Daveigh Jane aka Blue's POV
Damn. Kanina pa ko palaboy-laboy dito. Putangina kasi eh. Saan ako kukuha ng kalahating milyon?! Sabihin niyo nga saan?!
Fuck. Yung bahay ko nasa Antipolo pero nandito pa din ako sa Makati naglalakad. Jusko. Pagod na pagod na ko, bakit ba ako pinapahirapan ni Author?!
Alam ko na... Kakasuhan ko sila!
Oh, I remember wala pa akong pambayad sa attorney. Hays.
Habang sinisipa-sipa ko yung bote sa daan. Parang nakita ko si Keane. Baka pagod lang 'to, pagod lang ako.
Pagtingin ko ulit sa labas ng bar... Shit! Si Keane 'to!
Paanong ang isang Keane na CEO maglalasing sa bar?!!!
Tumakbo ako agad papunta sa kanya na pagewang-gewang na maglakad. Humahawak siya sa mga sasakyan habang naglalakad para hindi siya matumba.
"Keane!" Sigaw ko sa pangalan niya at sinandal ko siya sa balikat ko, sobrang wasted na siya. Ano bang problema nito? Ang sabi niya sakin boring maging CEO aaa, wala din naman siyang girlfriend, kaya bakit siya maglalasing?
"Keane! Wake up! Keane!" Sabi ko sa kanya habang tinatapik-tapik ko yung pisnge niya. Kapag hindi siya gumising, tatampalin ko na siya.
"Keane! Hey!" Paggising ko ulit sa kanya pero tulog na ata siya. Putangina, bakit ba kasi kita nakilala?!
Napakamot na lang ako ng ulo at kinapa lahat ng bulsa niya para kunin yung susi ng sasakyan niya. Shit! Nakuha ko na yung susi pero ano yung sasakyan niya dito?!
"Keane, nasaan ba yung sasakyan mo dito?!" Tanong ko sa kanya. Ang bigat naman ng taong 'to.
Tinuro ni Keane yung puting Tesla habang lasing na nakasandal sa balikat ko. Tangina mo, Keane with manners, bakit ka ba kasi naglasing?!
Nilagay ko yung braso ni Keane sa balikat ko at naglakad kami papunta sa Tesla S niya. Pinindot ko yung remote para buksan yung sasakyan niya, pinasok ko siya agad sa passenger seat. Ang bigat-bigat. Jusko. I'm too skinny para magbuhat ng laisng.
Wait! Napahinto ako nang maalala ko na hindi ko pala alam kung anong address ni Keane. Hahatid ko ba siya o hindi? Gabi na. Mahirap maghanap ng lugar-lugar. Sumakay agad ako sa driver seat, bahala na si batman este si superman pala, kahit sila ng pareho.
Marunong naman akong mag-drive, 17 years old palang ako nagmamaneho nako pero wala akong driver license kasi wala naman akong sasakyan skl.
"Keane, saan kaba nakatira?!" Reklamo ko sa lasing na CEO na 'to.
"Alam mo, kung wala akong utang na loob sa'yo hindi ko gagawin 'to." Reklamo ko sa na bangenge na 'to.
Tulog na talaga si Keane kaya no choice ako. Bubuksan ko yung phone niya. Hays. Hindi naman ako pakielemera eh!
Kinuha ko afar yung phone ni Keane sa suit niya. Tatawagan ko lang naman si Bella, kaya 'wag kang magalit sakin kasi ihahatid naman kitang lasingero ka!
Iinom-inom hindi naman pala kayang umuwi. Bakit ba ako nagrereklamo? Hindi naman sinabi ni Keane na tulungan ko siya aaa. Okay, be nice, be calm, nag-kusang loob ka dahil mabait ka.
Nagulat ako nang makita ko yung wallpaper ni Keane... What the fuck? Picture nila ni Addison? What's the deal between Keane and Addison?!
Bella... Bella... Bella... Hinahanap ko yung contact ni Bella at sa wakas, nakita ko na.
"Hello, Bella?" Bungad ko sa phone call.
(Sir kea... Hello, sino po sila? Bakit niyo po hawak yung phone ni Sir Keane?) Sagot agad ni Bella.
"Bella, si Blue 'to, remember me? I'm Keane's friend." Sagot ko.
(Oh. Hahaha, opo. Bakit po pala kayo napatawag? Tsaka nasaan po si Sir Keane?) Tanong ni Bella sakin.
"Tatanungin ko lang sana kung anong address ni Keane....." Sinabi ko kay Bella yung main point ko.
"Okay. Thank you!" Pasasalamat ko at pinatay ko na yung call. Humarap ako kay Keane na tulog, safety first, mag-seat belt ka!
Lumapit ako sa kanya para ikabit yung seat belt niya. Shit! Bakit naman ang gwapo mo, Mr. CEO?! On the way na kami papuntang impiyerno, charot.
Actually, nandito na pala kami sa condo ni Keane. 0940, ninth floor ba 'to?!
Pagkapasok namin sa loob ng building niya, pumasok na din kaminagad sa elevator. After ng tatlong unit, 0940 na!
Binuksan ko agad yung pintuan ng unit siya at hinagis siya sa sofa.
"Bwisit ka talaga with manners! Sa payat kong 'to, nagawa kitang ihatid sa condo mo!" Sigaw ko sa kanya na nakahilata sa sofa.
"Bahala kana sa buhay mo, Mr. CEO, uuwi na ko... Wait. Pagamit muna ko ng CR." Sabi ko at tumalikod na ko para hanapin yung restroom.
Nagulat ako nang makita ko yung picture ni Addison at Keane na nasa bawat sulok ng bahay niya. Ano bang amats meron si Keane?
After ko mag-restroom, char. After 20 minutes..... Wala si Keane sa sofa!
Shit! Anong ginagawa niya sa balcony?! Magpapakamatay ba siya?!
Tumakbo agad ako sa balcony at hinila si Keane papasok sa sala niya.
"Putangina, dude. Kung magpapakamatay ka, paalisin mo muna ko o kaya bukas mo na gawin 'yan. Baka kapag namatay ka makulong ako kasi ako yung huli mong nakasama. Mag-isip ka nga Mr. CEO, akala ko pa naman matalino ka kasi Magna Cum Laude ka ba o Suma Cum Laude? Hayaan mo na nga basta may Laude. Kapag nagbabalak ka, 'wag kang mandamay na iba, okay?!" Sigaw ko agad kay Keane pagkapasok namin sa living room niya.
"Huh?" Naguguluhan niya na sabi sakin.
"Ano ba kasing problema mo? Kung may problema ka sa tingin mo ba masusulusyunan 'yan ng alak mo?" Iritado kong tanong sa kanya. Ako yung nahihirapan sa kanya eh, hindi naman siya, jusko.
Biglang naupo si Keane sa sofa niya at natulog. Saan ka ba pinaglihi ng Nanay mo?!
BINABASA MO ANG
Amour | √
RomanceBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.