Chapter 49

7 5 3
                                        

Daveigh Jane aka Blue's POV





Nagiiwasan kami ni Jai ngayon, ano pa bang ineexpect niyo? Maglampungan kami sa harap ng pamilya namin? Kapag inggit, pikit.



"Tara, puntahan natin si Jade." sabi ko kay Keane at naglakad na kami papunta sa gilid ng pool.



Kanina pa walang idea si Keane sa nangyayari, pero kahit isang tanong, hindi siya nagtatanong sakin. Hindi ko alam, hindi ko alam kung anong iniisip niya, bahala na si batman.



Nakatayo lang si Jade sa gilid ng pool, nagmomongha-mongha ka, sis? Hahaha.



Nagulat ako nang biglang may naniko kay Jade na naging dahilan ng pagkahulog niya sa pool. Napanganga na lang ako agad na huminto. Siraulo.




"Ahhhhhhhhhh!" sigaw ni Jade dahil malalim yung feet grr.



"Jade!" sigaw naman ni Keane at agad tumalon sa pool si Keane para tulungan si Jade. Medyo malalim din yung feet na 'yun.



Naglakad lang na parang walang nangyari yung babae. Nang nasa harapan ko na siya bigla siyang napahinto dahil tinitignan ko siya ng masama.



"Anong ginawa mo sa kapatid ko?" tanong ko pero hindi ko na hinintay yung sagot niya at agad ko na siyang sinipa sa pool. Halimaw ka!


"Tandaan mo 'tong araw na 'to, mali ka ng binangga." inis ko na sabi sa kanya habang tinuturo siya. 'Wag mo kasing babanggain yung may mga Ate, kahit anong savage gawin mo, walang tatalo sa Ate nila.



"Argghhh!" sumigaw lang sa tubig yung babae dahil nalulunod na siya.



"Serves you right." inangasan ko lang siya at pinuntahan ko na sila Keane at Jade.



Bahala kana kung gusto mong mamatay dyan. Kung ayaw mong mamatay, bakit ginagawa mo 'yun sa kapatid ko?



Hinatid namin ni Keane si Jade sa Nipa Hut dahil baka tatanga-tanga nanaman 'tong kapatid ko. Kung hindi siya mamatay dahil sa lunod, baka mamatay siya dahil sa bagok.



"Hoy, Dianne Jade, napaka tanga mo naman sa part na hinayaan mong itulak ka nun sa pool." reklamo ko sa boblaks kong kapatid.



"Hindi ko naman kasi siya kilala, Ate, tska alam ko ba na itutulak niya ko sa pool?" singhal ni Jade.



"Oh? Ako pa may kasalanan kayo?" I smirked.



"Oo, kung maaga ka sana dumating, edi sana hindi ako natulak dun sa 6 feet na pool." Jade's giggled.



"Ahh ganun? Gusto mong batukan kita ng sampung beses?" epal ka eh, katangahan mo sakin mo isisisi hahaha.



"Hahaha buti na lang tinulungan ako ni Kuya Keane, kung hindi niya ko sinagip kanina baka nawalan kana ng maganda, matalino, at talented na kapatid." Jade's giggled.



"Kapag sinabi mo ulit 'yan ako na mismo papatay sa'yo." reklamo ko, okay na yung nagpapasalamat kana eh, kaso sinabi mo pa na maganda ka, pwee, sukang-suka ako hahaha char lang.



Naabutan namin naka live ang mga fake friends ko hahaha char. Ano yarn, gayz?



"Eto na si Blue. Blue, come here." bigla akong tinawag ni Dixie at hinatak sa tabi nila.



"Bakit?" tanong ko, kapag maglilive kayo kailangan niyo pa ng guest?



"Are you a sweet girl?" naka-ngiting tanong sakin ni Dixie.



"Actually, not." sagot ko. Hindi naman talaga eh, pinapakyuhan ko lahat ng taong makita ko tapos sweet girl?



"Sabi nila, akala daw nila ikaw yung taong maraming tattoo?" parang tanga naman yung tanong mo, parang hindi kita kaibigan ahh.



"Fake friend ka ba?" tinaas ko lang yung kilay niya sakin kaya agad niya kong binatukan.



"Gaga hahaha, may nagtatanong kasi. Siraulo." Dixie's giggled.



"Ahh ganern?... May tatlong tattoo ako dati kaso pinatanggal ng Erpat ko kaya wala na." sagot ko, legit 'yun gayz, sayang yung pinangbayad ko sa pagpapatattoo pero after 1 year pinatanggal na ni Daddy. Maryosep.



"Oo ganern. Bago ka umalis at magpunta sa lungga mo. Kausapin mo muna yung mga viewers ko, pinanood nila yung live ko dahil sa'yo eh. Magsalita ka lang kahit isang word, basta magsalita ka." parang tanga na sabi ni Dixie.



"Bye lang sabihin mo, okay na 'yun." Blake's giggled.



"Bye." sinunod ko si hubby hahaha. Do you know guys, matagal ko ng inaasar si Blake na kapag hindi pa kami nakapag-asawa ng at the age of 40, magpapakasal na kami. Pero hindi pa kami kasal, hubby at wifey na yung tawag namin sa isa't isa pero for fun lang 'yun ahh hahaha. Kapag seryosohan o kaya nasa harapan ng ibang tao, 'wag ganon hahaha.




"Hoy, letche ka Blake, epal ka, dun ka na nga, ayusin mo naman, Blue, bilis na." sunod-sunod na sabi ni Dixie. Sino ba talaga kausap ko, girl? Ako o si Blake?



"Kung may problema kayo sakin, sabihin niyo agad mismo sa muka ko, hindi yung gagawin niyo pa kong number 1 trending sa social media dahil lang sa issue niyo sakin. Alam ko na public figure na ko pero bigyan niyo naman ako ng onting privacy kahit konti lang. Hindi niyo ba alam pwede ko kayong kasuhan sa ginagawa niyo sa social media about sakin?" seryoso kong sabi. Ayan na Dixie hindi lang one work 'yan, sentences na 'yan.



"Awit sa inyo, guys." 'yun na lang nasabi ni Dixie.



"Yawa kayo, gigil niyo friend ko." angal naman ni Josh.



Haha hindi naman ako nagagalit kasi alam ko naman yung mali ko pero sana diba kahit konting privacy bigyan nila ako. Hindi naman sa lahat ng oras puro lang katatawanan eh, na hahayaan ko sila na ganunin lang ako. Know your limits, guys, kahit na fan or basher ko man kayo.



Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon