Daveigh Jane aka Blue's POV
Pagkatapos namin mag photoshoot umuwi na kami, syempre alangan na kung saan pa kami pumunta. Char lang, nandito kami sa bar ngayon. Yung lagi akong nasa bar tapos hindi naman pala ako marunong uminom hahaha.
Si Keane kasi ang kupal kanina, hindi marunong umayos. Yung simpleng pose umabot ng 20 shots samin, nakakahiya hahaha.
Nandito kami sa bar, si Keane hindi ko alam sa buhay niya. Inaya ko siya pero sabi niya makikipag-meet pa daw siya sa kaibigan kaya sabi ko, sinong nagtanong, hahaha joke lang.
May limang baso na puno ng alak sa table.
"Cheers!" masayang nilang sabi habang nakataas yung mga baso nila.
Ewan ko, tuwing iinom kami si Blake lagi una kong tinitignan.
Pota kasi kung uminom siya parang tubig lang yung iniinom niya.
Kinuha ko yung baso ko, iinom ba ko? Sobrang baho ng alak. Parang tanga kong tinititigan yung alak. Nakita ko si Blake na naka dalawang baso na.
Dinilaan ko yung beer ko sa baso ko. Pota dinilaan ko palang pero gusto ko ng masuka. Pwee!
"Ayoko na. Nahihilo na ko." reklamo ko sa kanila at binaba yung baso ko sa table.
"Grabe, Blue, huh. Dinilaan mo pa lang yung beer mo nahihilo kana agad. Si Aye nga hindi pa umiinom, tulog na hahaha." pagloloko ni Josh. Inookray mo nanaman si Aye. Pagod kaya si Aye. Stress samin ni Keane kanina hahaha.
"Brokenhearted ako, Josh. Baka gusto mong inumin ko lahat 'yan ng makita mo kung anong hinahanap mo." angal ni Aye. Brokenhearted? Akala ko ba okay kana? Akala ko ba nagkakaroon na kayo ng something ni Guss? Hays.
Syempre, fiancee niya yung kupal na Hugo na 'yun, minahal ni Aye 'yun. Kaya sobrang imposible na after 1 week fully recover na si Aye sa breakup nila ni Hugo.
"Aww, Mamshi." niyakap na lang ni Josh si Aye.
"Jane." tinawag ni Blake yung pangalan ko kaya humarap ako sa kanya. Nasa gilid ko lang naman siya.
"Bakit?" nakabusangot kong tanong sa kanya. Naiistress ako sa amoy ng alak eh, nakakasuka.
Muntik na talaga akong masuka sa ginawa ni Blake. Pinaamoy niya sakin yung hininga niya. Tarantado talaga.
"Putangina ka, Blake." sobrang baho ng alak talaga hindi ko kaya, sorry mga dude.
"Isusumpa kita, Blake sa ginawa mo!" sigaw ko sa kanya habang pinaghahampas yung braid niya.
"Hahaha." tumawa lang silang lahat.
"Uminom kana kasi!" natatawang sabi ni Blake sakin. Yung binigay ko na emotion sa kanila, sapat na para magwala sila sa tawa. Kapag nagkaroon ka talaga ng kaibigan na kupal, isusumpa mo talaga, joke lang.
"Basta papakasalan mo ko sa future." maangas ko na sabi. Syempre, kung kupal sila, mas kupal ako, ako leader nila eh hahaha.
"Tangina mo, Blue." napakamot na lang ng ulo si Blake at lumayo sakin hahaha.
Nasa akin pa rin ang huling halakhak, Blake hahaha, joke. Kahit anong panginis mo sakin, mas maiinis ka pa rin sakin hahaha.
BINABASA MO ANG
Amour | √
RomansBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.