Chapter 14

431 21 6
                                    

Sorry

Dan's POV

"Wala ka pa rin ba talagang plano na bumalik sa sarili mong dorm, ha?" Ito ang bungad na tanong sakin ni Nicolo nang maabutan niya kong prenteng nakahiga sa kanyang kama at naglalaro ng mobile legends sa cellphone ko.

I am really not into online games pero ito lang din kasi ang naging libangan at silbing distraction ko nitong nga nagdaang araw para pansamantala ko na munang makalimutan si Rem. Kaya lang, hindi rin naman ganoon ka effective. Maya't maya ko pa rin kasing naaalala ang kabaliwang ginawa ko sa kanya nang gabing 'yon.

"Sige, wag mo na rin akong kausapin. Sayang, ikukuwento ko pa naman sana sayo yung nangyari kanina sa pakikipag-usap ko kay Rem."

Kusa kong nabitawan ang phone ko nang marinig ang sinabi ni Nicolo. Tama ba talaga yung narinig ko? Binanggit ba talaga ng mokong na 'to si Rem?

"Si Rem lang pala ang makakakuha ng atensyon mo, tsk." Hindi ko pinansin ang pasaring ni Nico. Gusto kong malaman mula sa kanya kung kamusta na si Rem.

"Galit pa rin ba siya sakin?" Pansamantalang natigil si Nico sa pagbibihis at naiiling na tinawanan ako.

"Wag mong sabihin sakin na kaya ka hindi makabalik-balik sa dorm niyo eh dahil nag-aalala kang galit pa rin sayo si Rem?"

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Alam kong marami-rami na rin ang naibunyag ko kay Nicolo lalo na nga nung maglasing kaming dalawa, pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng pagkailang at hiya sa tuwing pino-point out niya sakin ang mga bagay na napapansin niya na totoo rin naman.

"Damn, my bro's really whipped, huh?"

"Gago!" Naiinis kong singhal at binato sa kanya yung bote ng gatorade na ininom ko kanina. Gaya naman ng inaasahan, nasalo lamang ito ng loko at pinaikot-ikot pa nga sa kamay niya ang bote na animo'y bola ng basketball ang kanyang hawak.

"Well, para sa ikapapanatag ng loob mo . . . mukha namang hindi na galit sayo si Rem. Nasabi ko na sa kanya ang totoo at mukhang naniniwala naman na talaga siya this time. I mean, given na may ebidenya na, 'di ba? I'm sure okay na kung babalik ka sa inyo ngayon din." Paliwanag ni Nico bago naupo sa stool na nasa tabi.

"Sinasabi mo lang ba 'yan dahil 'yan ang totoo o gusto mo na lang talaga akong palayasin dito sa inyo?" Biglang humagalpak ng tawa ang ungas. Bwisit, sinasabi ko na nga ba eh.

"Sira! Isa na rin yun ano. Totoong gusto na rin talaga kitang palayasin dito, pero totoo rin lahat ng mga sinabi ko sayo."

Bigla akong natahimik. Kung totoong alam na ngayon ni Rem ang katotohanan sa nangyari noon at hindi na rin siya galit . . . aish! Hindi pa rin ako pwedeng bumalik. Hindi pa sa ngayon. May isa pa kong atraso sa kanya at iyon na nga rin mismo ang nagpapabagabag sakin mula nung umalis ako sa dorm.

"Oh, ba't mukhang stress na stress ka pa rin diyan? Hindi ka ba natutuwang malaman na okay na si Rem?" Tanong nito nang mapansing balisa pa rin ako.

"Hindi naman kasi yun eh. Ah basta! Dito na muna ako sa ayaw at sa gusto mo." Pinal kong sabi bago ako mahiga sa kama ni Nicolo na para bang akin ang kamang ito. Binigyan lang ako ng isang hindi makapaniwalang tingin ni Nicolo at naiiling na napa-facepalm.

"Suko na ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyong dalawa."

Sambit nito habang umaaarteng naiiyak. Umaksyon akong ibabato sa kanya yung bote ng red horse na nadampot ko sa tabi, dahilan para bigla itong mapatayo at tinaas pa nga ang dalawang kamay.

"Daaan! Wag naman 'yan!"

Natatawang ibinaba ko na ang bote ng red horse na hawak ko. Siya ring pagtunog ng cellphone ni Nicolo. Kitang-kita ko pa ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito matapos mabasa ang mensaheng kanyang natanggap mula sa kung sino.

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon