Phoebe
Rem's POV
Ilang buntong hininga pa ang pinakawalan ko habang tahimik na hinihintay si M dito sa Sky Blue Cafe.
Kanina pa itong tumawag na makikipagkita sakin para makipag-usap, pero hanggang ngayon ay wala pa rin.
Pero mas mabuti na rin sigurong hintayin dito ang magaling kong kapatid kesa hintayin si Dan na bumalik sa dorm.
Ewan ko ba pero parang ayoko muna siyang makita o makusap sa ngayon. Siguro ay dahil na rin sa mga tanong sa isipan ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot.
"Rem,"
Napaangat ako ng tingin sa tumawag sakin. Si Kuya Julian lang pala na ngayo'y may hawak ng isang basong iced coffee. Marahan niya iyong inilapag sa harapan ko dahilan para kunutan ko siya ng noo.
"Hindi pa ko nag-o-order." Ngumiti lamang ito at nabigla pa ko nang tapikin ako nito sa balikat.
"Libre ko na 'yan. Bihira ka lang magawi dito kaya libre ko na 'yan sayo."
Hindi na lang ako nakipagtalo pa. Nauuhaw na rin kasi talaga ako. Akala ko ay iyon lamang ang pakay ni Kuya Julian, pero nagulat ako nang maupo ito sa harapan ko.
"Sinong hinihintay mo?"
Hindi agad ako nakasagot. Kelan pa naging chismoso si Kuya Julian?
Umayos ako ng upo bago sumagot. Wala naman sigurong masama kung makikipagkwentuhan muna ako saglit. Wala pa rin naman dito si Memory.
"Si M. Tinawagan ako kanina at makikipag-usap daw siya."
Tumangu-tango ang kausap ko.
"Ahh. Galing din kasi dito si Dan kanina."
Pagkabanggit ni Kuya Julian kay Dan ay siya ring pagkasamid ko sa iniinom kong iced coffee. Agad naman akong dinaluhan ni kuya at paulit-ulit na tinapik-tapik at hinimas ang likod ko habang ako naman ay patuloy pa rin sa pag-ubo.
Anak ng tupa naman talaga oh. Ang sakit na tuloy ng lalamunan ko ngayon.
"Okay ka na?"
"M-Medyo okay na." Sagot ko nang makabawi sa pagkakasamid. Bumalik na si Kuya Julian sa tapat ko. Halata pa rin ang pag-aalala sa mukha nito.
"Dahan-dahan lang kasi sa pag-inom. Nabanggit ko lang naman si Dan eh. Nag-away na naman ba kayo?" Hindi ako umimik sa tanong nito.
Kung kelan naman iniiwasan ko ang kahit na anong bagay tungkol sa gagong yun ay tsaka pa ko tatanungin ng ganito. Napansin yata ni Kuya Julian ang uneasiness ko sa tanong niyang 'yon. Awkward kasi itong ngumiti bago tumayo at humingi ng pasensya sakin.
"Pasensya ka na. Hindi na dapat ako nagtatanong ng mga personal na bagay. Sige, maiwan na muna kita."
Naguguluhang pinanood ko na lamang ito na agad tumalikod at naglakad papalayo. Ano nga kayang nakain nun? Hindi naman siya madalas makiusyuso sa mga bagay-bagay at problema namin noon ah.
Naiiling na pinagpatuloy ko na lamang ang pag-inom. Sakto rin at mula sa labas ay natanaw ko na si M na papasok dito sa coffee shop. Buti na lang at hindi niya kasama ang maingay na si Jonah. Mukhang importante nga ang gusto niyang pag-usapan namin ngayon.
Agad naman ako nitong nakita pagpasok niya kaya hindi ko na kailangan pang kumaway o tawagin siya para makuha ko ang atensyon niya.
Walang emosyon sa mukha nito nang tuluyan na nga siyang makalapit sa pwesto ko bago naupo sa katapat kong silya. Pagkaupo na pagkaupo nito ay agad na nga itong nagsalita.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Fiksi RemajaRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...