Chapter 47

250 8 0
                                    

REM

"DADI! Na-miss kita nang bonggang-bongga, alam mo ba 'yon?"

Before I could even react to why they are here, nauna nang nakalapit sakin si Jonah at niyapos ako. Nakasunod sa kanya ang kapatid ko na ang laki pa nga ng ngiti habang nakatingin sakin.

"Kuya, tara! Lunch tayo with the gang."

Kumunot ang noo ko. Kaya ba nag-abala pa silang puntahan ako dito sa room namin?

"No need. Dito lang ako sa room magl-lunch. May dala akong baon." Sabi ko sabay turo sa lunch box na nakahanda na at nakapatong sa arm rest ng upuan ko. Kakain na kasi talaga sana ako kanina kung hindi lang sila biglang sumulpot dito.

Napasimangot si Jonah bago humiwalay sa pagkakakapit sakin.

"Ayan ka na naman eh. Ngayon mo na nga lang kami nakita ulit, tapos tatanggi ka pa? Besides, look! Ikaw na lang mag-isa dito sa room niyo. Boring." Maarteng pahayag nito.

"Oo nga, Kuya. Isa pa, we're not here to just convince you to eat with us. Sapilitan ka naming isasama, kaya sa ayaw at sa gusto mo, you'll have lunch with us."

"Wait,what?!"

Pareho nila akong hinawakan sa magkabilaang braso at tulad nga ng sinabi ni M, sapilitan nila akong hinila papalabas ng room namin. Deja vu. Pakiramdam ko nangyari na rin mismo 'tong eksenang ito noon eh.

"M, let go off me! Sasama na ko sa inyo kaya pwede ba? Bitawan niyo na ko."

Dahil sa sinabi ko ay pareho silang natigilan at napalingon sakin.

"Sure?" Tumango ako at sabay na nga nilang binitawan ang braso ko.

Sinamantala ko na agad ang pagkakataon. Nang tuluyan na nila akong pakawalan ay agaw akong bumwelo at kumaripas ng takbo papalayo. Hindi ko na pinansin pa ang mga sigaw at reklamo nung dalawa sa ginawa ko.

Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa mapagod na ko't mapadpad sa tapat ng green house ng University. Sa takot kong baka nakasunod sakin sila M, hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok sa maliit na siwang sa gate ng green house.

Pawisan at hinihingal, napaupo na ako nang tuluyan sa lapag. Kampante naman akong hindi madudumihan ang pantalon ko dahil bermuda grass ang naupuan ko.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi na masyadong naaalagaan itong green house at sa pagkakaalam ko, bawal ang mga estudyante dito. Anyway, panandalian lang din naman 'to. Babalik na rin ako maya-maya 'onti sa room para ipagpatuloy ang naudlot kong tanghalian.

Pinalipas ko na muna ang ilang minuto bago ako tumayo na mula sa pagkakaupo. Siguro naman by now, umalis na rin yung dalawa.

Lalabas na sana ako ng green house nang isang pamilyar na boses ang marinig ko mula sa malapit.

We were so beautiful
We were so tragic
No other magic
Could ever compare

Bigla akong natuod sa kinatatayuan. Ang planong paglabas ay nawala na sa isip ko. Agad akong lumingon at hinanap kung saan mismo nanggaling yung boses.

I lost myself, seventeen
Then you came, found me
No other magic
Could ever compare

Napalunok ako nang makumpirma ko na kung kanino nanggagaling ang pamilyar na boses. How can I ever forget about his voice? It's my most favorite lullaby.

Mula dito, kitang-kita ko si Dan. Nakaupo siya sa malaking bato habang ang likod ay nakasandal sa malapad na puno ng mangga na nasa likod niya.

Ang isang paa niya'y nakapatong sa kinauupuan. Ang ulo niya'y bahagyang nakahangad at parehong nakapikit din ang mga mata nito.

Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Ang gwapo niya pa rin kahit wala naman siyang ginagawa. He's basically just resting there, but his charisma screams perfection. Papasa talaga siyang model, sa totoo lang.

There's a room
In my heart with the memories we made
Took 'em down but they're still in their frames
There's no way I could ever forget, hmm

Minabuti kong takpan ang bibig ko para hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay. Seeing him slowly singing like this while his eyes are closed, made me wanna jumped into his lap and kiss him.

For as long as I live
And as long as I love
I will never not think about you
You, hmm
I will never not think about you

Hindi na ako nakapagpigil. Mabilis kong hinablot ang phone ko na nasa bulsa at pasikreto siyang kinunan ng video. Shet, papasa na kong stalker sa ginagawa kong 'to.

From the moment I loved
I knew you were the one
And no matter whatever I do
Ooh, hmm
I will never not think about y...

Kusa kong naibaba ang phone ko. Kampante akong hindi niya ako makikita sa pwesto ko, pero bigla akong kinabahan nang tumigil siya sa pagkanta at dumilat.

Mukhang oras na para umalis na talaga dito.

Ingat na ingat ako sa paglalakad. Kabado man, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko para makalabas ako sa green house nang hindi niya napapansin. Pero ang kabang nararamdaman ko ay may dumoble lamang nang may marinig akong parang kaluskos sa tabi ko.

Dahan-dahan akong lumingon at kamuntik na kong mapasigaw nang makita ko yung pusang nasa ibabaw ng mga paso. Bigla itong tumalon sa kabilang mga paso at sa ginawa niyang 'yon, aksidente niyang natabig yung bakal na lalagyan ng mga paso sa tabi ko at anytime now, ay babagsak na ito sakin.

Masyado akong nabigla sa mga pangyayari na ang nagawa ko na lang ay mapapikit at hintaying tamaan ako nung bakal at mga paso.

Napatakip ako sa tenga ko nang marinig ko ang ingay likha ng pagbagsak nito, pero laking gulat ko nang wala naman akong kahit na anong sakit na naramdaman.

Mabilis akong lumingon at napanganga ako sa nasaksihan kong eksena. Kaya pala walang kahit na anong tumama sakin. Bago pa kasi ito tuluyang bumagsak, hinarang na ito ni Dan gamit ang sarili niyang katawan.

Napangiwi ako nang ma-imagine ko kung gaano kabigat at kasakit 'yon. Nakayuko ito at nung umakma siyang titingin na sa gawi ko, agad akong tumalikod.

"A-Ayos ka lang ba?"

Napalunok ako. Did he recognize me?

"Kaya siguro nila pinagbawalan yung mga estudyante na pumasok dito. Delikado na nga pala talaga." Pagpapatuloy pa nito.

Hindi ako kumibo. Para akong timang na hindi halos makakilos sa pwesto ko. Mukhang hindi niya naman ako nakikilala.

"Wala bang masakit sayo, boss? Hindi ka naman siguro natamaan---uy! Sa'n ka pupunta?!"

Walang lingon-lingon na tumakbo na ako papalayo. Sa ngayon, ito na lang ang pinakamabisang paraan na naisip ko. I can't face him right now, like this.

Hindi ko pa kaya at mas lalong hindi na rin pwede pa.

Nang masigurong nakalayo na ko ay tsaka pa ako tumigil. Napahawak ako sa dibdib ko at pinunasan ko na rin ang pawisan kong noo. Napasabak pa nga ko sa takbuhan ngayong araw na 'to.

Nang medyo umayos na ulit ang paghinga ko, hindi ko naiwasang maalala kung papaanong sinangga ni Dan yung bakal na dapat ay tatama sakin.

Gusto ko pa sanang magtagal doon para masiguro ko kung ayos lang din ba siya, pero pag ginawa ko 'yon, paniguradong makikilala niya na ko.

Sunod-sunod na nag-vibrate ang phone ko. Sandali akong natigil sa pag-iisip at chineck kung kaninong message iyong dumating.

Hindi na ako nagulat nang makitang kay dad iyon galing. Pinapaalalahanan na naman ako na maya-maya lang ay darating na si Kuya Tonyo para sunduin ako. Alam na rin kasi nito ang buong schedule ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Biglang nag-ingay ang sikmura ko at doon ko lang na-realize na hindi pa nga pala ako nagl-lunch.

#

My Reminiscence (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon