Chapter 08

31 18 1
                                        

Daveigh Jane aka Blue's POV



"Daveigh Jane, sundin mo ang Mommy mo ha. Kapag sinabi niya na magsuot ka nito, magsuot ka. Maglagay ka ng ganyan, mag-lagay ka  Okay?" Bilin ni Lola habang nakapamewang pa. Bakit kapag ako yung kausap nila lahat sila nakabusangot na?


"Dalasan mo yung pagpo-post sa instagram ha, para at least updated pa din ako sa inyo, lalo kana Daveigh Jane." Bilin ulit ni Lola Edith sakin. Ang rami niyang bilin, hindi naman ako gumagamit ni social media. Mas millennial pa sakin yung Lola ko eh.


Ako na nagpalit ng pangalan pero Daveigh Jane pa rin tawag nila sakin. Ano ba naman 'yan. Hays.

"Ikaw naman Jayden, puro ka inom, inom, inom, inom. Gusto mo bang masira 'yang atay mo?" Nakabusangot din si Lola kay Jai hahaha.


"Aalagaan niyo naman po ako diba? Hahaha." Kupal talaga 'tong si Jai. Walang hiya magsasalita.


"Maghanap ka na lang asawa na nagaalaga sa'yo." Reklamo ni Lola kay Jai. Lagi na lang nakabusangot yung kumakausap samin ni Jai hahaha. Siya lang naman yung pasaway.


"La, ayoko nga pong mag-asawa. Ang saya kaya ng buhay ng single." Proud pa si Jai sa sarili niya, hindi naman siya single.


"At bakit naman ayaw mo?" Reklamo ni Lola Edith sa kanya. Kung ako nagmana kay Mom. Si Mom naman nagmana kay Lola hahaha. Welcome to reklamador family.


"Ayokong mai-stuck sa isang babae, La. Tignan mo si Tito Euro, laging nakabusangot, pinagsisisihan niya na siguro maging asawa ni Tiya Lucinda." Kupal ka talaga Jai hahaha. Ginamit mo pa si Itay hahaha. Lagi namin pinagtitripan si Mom, but even so we love this old woman very much. Mwah.


"Hoy, Jai." Reklamo ni Mom sa kanya. Tumawa lang ako nang biglang akong kinalabit ni Blaire.


"Yes, Blaire?" I asked my baby with a lovely smile.


"Catoonsz." Sabi sakin ni Blaire habang tinuturo yung iPad niya sa table.


Ang cute talaga ni Blaire. Makita ko lang siya, sumasaya na agad yung araw ko. Ang ganda ni Ate Bethany magbuntis, sana kapag nagbuntis ako, sana mas maganda pa ko sa kanya hahaha.


"Wanna watch, baby? Wait a minute." Sabi ko kay Blaire at pumunta ako sa lamesa sa baba ng TV para kunin yung iPad niya.


"Hays, ang rami mong bisyo. Kung hindi alak, babae. Hindi ko malaman kung kapatid ka ba talaga ni Kayden." Reklamo ni Lola Edith sa kanya. Totoo La, louder please. Joke lang baka sabihin niya mamaya, hindi ko alam kung kapatid ka ba talaga ni Dianne Jade.


"Ma, hayaan niyo na si Jai. Lalaki naman 'yan, kung matanda na siya at gusto niya magka-anak, edi maghanap niya ng mas bata sa kanya para maging Nanay ng anak niya." Pagtatanggol ni Dad kay Jai.


"Age doesn't matter naman, La. Hahaha." Singit ni Jade. Correct ka dyan, sis hahaha. Charot, isa ka pa. Sabatera!


"Pssttt." Yumuko ako at binaswitan si Jai. Nakuha ko na yung atensyon niya kaya agad ko siyang pinakyuhan hahaha.


Babaero!


"Oiiiii! Aray!" Reklamo ko nang bigla akong batukan ni Mother Earth.


"Parang hindi ka babae." Reklamo ni Mommy kaya biglang tumawa si Jai kupal.


"Kung maka-batok ka naman, Nay, parang hindi mo ko anak." Reklamo ko at pumunta na ko kay Blaire.


Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon