Daveigh Jane aka Blue's POV
Ano ba naman 'to. Lahat na lang ng klase ng rumours binabato nila sakin. Ano ba talagang trip nila sa buhay? Pabago-bago.
Una, walang dibdib. Pangalawa, retokada. Pangatlo, transgender. Tapos ngayon, porket puro oversized lang yung sinusuot ko, sasabihin na agad nila na mataba ako? Kailan pa naging mataba ang slim?
Syempre, dahil pikonism ako. Nakasuot ako ng Sexy Fitted Off-Shoulder Dress ngayon.
Actually, wala namang mali kung mataba ka, retokada, transgender at flat-chested. To anyone who are suffering from body shaming. Please don't be ashamed of who you are. Para naman sa mga nangba-bash, you just give an opinion but at least try to respect other and educate yourself.
Mga wala ba kayong magawang matino sa mga buhay niyo? Hindi kayo aware sa salitang respeto. Ginigigil niyo ko. Ilagay niyo naman sa appropriate na position yung mga sarili niyo.
Naiinis na ko, kasama ko si Blaire ngayon. Mahiya naman kayo, parang hindi kayo pinalaki ng maayos ng mga magulang niyo. Kaya ayokong naglalakad sa park eh. Hays.
After ng intersection, tumawid na kami ni Blaire. Nag-aya kasi si Dixie kumain sa side walk ngayon, yung favorite namin na stall.
"Blue! Saan ka pupunta?" Nagulat si Mamshi Josh sa suot ko.
"Grabe ka naman, Blue. Nagmumuka kaming Yaya at Driver mo." Reklamo agad ni Dixie.
Huminga lang ako ng malalim at umupo. Habang si Blaire naman ay nakakandong sa Ninong Blake niya.
"Pinipikon kasi ako nung mga tao eh. Mga bwisit." Bwisit na bwisit akong nagreklamo.
"Tama na 'yan. Dixie, ano ba yung announcement mo? Akala ko naman iinom tayo." Biglang sabi ni Aye.
"Inom na inom ka, girl?" Reklamo ko kay Aye. Bawal gumimmick kapag babysitter yung kaibigan mo.
"Ganito kasi 'yan, guys....." Kinikilig na sabi ni Dixie.
"Ano ba 'yan, ang raming intro." Reklamo ko ulit. Reyna ako ng reklamador. Bwisit na bwisit talaga ako ngayon.
"MAY BAGO NA KONG BOYFRIEND!" Sa sobrang saya ni Dixie, tumayo pa siya sa kinauupuan niya.
As usual, siya lang masaya. Habang yung tatlo nakabusangot. Talo kasi sila eh hahaha.
Ngumiti lang ako at agad ko na tinaas yung kamay ko para hingin yung mga bayad nila. Lahat ng nangyayari sa mga buhay namin may pusta hahaha.
Nakabusangot na nagbigay si Aye sakin ng 1K, si Josh naman ay padabog na nagbigay ng 1K habang si Blake naman, kalmado lang na nagbigay sakin hahaha.
"3K down." I giggled.
Yung sinabi kasi ni Aye at Josh, yung sasabihin ni Dixie about nanaman sa ex niya. Si Blake naman, about sa work. Ako lang nagsabi na may bagong lalaki na si Dixie hahaha.
"Teka. Ano 'yan?" Nagulat si Dixie sa ginawa namin.
Actually, may lima anim kami na group chat hahaha. Yung isa kumpleto kami, yung isa naman wala si Dixie, yung isa wala si Aye, yung isa wala si Josh, yung isa wala si Blake, yung isa wala si Jai, yung isa wala ako. Mga boang kasi kami eh hahaha.
Kami lang 'to.
A few minutes later hahahahaha. Tinatamad nanaman si Author kaya past forward na tayo. Ang hirap talaga magkaroon ng tamad na Author.
"Shit! Nag-text siya!" Excited na sabi ni Dixie. Jusko. Hindi talaga bagay yung pangalan niya sa ugali niya. Gusto na namin umalis nina Aye, Josh at Blake.
"Have a nice day, Dixie. Don't forget to eat lunch. Papakasalan pa kita." Kinikilig na sabi ni Dixie. Amputa, in love yarn?
Isa na lang, tatayo na kaming lahat at iiwan ka namin. Napakamot na lang kaming lahat ng ulo. Hayaan ka nga namin girl. Kahit gusto talaga kitang iuntog sa pader.
"Blue, Aye, Blake, tara na." Napakamot na lang ng ulo si Josh. Mabuti 'yan, kapatid. Wala ng bukang bibig si Dixie kundi yung lalaki niya eh.
"Teka lang! 'Wag naman kayong magselos." Parang tanga na sabi ni Dixie. At bakit naman kami magseselos, aber?
"Hindi kami nagseselos." Sagot agad ni Josh. Totoo.
Oo ngan Si Aye, merong Hugo. Si Blake merong Kendall. Ako merong Jayden. Si Jai merong Daveigh Jane. So how on earth na magseselos kami sa kanya? Kami imposible pero si Josh possible hahaha.
Maglalakad na sana kami papalayo kay Dixie nang bigla siyang magsalita.
"'Wag muna kayong umalis. Nag-text siya ulit!" Masayang sabi ni Dixie kaya nakabusangot kaming tumingin sa kanya.
"Have a nice day, Micah. Don't forget to eat lunch. Papakasalan pa kita." Nagulat kami sa sinabi ni Dixie.
Micah? Papakasalan pa kita? Bigla kaming tumawang apat bwhahahahaha.
"Walang permanenteng kasiyahan, Mamshi." Josh chuckled.
"Ayan ang napapala mo kapatid." I chuckled.
"Guys...." Biglang naging malungkot si Dixie. Ekis dapat sa babaero, kapatid.
"Sino ba 'yang lalaking 'yan? Sabihin mo sa kanya isa-isa lang ang pagpapakasal." Pangasar ni Blake sa kanya.
"Inom tayo, guys." Biglang sabi ni Dixie kaya nagulat kami. Grabe, girl, OA lang?
"Bakit?" Tanong ni Josh sa kanya habang hawak-hawak nila ni Blake si Blaire.
"Brokenhearted ako, guys." Malungkot na sabi ni Dixie kaya agad ko siyang binatukan.
"Hindi ka naman in love, kaya paanong magiging brokenhearted ka?" Reklamo ko sa kanya. Ang tanga-tanga mo girl.
BINABASA MO ANG
Amour | √
RomansaBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.