Daveigh Jane aka Blue's POV
NEXT DAY
Wala akong magawa sa buhay ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ako kukuha ng kalahating milyon. Like jusko. Bakit ba ko pinapahirapan ng panahon.
Kagabi, hindi na kami hinatid ni Keane sa condo, nag text kasi si Jai na susunduin niya kami. Tapos kagabi, nagsigawan lang kami ni Jai sa kotse about sa mga nangyari. Bwisit kasi 'yun eh. Bobo. Tanga.
Nakaupo ako ngayon sa sala, katabi si Jade. Buti pa si Jade ang sarap ng buhay. Hays. Nasa bahay nga pala ako ngayon, nag-away kasi kami ni Jai kagabi eh hahaha, char.
"Mga apo!" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang dumating si Lola Edith. Nandito nanaman siya?
"Lola!" Masayang sabi ni Jade at niyakap niya agad si Lola. Miss na miss, Jade?
Hindi pa ko naliligo. Hindi pa ko nagto-tooth brush. Hindi pa ko nagsusuklay. Nagmano lang ako kay Lola at nag deretso sa kwarto ko para mag-tooth brush. Baka sabihin nanaman non ang dugyot ko, hindi ba pwedeng bagong gising lang?
After ko maghilamos, mag-tooth brush at kung ano-ano pa. Nag-lagay ako ng konting tint sa cheek at lips. Grr. YAwa. Parang naprepressure ako kay Lola ngayon hahaha. Huminga muna ko ng malalim pagkalabas ko ng kwarto. Ewan ko pero kinakabahan ako eh. Bakit kasi bigla-biglang sumusulpot yung Lola ko.
"Daveigh Jane!" Narinig kong sigaw ni Lola kaya bumaba agad ako sa mahabang hagdanan ni Mother Earth. Ewan ko anong amats nila Mommy at Daddy nung pinagawa nila 'to. Sobrang taas ng pinagawa nilang bahay, sobrang haba ng hagdanan akala mo nasa Disney cartoons. Kapag tumanda sila, sila din naman yung mahihirapan.
Habang tumatakbo ako pababa ng hagdanan, biglang may sinabi si Lola kaya nadulas ako habang bumababa ng hagdanan.
"Daveigh Jane, I want to see Keane again. Tell him we will have lunch tomorrow." Jusko naman. Hindi pa ba sapat na may pinakilala ako sa inyo? Kailangan may pa-lunch ka pa, Grandma?
"Aray ko! Putcha!" Reklamo ko sa sarili ko pagkatapos ko mag roll over sa hagdanan. Ang bobo self ha.
"Hahaha. Ginagawa mo? Sabi ko sa'yo bawal tanga sa daan." Tawang-tawa na sabi ni Jade. Walang hiya kang bata ka. Ate mo ko pero pinagtatawanan mo ko? Kung tulungan mo na lang kaya ako.
"Ano ba 'yan, Apo. Magiingat ka nga rin minsan." Reklamo ni Lola kaya dahan-dahan na kong tumayo. Inangilan ko lang si Jade. Mamaya ka saking bata ka. Babatukan kita mga 100x.
"Ano po ba yung sinasabi niyo, La?" Tanong ko kay Lola Edith habang nakahawak sa baywang ko.
"Tell Keane, let's have lunch." Masayang sabi ni Lola kaya nasampal ako ng reyalidad na gustong makita ng Lola ko si Keane.
Dios mio por santo!
"Hindi pwede, La!" Nagpapanic kong sagot.
"Bakit naman hindi?" Tinaasan lang ako ni Lola ng kilay. Up. Bakit nga ba?
"CEO siya, La. Kahit girlfriend niya ko, ayoko parin na makaistorbo sa kanya. Hayaan niyo na lang si Keane, La, marunong naman kumain mag-isa 'yon." Sagot ko habang nagkakamot sa ulo. Hindi ako sumasagot kay Lola, nangangatwiran lang hahaha.
"Bakit ba ayaw mong makita namin ulit si Keane?" Reklamo ni Lola sakin. Kasi nga ano. Ano. Hindi naman kami magkaano-ano nun.
"Kasi, La....." Parang tanga na sabi ni Jade kaya nilakihan ko siya ng mata. Peste kang bata ka.
"Okay, fine." Napabuntong hininga na lang ako. No choice. Ang arte mo magsalita.
Keane nanaman, baka araw-araw puro si Keane na yung hanapin niya. Paano ko ba sasabihin kayla Lola na break na kami?
"Hindi pa ba kayo magpapakasal?" Biglang dumating ang aking Ina. Jusmeyo. Isa pa 'to.
"Anong kasal? Break na nga kami tapos magpapakasal pa." Salita ko sa hangin nang bigla akong binatukan ni Mommy.
"Aray ko naman, Mommy!" Sigaw ko. Napaka panget talaga ng kamay mo, Mom.
"Puro ka break, break. Kapag iniwan ka talaga nun... Ewan ko na lang sa'yo."Reklamo ni Mommy sakin.
"Bakit po ba kayo natatakot na iwanan ako ni Keane?" Jusko naman talaga. Mas nagaalala pa sila kay Keane kaysa sakin. Parang outsider na ata ako dito.
********************
A FEW MINUTES LATER
Nandito kami ni Jai sa kwarto ko, dumating na din sila Blaire, Kuya Kai at Ate Bethany kanina. It's Friday! Busog nanaman ako sa pagkain nito hahaha.
Nakahilata lang ako sa kama ko ngayon habang si Jai nakatayo habang nakapamewang pa. Ano ka si Daddy? Para kang si Daddy kung umasta.
"Hindi ko na alam gagawin ko." Umikot-ikot ako sa buong kama ko. King bed yung kama ko pero wala akong king huhuhu.
"Ikaw! 'Wag na 'wag mo na ulit hahalikan si Keane. Kapag hinalikan mo 'yun, baka masapak ko 'yang CEO na 'yan." G na G na sabi ni Jai hahaha.
He's being possessive again, woohoo! May bigla akong naalala. A-ha!
"Ikaw, bakit mo inagaw kay Keane yung girlfriend niya." Reklamo ko naman sa kanya. Magsumbatan tayo ngayon. Halimaw ka.
"Sinong girlfriend ni Keane?" Iritadong tanong ni Jai sakin.
"Si Addison!" Sigaw ko sa kanya para marinig niya ng malinaw.
"Si Addison?" Tinaasan niya ko ng kilay. Gulat ka no? Gulat din ako.
"Tatadyakan na kita." Reklamo ko. Kailangan pqulit-ulit? Sinabi na ngang si Addison eh.
"Hinahabol niya pa 'yun? Jusko. Malandi naman yung babaeng 'yun eh. Gusto sampung lalaki yung nakaaligid sa kanya. Hindi makuntento sa isa? Kailangan sampu? Halatang natatakot siyang mawalan ng lalaki aaa. Pati nga yung dapat mong fiancee pinagtyagaan niya eh." Ang rami mo naman sinasabi.
"Oh. Talaga? Akala ko maldita lang siya." I giggled.
"Desperada!" Inis na sabi ni Jai. Rami namang hinanakit nito.
"Bakit ba nagagalit ka? Mahal mo pa ba siya ha?!" Sigaw ko naman ulit sa kanya.
"Hindi ako nagagalit. Hindi ko siya minahal. Sa'yo ko naiinis eh, paano kung may gawin kayo ni Keane? Lalo na kahapon, buong araw kayo magkasama tapos nasayo pa yung coat niya. Naba-bad trip na ko sa kanya." Ang laki naman ng problema mo sa buhay.
"'Wag ka ng magalit. Kiss mo na lang ako hahaha." Parang tanga ko nasabi. Chill lang dapat. Ang harot ko. YAwa.
Malapit na si Jai sakin, ilang inches na lang mahahalikan niya na ko nang biglang bumukas ang pinto.
"Bumaba na kayo kaka———" Gulat na sabi ni Kuya Kai samin.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Kuya Kai samin.
"Hindi ba obvious?" Iritadong sabi ni Jai. Anong hindi ba obvious?
"Shit! Alam ko naman na babaero ka pero hindi ka ba kinikilabutan?" Parang tangang sabi ni Kuya Kai.
"Hoy, ano bang nasa isip mo?" Reklamo ni Jai sa Kuya niya.
"Ano bang tinutukoy mo sa hindi ba obvious?" Kuya Kai giggled.
"Hindi pa ba obvious na napuwing si Jane kaya hinihipan ko yung mata niya?" Parang tanga na sabi ni Jai kaya agad ko siyang sinipa. Akala ko kung ano na. Kbadong-kabado ako sa part na 'yan hahaha.
Tsaka si Kuya Kai naman, pa'no kung nalaman niya talagang kami ni Jai? Tatayo lang siya sa pintuan at magugulat? Hindi ba manlang niya susuntukin yung kapatid niya? Hindi ba manlang siya magagalit? Tatawa pa siya. Jusko.
BINABASA MO ANG
Amour | √
RomantikBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.