Daveigh Jane aka Blue's POV
First day ko sa sideline work ko ngayon. Dios ko, Bella, bakit ka ba kasi nag-resign? Alam ko naman na medyo kupal din si Keane pero sana pinagtyagaan mo na.
"Hoy, sabihin mo anong gagawin ko?" Sabi ko na parang bossy sa boss ko.
The fuck, ako yung employee pero kung kausapin ko yung boss ko parang tropa lang.
"Make me coffee." Utos ng boss ko kaya huminga na lang ako ng malalim at lumabas ng office niya.
Anong alam ko magtimpla ng kape? Magurong nga hindi ko alam, magtimpla pa kaya ng kape.
Damn! Kung umasta ako parang 7 years old. Well, Daveigh Jane things.
Wala naman akong kilala dito kundi si Keane lang, naninibago din yung mga tao ngayon sa'kin ngayon kasi bakit ako yung nagtitimpla ng kape ng CEO nila imbis na si Bella, diba? Okay fine.
Bumalik na ko sa office ni Keane dala yung pinapatimpla niyang kape. Hindi talaga ako marunong magtimpla kaya bahala na si batman. Kung mapait man, ibig sabihin deserve niya yun sa mga pagpapahirap niya sa'kin at kung matamis naman yun, aba mag ready na siya magkaroon ng diabetes.
"What did you put here? Why does it taste like this?" Reklamo ni Keane at tumingin sa'kin na parang masusuka.
"H'wag ka na mageklamo, edi sana nag 3-in-1 ka na lang. Kung gusto mo, lumabas ka tapos magtimpla ka mag-isa mo." Pabalang kong sagot.
"I'm your boss, speak nicely please." Siya na naki-usap sa ugali ko.
Napabuntong-hininga na lang ako saka tumango.
"Okay, sir, ano pa po bang mapaglilingkod ko sa inyo, sir?" Literal na parang tanga kong sabi sa kanya.
"Clean the table," Sagot niya sabay tinuro sa long table na nasa isang gilid.
Grabe, long table talaga? Kahit nga short table hindi ko alam pa'no linisin.
"Okay, sir." Binigyan ko siya ng pilit na ngiti.
Pagtalikod ko syempre, inirapan ko yung boss ko. Tinaguriang demonyita ata ako.
Ginawa ko yung utos ni boss, niligpit ko yung mga tasa at yung mga envelop at pinagsama-sama ko. Pinunasan ko yung table para kumintab, baka mas mahal pa sa buhay ko 'tong lamesa na 'to eh.
Pagkatapos kong linisin yung table na sinabi ng boss kong linisin ko bumalik na ulit ako sa kanya, kahit hindi niya naman ako iniwan.
Naks, sana all naman bumabalik. Calix baka naman. Joke lang hahaha!
"Sir, tapos na po ako sa lamesa." Nagpaplastikan na lang kami ni Keane ngayon.
Tama nga si Bella, yung boss niya reklamador talaga.
"Clean the floor," Utos niya at bumalik na agad sa computer niya.
Aba jusmio, ano ng nangyayari sa earth?! Trabaho ba talaga 'to ng secretary o isa akong janitress ngayon? Ganda ko namang janitress.
"Sahig?!"
"Don't pretend you haven't heard." Reklamo niya nang hindi tumitingin sakin.
Hindi nga ako naglilinis sa bahay tapos paglilinisin mo ko ng opisina mo?!
"What the hell." Huminga na lang ako ng malalim saka kumuha ng walis tambo.
BINABASA MO ANG
Amour | √
RomansaBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.