Daveigh Jane aka Blue's POV
//2 DAYS LATER//
Kakagising lang namin ni Jai, magkayakap kami ngayon... Ugh best feeling. I love you, my boo.
"Where do you want to go? Do you want something to eat?" biglang tanong sakin ni Jai habang naka-higa ako sa chest niya.
"Wala. Ayokong umalis. Basta magkayakap lang tayo buo na yung araw ko." parang bata kong sabi.
//2 HOURS LATER//
Biglang nag-ring yung phone ko, pagtingin ko sa phone ko, tumatawag si Keane. Hala! Pa'no ko siya haharapin? Malinaw at natatandaan ko pa yung ginawa ko sa kanya nung nakaraan huhuhu.
"Ha?! Ngayon 'yun? Teka, teka, on the way na ko. Sige sige. Okay. Bye!" shit man camping pala kami ni Keane ngayon.
How come I forgot this day while I'm the one who planned this camping.
Bumangon na agad ako at nagpunta sa banyo para maligo. Alangan naman na magluto diba?
Fast forward na, baka sabihin ng iba dyan bobo ako eh. Pagkabihis ko, sobrang gulo ng muka ni Jai. Hindi talaga niya alam yung nangyayari kaya niyakap ko siya agad.
"Sorry, boo. Naalala ko may lakad nga pala kami ni Dixie ngayon. Sorry. Babawi na lang ako. Last week pa kasi naka schedule 'to eh." nagmamadali kong sabi at hinalikan ko siya sa lips then byeeee gogora na me.
Jai's POV
Huh? Lakad? Jane. May tinatago kaba sakin? Feeling ko... Feeling ko kang naman na nagsisinungaling si Jane. Teka, girlfriend ko siya. Ba't naman siya magsisinungaling? Dapat may tiwala ako sa bawat sinasabi niya... Teka. Ba't parang masama yung pakiramdam ko?
Naguguluhan ako. Hindi ako mapakali. Pagkalabas ni Jane ng condo, tinawagan ko si Dixie.
(Hello, dude? Napatawag ka?) - Dixie.
"Magkasama ba kayo ni Jane ngayon?" tanong ko agad.
(Si Blue?... Hindi eh. Bakit?) - Dixie.
"Bye. Thanks." sabi ko at pinatay na agad yung phone call.
Daveigh Jane!
Biglang nag-vibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung ano yung notif.
"Daveigh Jane and Calix are secretly dating?... Blue is wearing a same ring as Calix on their latest IG post. Nagbalikan na nga ba sila? No matter what happens we will continue to support you both." binasa ko yung caption sa video kaya agad kong inistalk si Blue.
Shit! Hindi niya suot yung singsing na binigay ko sa kanya. Magkikita ba sila ni Calix ngayon? Napansin ko yung highlight story ni Jane with a title, "👽". Inopen ko agad yung highlight dahil alam ko kung ano 'yun. Lumabas lahat ng memories nila Jane at Calix! Teka, Jane! Nagbalikan na ba kayo ni Calix?!
Daveigh Jane! *sighed confusedly*
Daveigh Jane aka Blue's POV
Damn! Phone at wallet lang dala ko. Kahit isang damit wala akong dala. Bigla kasing dumating si Jai kaya nakalimutan ko na yung mga pinlano kong gala ngayon huhuhu.
Pagdating ko sa park, sinalubong agad ako ni Keane.
"Do you think you're a super model that will do a catwalk on stage?" tinignan ako simula ulo hanggang paa ni Keane.
"Nakalimutan ko kasi na ngayon 'to. Akala ko sa susunod pa. Nawala sa isip ko, naiintindihan mo ba? Kaya 'wag mo kong sigawan." reklamo ko.
"Hindi ako sumisigaw. And don't worry, I'm 100% prepared, just in case this scene will happen." edi ikaw ba! Yawa!
"Hahaha. You're the man." I giggler when I saw Guss and Aye standing next to Keane's Lexus.
"Keane... Why Aye and Guss are here?" dahan-dahan kong bulong kay Keane.
"They will join us." Keane's smirked.
"Ba't hindi mo sinabi sakin?" ayoko pa naman makita si Aye ngayon. Aminado naman akong sumobra ako nung nakaraan sa kanta kaya nga nahihiya ako, diba.
"Kapag sinabi ko sa'yo, alam ko naman hindi ka papayag." singhal ni Keane kaya wala na kong nagawa. Hays.
Sumakay na kami sa Lexus ni Keane, hindi ko kinikibo si Aye, naiilang kasi ako, hindi ko naman mean na sampalin siya nung birthday niya. Lasing lang talaga ako huhuhu.
Nandito na kami. May dalawang tent kami. Sinabi ni Keane na magkasama kami mamaya ni Aye. God, paano ako makakatulog? Okay pa na ang katabi ko si Keane. Pero si Aye... Alam niyo naman hindi kami oks diba? Naglalakad-lakad kami ngayon habang yung dalawa nagiihaw ng BBQ.
"Pa'no mo nakilala si Guss. Mukang close kayo na parang dati pa magkakilala aaa." biglang sabi ko kay Keane habang naglalakad kami.
"Actually, we used to be classmates before." aaa, kaya!
Umupo ako sa swing at tinanong bakit kasama namin si Aye ngayorn tss.
"Why?... Gusto mo ba kong masolo ngayon? Pwede naman.. Dun tayo sa isang tent." haliparot! Agad kong hinampas yung lintek na braso nitong lintek na lalaking 'to.
"Sampalin kaya kita?" g na g kong reklamo.
"Why did you ignore Aye? Why are you mad at her. You and her are friends, right?" biglang sabi ni Keane sakin like duh. Hindi naman ako galit. Na gulat lang. Sorry na.
"Sino ba naman kaibigan yung hindi magagalit pagkatapos mong samahan siya uminom dahil iniwan siya nung lintek na Hugo na 'yun, tapos makikita ko nakikipag-halikan siya sa lalaking 'yun at nakita pa ni Guss na tumulong sa kanyang kalimutan si Hugo. Ang rami namin sinacrifice para sa kanya tapos ang ending babagsak nanaman siya sa taong nanloko sa kanya." reklamo ko. Hindi ako nagrereklamo dahil tinulungan namin si Aye. Nagreklamo ako bakit siya nakikipag-halikan. 'Yun yung point ko. Shete!
"Ba't parang apektado ka ata?" biglang sabi ni Keane kaya huminga ako ng malalim.
"Syempre, gusto ko lang maging masaya ang lahat. As a friend ni Aye, ayoko siyang nakikitang nasasaktan. Kung hindi dahil kay Guss hindi ko pa rin makikita yung ngiti niya." I smirked.
"If that's so, why don't you approach Aye so you can talk about that issue." Keane shrugged his shoulders.

BINABASA MO ANG
Amour | √
RomanceBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.