Chapter 17

16 12 1
                                        

Daveigh Jane aka Blue's POV



(Blue, umuwi kana! Iyak ng iyak yung anak at kapatid ko. Hindi ko mapatahan si Blaire. Mommy lang siya ng Mommy. Umuwi kana!) Sigaw agad ni Dixie sakin pagkasagot ko ng call.


The fuck? Anong nangyari kay Jade? Yung Author talaga ng Amour hindi no malaman kung anong amats meron.


Nagmadali akong umuwi, este pumunta sa condo ni Kuya Kai. Pagkadating ko sa condo, naabutan kong umiiyak si Jade.


"Mommy!" Sinalubong agad ako ni Blaire kaya binuhat ko siya at agad knaming nilapitan si Jade.


"What's wrong with Tita Jade?" Tanong ko kay Blaire pero umiling lang siya.


"Jade, anong problema mo?" Tanong ko agad sa kapatid ko.


"Broken hearted, dude." Sagot ni Dixie sakin.


"Kanino?" Tanong ko. Kanino naman? Potaena. Nabobroken siya nang wala naman siyang jowa?


"Kay Sage daw." Si Dixie lahat sumasagot ng lahat ng tanong ko, wala naman kasing ibang ginawa si Dianne Jade kundi umiyak. Paano ko mareresbakan si Sage ayaw niya naman magsalita.


"Sino naman 'yun?" Reklamo ko. Reklamador talaga ako since birth.


"Ka-MU niya daw." Sagot ulit ni Dixie. Ba't alam ni Dixie lahat? Buti pa siya na hindi kaano-ano alam, ako na kapatid hindi.


"MU?!" Nagulat akong sumigaw sa kanya. Binigay ko si Blaire kay Dixie at umupo ako sa tabi ni Jade.


"Bakit ka naman kasi nagtiwala sa taong hindi ka kayang bigyan ng label?" Sermon ko sa kanya.


"Love doesn't exist, Jade!" sigaw ko. LOVE DOESN'T EXIST! HINDI KA MABUBUHAY SA PAGMAMAHAL LANG.


"Kaya pala pinsan yung pinatulan." Narinig kong bulong ni Dixie kaya tinignan ko agad siya ng masama. Fuck you ka, Dixie.


"Tama na 'yan, Jade. Bumalik ka na lang kay Adonis mo." Sabi ko sa kanya at tumayo na ko para kumuha ng tubig sa kusina.


********************


Nagre-research ako ngayon ng magandang place para sa photo shoot next month. Grabe. Ang raming Juliet na nahanap na yung Romeo nila. Hope all, gayz.


(Hello, good afternoon. Bakit po kayo nag-cancelled ng booking? Binook na po namin kayo pero hindi pa po kayo nagbabayad ng down payment. Kahit cancelled na po yung booking kailangan niyo pa rin po magbayad ng 30% down payment. Thank you!) Sinagot ko yung tawag agad. What the fuck. Anong cancelled?


"Sorry? I beg your pardon?" Tanong ko. Naguguluhan ako.


(Si Miss Faith Cortez po ba ito?) Tanong sakin nung kausap ko.


"Hindi po pero ako po yung wedding planner niya." Sagot ko.


(Aaa, good afternoon, Ma'am. Nag cancelled po ng booking sila Miss Faith sa resort namin. Required po ng resort na magbayad ng 30% down payment kahit nag-cancelled.) Ha? Hakdog? Ano daw?


"Sandali lang po." Sabi ko at agad kong pinatay yung call. Hinanap ko agad yung contact ni Faith para matawagan ko siya agad.


After ng 3 calls, sa wakas, sinagot niya na ni Faith.


"Hello, Faith, sabi ng resort sakin nag-cancelled ka daw ng booking? Totoo ba 'yun?" Bungad ko. Ano bang nangyayari?


(Ate Jane... Break na po kami ni Kylen.) Umiiyak na sabi ni Faith.


"Ano?!" Halos pamasigaw ako sa gulat. Actually, sumigaw talaga ako.


(Nandito na po ako sa America ngayon kasama ng bago kong boyfriend.) Potaena, bagong boyfriend?


"Paano yung mga payments na hindi niyo pa nababayaran?" Tanong ko dahil panigurado hindi lang yung resort yung tatawag sakin.


(Wala na po kaming connections ni Kylen sa isa't isa. Ikaw na lang po sumalo lahat ng responsibilities namin, Ate Jane. Thank you.) Sabi ni Faith at agad pinatay yung call.


WHAT THE FUCK?!


"ANO? AKO LAHAT SASALO NG RESPONSIBILITIES NIYO?! NAKA-KONTRATA AKO SA INYO!" Sigaw ko. Napatayo na ako sa inis.


"SANA HINDI NA LANG KAYO NAGPAKASAL KUNG HINDI PA PALA KAYO SURE SA ISA'T ISA!" Inis akong sumigaw at padabog na umupo.


May tumawag nanaman sakin kaya huminga muna ako bago sagutin.


"CANCELLED? CANCELLED NANAMAN?!" Sigaw ko. Putangina naman bakit sobrang malas ko ngayong taon. Yung mga ano naman kasi, booking kayo ng booking hindi papala nagbibigay yung guest niyo ng down payment. Kayo gumagawa ng sarili niyong gulo eh.







Dixie's POV



"I'm just making a gown but I'm not a wedding planner." Sabi ko sa clients ko. Hindi ba nila alam pinagkaiba ng Fashion Designer sa Wedding Planner?


"But I have a friend wedding planner. Excuse me for a moment because I will call her." Ngumiti ako sa kanila at nagpunta sa desk ko para tawagin si Blue. Grabe 'tong clients ko. Ang ko-koripot.


"Hello, Blue....." Hindi ko na tinapos yung sasabihin ko nang marinig ko na umiiyak si Blue.


(Mamsh... May tatlo akong clients na nag-cancelled ng wedding. Nag-cancelled sila nang hindi manlang nagbabagad ng down payments tapos ngayon sinisingil nako lahat ng pina-book nila.) Humahagulgol na sabi ni Blue.


"Ano?! Naka-kontrata sila sa'yo diba?" Tanong ko.


(Oo nga kaso hindi ko na ma-contact yung dalawa. Ang sabi nung isang bride nasa America na siya kasama nung bago niyang boyfriend kaya ako na daw mag take ng responsibilities.) Walang tigil kakaiyak si Blue.


"BAGONG BOYFRIEND?!" Halos mahulog yung panga ko. Seryoso ba 'to? Bagong boyfriend after break up? Kakaiba 'to.







Daveigh Jane aka Blue's POV



Kanina pa ko iyak ng iyak. Naka-uwi na ko sa condo umiiyak pa rin ako huhuhu. Saan ako kukuha ng pera? Ang rami kong gastos sa buhay tapos magkakautang pa ko ng kalahating milyon?


Nasaan na pala si Blaire? Ayun! Ikot lang ng ikot si Blaire dito sa buong condo. Hinayaan ko lang siya, hindi ko na alam gagawin ko sa aking life!


"Bakit ka umiiyak?" Tanong sakin ni Jai na kauuwi lang galing work. Umiling ako dahil wala lang. Problemado na ko pero siraulo pa din ako. Ano ba 'yan, Author!


"Ano pa ko bilang boyfriend mo... If you don't tell to me what's in your mind." Biglang sabi ni Jai sa tabi ko kaya agad akong humarap sa kanya.


Mayaman 'to si Jai, baka pwede akong maka-utang!


"Jai! Nagkautang ako ng 500K!" Wala ng paligoy-ligoy ko na sinabi na may utang ako.


"500K?!" Gulat niya na sigaw sakin.


"Pautang ako, Jai." Umiiyak ko na sabi sa kanya. Wala na akong pera.


"Pautang?! Saan ako kukuha ng 500K, boo?" Gulat na tanong sakin ni Jai.


"Hindi ka ba nagpa-prank, boo? Paano ka nagkautang ng kalahating milyon?" Tanong sakin ni Jai.


Oo nga, hindi ba 'to prank? Paano ako nagkautang ng kalahating milyon? Hard-working naman ako aaa HUHUHUHUHUHUHU.


Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon