When happiness is over
Dan's POV
"Inaantok ka?"
Marahang umiling-iling ang katabi ko kahit pa kitang-kita ko sa mukha niya na gusto niya nang pumikit.
"Pwede ka namang maidlip saglit. Here," Ginalaw-galaw ko ang balikat ko para ipakitang pwede niya itong gawin na unan pansamantala.
"Tsk. Seriously, Dan?"
"Why?" Nakangisi kong tanong. Inirapan lamang ako nito bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Kinuha ko ang cellphone ko pati ang earphones ko. Nag-play ako ng isang kanta at habang nakamasid pa rin sa may bintana si Rem ay pasimple kong ipinasak sa tenga niya yung isang earpiece.
Napalingon tuloy siya sakin habang nakakunot ang kanyang noo. Pero agad ring nawala ang pagkakakunot ng noo nito. Mukha na siyang kalmado ngayon at hindi na rin ito nagreklamo sa ginawa ko.
Now Playing: Your Guardian Angel by The Red Jumpsuit Apparatus
When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
And now that I'm strong, I have figured out
How this world turns cold
And it breaks through my soul and I know
I'll find deep inside me
I can be the one
"Ano nga ulit title ng kantang 'to?" Biglang tanong ni Rem kaya napakurap-kurap ako dahil kanina ko pa siyang tinititigan dito.
"Your guardian angel."
Tumangu-tango siya at napa-hum pa nga kasabay ng kanta.
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
It's okay
It's okay
It's okay
"Madalas ko na 'tong marinig noon pero ngayon ko pa lang siya napakinggan ng maayos. This song's actually good."
Napangiti ako matapos malaman na nagustuhan niya ang kanta.
"That's actually one of my favorite songs." Pag-amin ko. Napalingon na rin sakin si Rem. Nahuli pa nga ako nitong titig na titig pa rin sa kanya.
"Not bad. You have a good taste." Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko. Umusog ako papalapit sa kanya bago bumulong.
"Guess that explains why I'm into you, huh?"
Namilog ang mga mata nito sa narinig. Tinanggal niya na ang earpiece na nasa tenga niya at marahas akong itinulak papalayo.
"Bakit? Kinilig ka ba masyado?"
Natatawa kong tanong. Hindi ko rin alam kung bakit ba iba ang tuwang naihahatid sakin kapag nakikita kong naasar si Rem, nahihiya o di kaya'y nabibigla sa mga banat ko. Ang cute cute niya talaga sa paningin ko. Ang sarap halikan.
"Ulul. Ba't naman ako kikiligin? Ano ka, chix?"
Agad na nawala ang pagkakangiti ko. Naningkit ang mga mata ko dahil sa narinig. Chix pa talaga ang nais ha. Natahimik tuloy ako ulit. Naiinis na naman ako dahil pakiramdam ko ay hindi pa ako sapat para kay Rem. Nakaka-frustate pala talaga yung ganitong pakiramdam, ano? Yung tipong halos lahat eh gawin mo na para magpapansin sa taong mahal mo, pero wala pa ring epekto.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...