Daveigh Jane aka Blue
"Wala nga, Bella, wala talaga." I giggled. Grabe mangulit yung Bella niyo. Kung maka-tanong akala mo nasa TWBA tayo hahaha.
Habang tumitingin ako sa paligid. Nasagi ng mata ko si Keane at..... At Addison?
Parang naiirita si Keane sa kanya. Ano ba yung sinusubukan na gawin ni Addison? I smell something fishy.
"Wait a minute." Pinahinto ko sa pagsasalita si Bella. Ususera ako kaya agad akong naglakad papunta sa kanila.
"Blue! Saan ka pupunta? Para kang gunting, lagi mo na lang akong cinu-cut." Hindi ko na pinansin si Bella at naglakad lang ako papunta kayla Keane.
"No! I know you still love me, Keane." Pagmamatigas ni Addison.
"No! I don't love you anymore." Seryosong sabi ni Keane.
"If I have any love left for you, I'm making sure it's just as a friend." Dugtong ni Mr. CEO.
"Hindi pagmamahal yung natitira sa'yo Keane. Pasensya! Pasensya!" Singit ko kaya nagulat ang dalawa.
"Blue?!" Nagulat na tinawag ni Addison yung pangalan ko.
"Hi, Addison, I didn't expect to see you here." Ngumiti lang ako kay Addison.
Buskalera ako kaya hayaan niyo na ko hahaha.
"Let's go, Blue." Bulong sakin ni Keane kaya tumango lang ako.
Kukunin ko lang naman yung boyfriend ko, okay. Hindi ako troublemaker katulad ni Addison.
"Keane, saan ka pupunta? Keane, hindi pa tayo tapos!" Inis na sabi ni Addison at hinila si Keane papalapit sa kanya kaya agad akong humarap sa kanila.
"Addison, enough." Pagmamakaawa ni Keane sa kanya.
"Keane, bakit ka ba sumasama sa babaeng 'yan? Ayokong nakikita ka na kasama mo siya." Parang tanga na sabi ni Addison. At ano naman karapatan mo na pigilan si Keane ha?
"Addison, you don't care who's with me, okay?" Sagot ni Keane sa kanya kaya bigla akong tinignan ng masama ni Addison.
"Girlfriend mo ko, Keane." Nagulat ako sa sinabi ni Addison. Lasing kana ba, girl?
"Ex-girlfriend." Pagtatama ko in case na nasa kabilang planeta yung isip niya.
"Shut up!" Addison sneer at me.
"Addison, I beg you, please let me go." Pagmamakaawa ulit ni Keane coz ayaw bitawan ni Addison yung braso niya.
"No!" Sigaw ni Addison at biglang hinalikan si Keane.
Shit! Eww! Kadiri naman 'tong mga 'to. So desperate, Addison.
"Addison! Enough! Stop it! You don't know what you're doing anymore." Sigaw ni Keane kay Addison.
Shit! Eww, parang gusto kong masuka. Kinikilabutan ako.
"BAKIT BA KEANE? MAHAL MO PA KO DIBA? HINDI KA MADALING MAKA-MOVED ON. DAHIL BA KAY BLUE KAYA ANG TIGAS-TIGAS MO NGAYON HA?" Nagulat kami nang biglang sumigaw si Addison. Shit, eskandalo ba hinahanap mo, girl? 'Wag naman dito, konting hiya naman.
BINABASA MO ANG
Amour | √
RomanceBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.