Time out muna tayo kay Dan at Rem. Gusto na rin ni Nicolo na ma-notice natin ang love story nila ng bebe niya. Lmao. So basically, this whole chapter is gonna be Nicolo's POV, but no worries dahil continuation lang naman ito ng previous chapter. Enjoy reading!
Chapter theme: Make You Mine by PUBLIC
Langga
Nicolo's POV
"Good job, guys! Ang galing niyo. Wala akong masabi."
Inismiran ko si Dan nang lumapit siya samin para sabihin 'yon. Kakatapos lang naming mag-perform at masasabi kong naibigay ko naman ang lahat lahat sa performance namin. Bale kung ir-rate natin, mga nasa 99.9% ang naibigay ko. Oh, di ba? Safeguard lang. May 1% na germ pang natitira.
"Nicolo, my friend!" Biglang baling sakin ni Dan na ginaya pa nga ang tono ng pananalita ni Tommy sa Pepito Manaloto.
Imbes na salubungin siya, lumihis ako ng daan papunta sa kung saan nakalagay ang mga bag namin. Kinuha ko mula sa loob ang tumbler ko para sana uminom ng tubig, pero nakalimutan kong kanina pa nga palang naubos ang tubig ko. Asar naman.
"Hoy, Nicolo!"
Hindi ako agad na lumingon kahit pa alam kong nasa likuran ko lang si Dan. Naramdaman ko na lang ang mabigat nitong braso na umakbay sakin. Bahagya pa akong hinila nito papalapit sa kanya kaya halos magsumiksik ako sa kilikili niya.
"Aish, ano ba Dan?!"
"Ano ha? Bakit hindi ka namamansin diyan? Nagtatampo ka na naman kasi hindi ko na naabutan ang performance niyo?"
Inis ko siyang tinulak papalayo. Tinuro ko ang tumbler na hawak ko. "Sira! Uhaw na uhaw na ako, kanina pa. Pero isa na nga rin yung sinabi mo. Walangya ka, lakas ng loob mong purihin ang performance namin eh halos wala ka na ngang naabutan pagdating mo."
Mahinang tumawa lang ang gago bago ako tinapik-tapik sa balikat.
"Sorry na. Hindi pa kasi ako naka-recover agad sa ginawa ni Rem eh. Tsaka nag-meryenda pa kami saglit kanina bago kami tumuloy dito." Paliwanag niya.
"Wala, wala. Kinalimutan mo na talaga kaming mga tropa mo. Palibhasa, luma-lovelife ka na diyan."
Napayuko si Dan. Halatang pinipigilan lang niyang mapangiti ulit. Napailing-iling na lang ako. Iba talaga ang nagagawa ng love sa tao, ano?
"Pagbigyan mo na ko, Nic. Alam mo namang ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang tao, 'di ba?"
Bumuga ako ng hangin sa ere bago marahang tumango.
"Tama 'yang sinabi mo. Puro kasi mga hayop ex mo."
"Gago!"
Sabay kaming natawa ni Dan dahil sa sinabi ko. Maya-maya pa nga'y lumapit na rin si Rem samin kasunod sila Kevin, Denzel at Ronald na mukhang enjoy na enjoy din sa pagkukuwentuhan.
Tinapik ko si Dan na hindi pa nga agad nakalingon sakin dahil ang mga mata nito'y nakatuon sa paparating na si Reminiscence. Hays, inlababo nga naman.
"Ano yun?" Tanong nito pero hindi na nag-abala pang tapunan ako ng tingin.
"Bibili lang akong tubig. Ikaw na lang magsabi sa kanila."
Wala na akong nakuhang sagot kay Dan. Mukhang wala na ngang ibang nakikita ang loko sa mga oras na 'to maliban kay Rem na naglalakad papalapit sa pwesto namin. Nagkibit-balikat na lang ako bago ko sinukbit ang bag ko sa aking likod at nagsimula na ngang maglakad papalabas ng UCC.
Saktong paglabas ko naman ay siyang pagtunog ng phone ko. Agad ko naman itong chineck sa pag-aakalang importante, pero nahinto na lang ako sa paglalakad nang makitang text pala iyon mula kay Kuya Julian.
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...