sa phone ko kaya naman alam kong masyado pang maaga para sa gising ko. Mamaya pa rin naman kasi ang klase namin.

Pero kahit na walang pasok, usually ay seven talaga ako nagigising. Nakasanayan ko nang gumising ng ganoong oras kaya nga medyo nakakapanibago na mas maaga kung gumising si Dan kumpara sakin.

"Oh, gising ka na pala. Good morning!"

Masiglang bati nito na sinuklian ko naman ng pagtaas ng gitnang daliri ko.

"Grabe naman 'to. Ang aga-aga, badtrip ka na agad?"

Tuluyan na kong bumangon at sinimulan na ring ligpitin ang kumot at unan ko. "Paanong hindi ako maba-badtrip eh mukha mo agad nakikita ko paggising ko sa umaga." Pang-iinis ko sa kanya pero imbes na patulan niya yun eh tinawanan lang ako ng gago.

Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganito kami ni Dan. Likas na kasi saming dalawa yung nag-aaway at maya't mayang nagbubugbugan. Hindi ako sanay sa gan'tong side niya. Yung tipong pinapakisamahan niya ko kahit hindi naman kailangan.

"Bumili na ko ng almusal natin. Pagkatapos mong magligpit diyan, saluhan mo na ko dito." Biglang sambit nito.

Ayan, isa pa 'yan. Nitong mga nakaraang araw ay nakasanayan ko nang gumising na may almusal na ring nakahanda para sakin. Pero tulad rin ng nakasanayan, lagi ko siyang tinatanggihan kapag niyayaya niya kong saluhan siya sa almusal. Madalas ay pinapauna ko na siyang kumain.

"Asa ka pang sasabay ako sayo. Maliligo muna ako." Sabi ko bago kinuha ang towel at damit na inihanda ko.

Ganito ang naging usual routine namin nitong mga nagdaang araw. Hindi ko masasabing maayos na ang relasyon sa pagitan namin ni Dan dahil lang dito. Sa loob-loob ko ay matindi pa rin ang inis at galit ko sa buo niyang pagkatao. Alam kong ganun din siya sakin.

Baka nga pinipilit niya lang talagang pakisamahan ako, kasi nakatira na lang kami ngayon sa iisang bubong. At ang pag-iwas sa isa't isa ay napaka imposible lalo na kung katulad ni Dan ang makakasama.

Tama . . . Kaya niya nga talaga siguro ginagawa ang mga bagay na 'to ay dahil magiging mahirap para samin ang patuloy na mainis sa isa't isa kung ganitong lagi kaming magkasama.

Tapos ng kumain si Dan pagkalabas ko ng banyo. Prente na lang itong nakaupo sa sarili niyang kama at abala sa cellphone nito. Hindi ako umimik at marahang inayos ang towel na nakasukbit sa leeg ko bago ako lumapit sa lamesa para makapag-almusal na.

Napaangat ako ng tingin kay Dan matapos kong makita na naghanda na rin ito ng plato, mga kubyertos at isang baso ng tubig para sakin.

Wow naman. Nagiging mas caring ang tarantado ah. Nakakaduda tuloy ang mga ginagawa niya.

"Hoy, Dan!"

Napabaling na rin ng tingin sakin si Dan at pansamantalang itinabi ang hawak niyang cellphone. Tinawag ko lang naman siya, pero agad niyang isinantabi ang phone niya na para bang gusto niya na ang buong atensyon niya ay nasa akin lang. Gago talaga nito. Asa naman siyang makikipagkuwentuhan ako sa kanya.

"Ano yun?" Ngingisi-ngisi pang tanong nito na nagpa-ismid sakin.

"Ba't ang aga mo laging magising? Mukhang wala rin naman kayong klase na masyadong maaga ah." Tanong ko. Medyo curious lang din kasi talaga ako. Akala ko kasi ay si Dan yung tipo ng estudyante na laging nale-late sa klase.

"Ewan din. Nakasanayan ko na lang siguro. Ba't mo naman natanong bigla?"

Napayuko ako at sumubo ng hotdog at sinangag na siyang almusal ko.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon