Chapter 61

8 6 9
                                    

Daveigh Jane aka Blue's POV





4th day ng wala yung boo-boo ko. Hindi naman siya patay, masyado lang akong OA.



Sinundo ni Mommy Alissa si Blaire kanina. Dapat hindi ako pupunta ngayon sa condo ni Keane, kaso sinundo ni Mommy si Blaire ayoko naman maiwan sa bahay mag-isa, sobrang bored.



Hindi ko alam kung ano tatang role ko kay Keane eh. Fiancee ba, secretary o housemaid? Duh, tell me.



Utos dito, utos dun. Jusmeyo marimar talaga, Sir Keane! Hindi ako nag-aral ng 4 years sa college para lang maging house maid.



Naguurong ako ng mga pinagkainan ng master ko. Jusmeyo marimar. Paano ang isang Daveigh Jane gumagawa ang gawaing bahay? Nanay ko nga hindi ko sinusunod kaya paano ko nagawang sunduin ka, Keane?



Biglang lumapit sakin si Keane at tinali yung buhok kong nakabuhaghag. Hinayaan ko lang siya dahil bukod sa nakakain ko na yung buhok ko, ayokong makipagtalo sa kanya. Pagod na nga ako tapos makikipagdakdakan pa ko kay Keane. Ano 'to, Raffy Tulfo in action?








Keane's POV





After I tied Blue's hair, I immediately went into my room.



"Shit, Keane. What are you doing? Don't you say you're in love with Blue?" I said to myself.



"Hindi ka pwedeng ma-in love sa kanya, tandaan mo 'yan." dugtong ko.



"Be more professional. Ang trabaho ay trabaho, we can't be anyone." I closed my eyes and sighed.



Okay lang 'yan Keane. Hindi lalagyan ni Blue ng meaning yung pagtatali ko ng buhok niya.



I don't want to fall in love in her please. I really don't want. God, help me!








Daveigh Jane aka Blue's POV





Sa wakas, tapos na ang paghihirap ko sa condo ni Keane hahaha! Yung totoo, ilang buwan mong hindi pinalinis yung condo para maging ganun kaalikabok?




"Hahatid na kita." biglang sabi ni Keane at kinuha yung susi niya sa lamesa.



"'Wag na! Kaya kong umuwi mag-isa." pagpigil ko sa kanya.



"A little girl going home alone is dangerous." sagot ni Keane.



"Pero hindi na ko bata." I complain.



"Hindi kana nga bata pero yung isip mo pang bata." nagulat ako sa sagot ni Keane.



"Bwisit ka ahh." I giggled.



"Come on." sabi ni Keane at lumabas na siya ng pintuan.



Nasa sasakyan na kami ngayon, yung totoo may kausap ba ko o wala? Nakakabwisit si Keane. Yung ang rami kong sinasabi tapos tatango lang siya o iiling. Putulin ko 'yang dila mo eh.



"Kung linisin ko kaya araw-araw yung bahay mo, so you will talk to me more." reklamo ko sa kanya pero ayoko talagang linisin condo niya araw-araw. Kwarto ko nga hindi ko malinis, condo pa kaya niya.



"I talk normally." sagot niya ng hindi tumitingin sakin kasi nagmamaneho siya.



"Alam ko, pero hindi ka nagsasalita kapag kasama mo ko. Try to say more!" I annoyed. Legit 'yun, pre. Akala mo kung sinong tahimik.



"More." nagulat ako sa sinagot ni Keane. Nangbubwisit kaba talaga?!



"Hindi 'yan! Say a longer sentence!" bwisit ko na sabi.



"A sentence." Keane! Suko na ko sa'yo!



"KEANEE! SUKOO NAA KOOO SAYOO! SPEAK PROPERLY!!" inis na inis kong sabi pero si Keane kalmado pa rin.



"Speak properly." Keaneee! Are you really looking for a trouble?!!!



"I like Daveigh Jane." nakaisip nanaman ako ng kademonyohan.



"I like Da–" hindi na tinuloy ni Keane yung sasabihin niya nang marealize niya you g sinabi ko hahaha.



"Ano? Tuloy mo! Ano, gusto mo ko? Aba!" parang tanga ko na sabi ka sa kanya hahaha.



Nanahimik na ng tuluyan si Keane habang nasa byahe kami. Nasa labas na ko ng bahay. Tinanguan ko lang si Keane at pumasok na ko sa loob.



Ayoko na magsalita lalo na kung si Keane kang yung kausap ko.



Pagpasok ko sa bahay parang may kagagahan nanaman na nangyayari. Nakatayo si Mommy at mukang napapraning, habang si Daddy naman nakaupo sa sofa at nagce-cellphone.



"Anong meron sa'yo, Ermat ko maganda?" naka-ngiti kong sabi sa Ermat ko.



"Daveigh Jane! Nagaalala na ko sa kapatid mo, isang linggo na siyang hindi lumalabas ng kwarto niya. Ano bang nangyayari sa kapatid mo?" napapraning na sabi ni Mommy habang inaalog-alog yung braso ko.



"Ma! Ma! Kumalma ka nga!" reklamo ko sa kanya.



"Daveigh Jane, ano bang nangyayari sa kapatid mo?" napapraning na sabi ni Mother Earth.



"Aba ewan ko Nay, ako ba si Jade?" reklamo ko at naupo ako sa sofa namin.



"Euro, anong gagawin natin kay Jade. Baka kung anong mangyayari sa kanya." kinakabahan na sabi ni Mommy kay Daddy.



"Lucinda, kumalma ka nga, sinabi lang ng anak mo na ayaw niyang kumain, bakit sobra kang nageesterikal dyan?" seryosong sabi ni Daddy kay Mommy kaya natawa na lang ako.



Aguy Inay. Tinawag ka ni Itay na Lucinda. Payag ka non? Hahaha.



"Pero isang linggo niya ng sinasabi 'yun!" sigaw ni Mommy.



"Naalog ba 'yang utak mo, honey? Tatlong araw palang, hindi isang linggo." pambasag ni Daddy kay Ermat hahaha.



"Euro! Kung makapagsalita ka parang hindi ka nagaalala sa anak mo ha!!" nakapamewang na sigaw ni Mommy.



"Nay! Kumalma ka kasi, kahit ako maiinis sa'yo eh. Ano bang nangyari kay Jade?" tanong ko habang nakakunot yung noo ko.



"Hindi ko nga alam eh." sagot ni Mommy kaya napasandal agad ako sa sofa para isipin akong problema ng lintek ko na kapatid.



Anong amats nanaman ni Jade? Jusmeyo marimar kapatid ahh. Hindi lang ako umuwi dito ng halos isang linggo may pa-ganyan kana agad.



"Me! Gusto mo bang i-try yung strategy ko?" maangas ko na sabi sa Nanay ko hahaha.



"Anong strategy na pinagsasabi mo?" nakapamewang na tanong ni Ermat.



"Sinisigurado ko na lalabas si Jade ng kwarto niya kapag ginawa niyo 'to." confident ko na sabi hahaha.



"Ano?" reklamo ni Mommy.



"Sunugin mo yung kwarto niya. Panigurado lalabas ng kwarto 'yun. Kapag hindi kasi siya lumabas, mamamatay siya." I giggled.



Bilang naging tiger yung muka ni Mommy at lumapit sakin para pitikin yung tenga ko.



"Uunahin kitang susunugin, Daveigh Jane!" g na g na sabi ni Mommy sakin hahaha.



Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon