Daveigh Jane aka Blue's POV
May lunch date kami ni Keane, charot! Kakain lang kami no. 'Wag kayong issue. Habang naglalakad kami, nakita ko si Calix my loves hahaha.
"Uy, Jane! It's you!" bati ni Calix sakin kaya ngumiti ako sa kanya.
"Yes, it's me!" I giggled while we're holding each others hands.
Tinignan ko si Keane na parang nagseselos. Luh?
Biglang may lumapit na girl kay Keane. Woah. Hinigitan ako.
"Alanis! What's up?" masayang sabi ni Keane sa babae at nakipag-beso pa!
"Hey, it's been a while. How are you?" naka-ngiting sagot nung babae sa kanya kaya agad akong tinignan ni Keane.
Aaa. Gago kaba? Sa tingin mo magseselos ako?
"Kumain kana ba, Calix? Gusto mo bang sumabay samin?" naka-ngiti kong tanong kay Calix.
"Why not. Sure." naka-ngiting sagot sakin ni Calix nang biglang tinanong ni Keane yung babae niya.
"It's been a while. Let's have a lunch together." gaya-gaya ampotaena.
"Yes, yes, that's a good idea. Let's go!" masayang sabi ni Keane, iritadong nakatingin lang ako kay Keane. Malandi!
Habang magkahawak kami ng kamay ni Calix biglang tumingin sakin si Keane at agad hinila yung damit ko, walangya!
Nung hinila ako ni Keane, hinila ko din syempre si Calix. Hindi ako papatalo sa'yo, baka Daveigh Jane 'to!
Eto ba gusto mo? Sige! Tignan lang natin, Keane.
Nasa iisang table kaming apat ngayon, naguguluhan na nakatingin sakin si Alanis, yes, her name is Alanis. Charot lang, narinig ko lang na binanggit ni Keane 'yon hahaha.
Girl, ako lang naman 'to, yung fiancee nung katabi mo. Duh. Magkaharap kami ni Keane tapos magkatabi naman kami ni Calix.
"So, anong gusto mong kainin?" masayang nakatingin si Keane kay Alanis.
"Anything is fine." anything is fine, baka bigyan kita ng mangkok dyan.
"Steak? I know steak is your favorite. Ito na lang?" tanong sakin ni Calix kaya tumango agad ako.
"Talas naman. Naalala pa." I giggled.
"Syempre, minahal kita eh." ang harot Calix baka ma-fall ulit ako hahaha joke.
Napansin kong iritadong nakatingin lang sakin si Keane. Selos ka? Hahaha joke.
"So, kamusta kana? Do you have a boyfriend?" Keane asked Alanis.
"I don't have hahaha. Single life is happy. How about you?" sagot ni Alanis sa kanya.
"Well, I'm already engaged with someone who likes to flirt around... Like her." pa-cool na sabi ni Keane at dahan-dahan tumingin sakin kaya tinaasan ko agad siya ng kilay.
"Gago kaba?" reklamo niya. Ma! Sabi niya malandi daw ako. English-english pa na who likes to flirt around, malandi lang naman 'yun sa Tagalog.
"Jane? Daveigh Jane? My dear!" nagulat ako dahil biglang dumating si Mother Earth kaya agad akong lumapit sa kanya, bakit siya nandito?!
"Ma! Anong ginagawa mo dito ha? Wala ka bang trabaho? Ma, bakit ka nandito?" ngumiti ako ng plastic at niyakap siya. Nay! Bat ka nandito?
Mission failed.
"Ano naman mali kung nandito ako? Nandito yung anak at yung manugang ko, alangan naman daanan ko lang kayo." sagot ni Mama sakin kaya napatayo si Keane at binulungan si Alanis na tumabi kay Calix.
"Oo." ba't parang gusto kong maiyak sa sobrang epic?
"Anong oo?" tanong ni Mom.
"Oo, dapat nandito ka. Nanay kita eh." ngumiti ako ng pilit kay Mommy habang lumilipat ng upuan si Alanis.
Pinaupo ko si Ermat sa center at naupo naman ako sa tabi ni Keane.
"So, akala ko nagda-date kayo. Hindi ko alam may kasama pala kayo hahaha." kaplastikan nanaman ng Nanay ko umaariba.
"Aaa Ma! Si Alanis nga pala, boyfriend ni Calix." pagkasabi ko biglang nanglaki agad yung mata nung dalawa.
"Hin—" pinigilan kong magsalita si Calix at nagsalita agad ako.
"Ano nanaman? Alangan naman na ako yung jowa mo eh nag break na nga tayo." reklamo ko at kinindatan ko silang dalawa.
"Huh?" tinaasan ako ng kilay ni Alanis.
"Saan po ba kayo pupunta? Mukang bihis na bihis po ata kayo." ngumiti ng pilit si Keane sa Nanay ko.
"Aaa! Oo! May ime-meet nga pala ako! Tska, pambahay ko lang 'to, son, hahaha." nagulat kami sa pagiging OA ng Nanay ko. Pang miss u yung suot mo, Ma! Tapos pambahay lang?!
"Sige, aalis na ko." sabi ni Mama at tumayo na siya.
"Sige lang, Nay. 'Wag kana sanang magpapakita sakin ulit ha." pabulong kong reklamo habang naka-ngiti kay ermat.
"Anong sabi mo?" tinaasan ako ng kilay ng Nanay ko.
"Ang sabi ko Ma, mahal na mahal kita. Sige na, umalis kana." parang natatae akong ngumiti sa kanya kaya inangilan lang ako ni Mother Earth.
Nakahinga ako nang maluwag nang umalis na si Mama kaso muntik na kong atakihin kasi nandito nanaman siya.
"Pakita niyo nga muna sakin yung pagmamahalan niyo dalawa bago ako umalis. Natatakot ako baka bigla ka na lang iwanan ni Keane eh." I'm si done with you Mommy!
Niyakap namin ni Keane yung isa't isa at ngumiti kay Mom. Satisfied? O, umalis kana.
"'Wag kang maalala, Nay. Hindi ako iiwan ni Keane, mahal na mahal ako niyan." yung pawis ko sapat na para pampaligo niyo.
"Sige hahaha. Aalis na ko." my Mom's giggled and finally she's already gone!
"Keane, what's happening?" Alanis asked Keane.
Magpapakasal na kami kaya umalis kana.

BINABASA MO ANG
Amour | √
Roman d'amourBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.