Chapter 37

15 7 2
                                        

Daveigh Jane aka Blue's POV



"Hanapin mo si Appa, Blaire." Masayang sabi ni Jai at nagtago sa bahay-bahayan ni Blaire hahaha.



"Hala, Blaire, nasaan si Appa?" Naki-tawa lang sa kanila kunware wala akong alam hahaha.



"Appa!" Sigaw ni Blaire at agad siyang pumasok sa bahay-bahayan niya.



"Bulaga!" Sigaw naman ni Jai nang makita na siya ni Blaire hahaha.



Kapag naglilikot si Blaire, hindi ko magawang magalit, ang cute-cute niya sakin eh hahaha.



Tumatawa lang ako nang biglang may tumawag sa phone ko kaya agad akong tumayo para sagutin yung call.



"Hello..... Ano?! Sige, papunta na ko dya."  Nagulat ako sa sinabi ni Keane kaya agad na kong tumakbo sa kwarto ko para magbihis.



"Jane, anong nangyayari sa'yo." Narinig kong tanong ni Jai pero hindi ko na muna siya pinansin.



"Jane!" Sigaw ulit ni Jai pero hindi ko pa rin siya pinansin.



After ko magbihis, lumabas na agad ako ng kwarto ko.



"Jane, saan ka pupunta?" Tanong ni Jai dahil walang idea siyang sa nangyayari.



"Jai, magusap na lang tayo mamaya, okay?" Sagot ko agad.


"Sorry, Blaire. Aalis muna si Mommy ha." Saad ko kay Blaire at hinalikan siya agad. Hinalikan ko din si Jai at tumakbo na ko papalabas ng condo.



"Daveigh Jane!" Narinig kong sigaw ulit ni Jai pero hindi ko na ulit siya pinansin at agad na kong tumakbo sa elevator.



Pagkalabas ko ng condominium, hindi naman ako nahirapan pumara ng taxi kaya mabilis akong nakarating sa office ni Keane.



Actually, hindi ko talaga alam anong floor yung office ni Keane kaya tinanong ko sa guard kung anong floor yung office nung Boss niya.



Pagkalabas ko ng elevator, agad ko akong tumakbo sa office niya at naabutan ko siyang lakad ng lakad sa loob ng office niya.



"Shit! Ano bang nangyayari, Keane?" Tanong ko sa kanya pagpasok ko ng office.



"Sorry sa abala, Blue, pero napanood ng Lola ko yung video dun sa party and she's coming here now to see my fiancee." Napapraning na sabi ni Keane.



"Shit! Ano ba 'tong pinasok natin dalawa? Nung una boyfriend lang, ngayon fiancee na." Reklamo ko, bakit ba kasi ako yung pasimuno dito eh huhuhu.



Biglang may bumukas ng pintuan, hindi ako sure kung Lola niya 'yun kaya agad akong lumapit kay Keane at umarte na inaayos yung tie niya.



"Keane? Apo... Oops!" Sigaw nung Lola ni Keane. Ngumiti lang ako sa Lola ni Keane kahit kabadong-kabado na yung buong katawan ko.



"Kung alam ko lang na naglalabinglabing kayo dyan, sana hindi ko na kayo inistorbo." Tumawa lang yung Lola ni Keane samin.



"La!" Nilapitan agad ni Keane yung Lola niya tsaka niyakap.



"Apo! Kamusta ka naman?" Masayang sabi ng Lola ni Keane habang magkayakap sila.



"Ito na ba yung fiancee mo?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang humarap sakin si Lola.



Alam mo yung tarantado ako per parang sinapian ako ng sampung santo ngayon.



"Good morning po." Nahihiya lang akong ngumiti sa kanya. Actually, kinakabahan talaga ako.



Hindi ko malaman yung anong problema yung pinasok namin ni Keane. Hays.



"La, maupo po muna kayo." Sabi ni Keane at inayos yung upuan para sa Lola niya.



Plus three, maasikasong apo hahaha. Yung Lola ko kasi kung hindi pa ko sisigawan hindi ko pa tutulungan eh.



"Salamat, apo... Tsaka nga pala, anong pangalan mo, Hija?" Tanong samin ni Lola habang nakatayo kami sa harapan niya.



Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Keane.



"Daveigh Jane po pangalan ng babaeng papakasalan ko." Ngumiti lang nang nakakaasar si Keane sakin.



Anak ng tupa! Binubwisit mo ba ko ha?!



"Ag ganda naman ng pangalan mo kaso ang haba. May nickname ka ba, Hija?" Tanong ni Lola sakin pero sasagot na sana ako nang inunahan agad ako ng kupal na CEO na 'to.



"Just call her Jane, Lola." Parang tanga na sabi ni Keane kaya agad ko siyang kinurot sa baywang.



"Blue. Blue. Blue." Bulong ko sa kanya habang kinukurot ko siya pero ngumiti lang siya na parang wala akong ginagawa sa kanya.



Anong Daveigh Jane? Halos pitong taon na kong nagpalit ng pangalan oy!



"Tsaka nga pala... Keane, hindi ka nagpapakilala samin ng babae sa bahay tapos magugulat kami may fiancee kana. Yung totoo apo. Ano ba talagang tingin mo samin ng Mama mo?" Biglang sinermonan ni Lola yung apo niya hahaha.



"La, sasabihin ko naman sa inyo kaso naghahanap lang ako ng tamang oras." Sagot ni Keane.



"Anong tamang oras? Kung hindi pa kayo nagkagulo sa party niyo ni Steve, hindi ko pa malalaman na engaged kana." Reklamo ni Lola sa apo niya.



"Okay. I'm sorry." Ugok talaga 'tong si Keane oh hahaha. Okay, I'm sorry. Wtf hahaha.



Hindi na nagpaligoy-ligoy yung Lola ni Keane at agad kaming tinanong.....



"Kailan ba kayo magpapakasal, mga apo?" Ngumiti samin yung Lola ni Keane. Shit, anong kasal?!



"What? Uh... Well, nagusap kami ni Jane na sa susunod pa na dalawang taon." Hindi rin alam ni Keane kung anong isasagot niya.



"Sa susunod na dalawang taon? Bakit ang tagal naman?" Tanong ni Lola samin.



"Kasi, La, hindi naman kami nagmamadali." Sagot ni Keane sa Lola niya. Oo, hindi kami nagmamadali kasi wala naman talaga kaming balak.



Sa tingin ko, guys, kapag nakilala ng Lola ko yung Lola ni Keane, feeling ko magkakasundo sila hahaha. Ano ba naman yung mga Lola ngayon.



"Ano? Hindi ako pumapayag dyan." Sagot ni Lola kaya nagulat yung apo niya.



"Why?" Keane raised his brow.



"Kung kayo hindi nagmamadali, ako oo. Magpakasal na kayo para mabigyan niyo na ko ng apo sa tuhod." Naka-ngiting sabi ng Lola ni Keane. Shit! Parang gusto kong masuka.



"Apo sa tuhod?!" Gulat akong sumigaw kay Lola.



"Oo, matanda na ako kaya gusto ko na maabutan ko yung apo ko sa tuhod sa inyo." Kaloka ka naman, Lola.



Naghahanap na ng apo sa tuhod yung Lola ni Keane... Paano namin sasabihin sa susunod na break ba kami? Huhuhu.



Ano ba 'yan. Perwisyo ata pinasok namin ni Keane. Dios mio por santo.



Pwede ba kong mahimatay kahit mga 10 seconds lang? Hays.



Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon