Daveigh Jane aka Blue's POV
*JANE'S BIRTHDAY*
It's my day, guys! I'm officially gurang hahaha. Char! 27 palang ako. Gosh! Ang tagal ko ng nabubuhay sa mundong ibabaw hahaha.
Nagpaswimming yung Ermat ngayon birthday ko, libre niya daw kasi may boyfriend na daw ako hahaha. Sana pala noon pa ko nagpakilala ng lalaki sa kanila hahaha char.
Pero syempre, as usual hindi pwedeng mawala si Keane. Gosh! Yung totoo para sakin ba talaga 'to o para kay Keane?
Kanina pa nandito sila Mommy, sila Jai, sila Dixie, sila Lola, kami na lang talaga kulang ni Keane. Bwisit kasi si Keane eh, sabi niya early bird siya. Usapan namin 9 AM pero anong oras niya ko dinaanan sa bahay, 10 AM jusko.
Sabay kaming naglalakad ni Keane ngayon, in fairness ha, grabe na si Keane, hindi na ata siya pumapasok sa trabaho niya kasi kailangan ko siya bilang boyfriend ko hahaha. Char, nakakatouch naman this guy.
"Jane! Jane! Jane!" biglang may tumitili at sumisigaw ng pangalan ko.
Kumakaway sila sakin kaya kumaway din ako sa kanila hahaha. OMG, kailan pa ko magkaroon ng fans? Hahaha, joke lang.
"Hi!" ngumiti lang ako sa kanila habang kumakaway. Nakakatuwa lang hahaha.
Para naman akong sikat na artista sa part na 'to tapos yung taga buhat ko ng bag isang CEO hahaha.
"Jane, can I take you a picture? " tanong ng isang girl kaya huminto ako.
"Yeah, sure!" sagot ko kaya agad kong tinaas yung dalawang kamay ko at isang binti ko at nag-pose na pang model hahaha. Model tawag dyan girl? Hahaha. Birthday ko ngayon kaya kailangan kong maging maganda sa lahat ng birthday greet nila hahaha.
"Thank you, Jane! I love you!" sigaw ng babae kaya nag-flying kiss lang ako.
"I love you more." sagot ko kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Keane hahaha.
Bakit parang may social distancing kami? Hahaha. Nasa isang gilid lang sila tapos ako nasa gitna hahaha. May virus ba ko, gayz? Hahaha.
Jade's POV
Ang tagal naman nila Ate Jane, nasaan ba sila? Habang nagpre-prefer kami ng food, biglang may nag-notifi sa phone ko. Binuksan ko yung phone ko para tignan ano 'yun.
May lumabas na picture..... Anong picture 'to? Pinindot ko yung picture at tinitigan.
After 2 minutes, dun ko palang na-realize na alam ko 'tong picture na 'to! Shit!
Hindi pwedeng makita nila Mommy 'to! Ibaback ko nasama yung phone ko nang biglang kinuha ni Mom yung phone ko.
"Ano nanaman 'yang tinitignan mo, Dianne Jade?" tanong ni Mommy at tinignan yung phone ko.
Mom! Please don't!
Binasa ni Mommy yung mga comments kaya biglang kumunot yung noo ni Mommy kaya agad nacurious si Lola at agad na nilapitan si Mom.
WTF? WHAT I'M GOING TO DO?! TELL ME!
"Mom..." napakamot na lang ako ng ulo. Sana hindi marealize ni Mommy yung photo.
Dumating na sila Ate Jane at Kuya Keane. Hindi sila sweet dumating like before, cool lang si Ate na dumating. Masyado kang kampante, Ate!
"Hey, what's up?" sabi ni Ate nang dumating siya sa Nipa Hut namin, pambihira ka Ate, fried chicken talaga inuna mo?
Daveigh Jane aka Blue's POV
Habang namamapak ng chicken, nagulat ako ng seryosong nakatingin sakin sila Mommy.
"What the hell? What's wrong Mom?" tanong ko kay Mommy na seryosong nakatingin sakin.
"What is it? You are trending on twitter." naguluhan ako sa sinabi ni Mommy kaya tinaas ko lang yung kilay ko kaya agad niyang pinakita sakin yung phone ni Jade.
Nagulat ako sa picture na 'to. Paanong mayroon silang picture na 'yan! Shit! May ibang tao dun habang nagkiss kami ni Jai. Shit! Pa'no na hindi namin napansin 'yun?!
Jai! Ano 'to?!
Napahinto ang lahat sa ginagawa nila at tinignan ako. Tinignan ko si Jai na nagulat din sa pinakitang picture ni Mommy.
Anong gagawin ko na palusot ngayon?! Tumingin ulit ako kay Jai na nakatingin sakin, nilunok niya lang yung laway niya kaya huminga ako ng malalim.
How to calm guys?!!
"Jane, ano 'to?" tanong ulit sakin ni Mommy. Hindi ko alam isasagot ko, guys. Paano nangyari 'to?!
"Mommy! Sino po ba nag-post niyan? Paano sila nagkaroon ng picture na 'yan? Trending po ba ako? Bakit? In a relationship, privacy is also needed, why did they post like that?" kinalma ko yung sarili ko at ngiti kayla Mommy.
Huminga ulit ako ng malalim, "Okay. Lumabas kami ni Keane niyan." panimula ko.
"Pero ang sabi mo sakin nagpunta kayo kayla Dixie." sagot ni Mommy sakin. Fuck? Ano ng next? Anong ipapalusot ko?
"Oo nga po, pero matagal na po 'yang picture na 'yan. 'Yan pa yung mga araw na nagtatago kami ni Keane." humahaba na yung sungay ko kakasinungaling, guys.
"Alam ko na hindi niyo ko pinalaki na makipaghalikan sa public place, kaya I'm sorry, Mom." nag-sorry lang ako kay Mommy. Hindi 'to sinungaling ahh. Tinuro talaga samin ni Mommy na if ever na nasa isang relationship kami, 'wag na 'wag namin gagawin na makipag-momol sa public place.
"I'm sorry for what happened. I will not do this again, Auntie." nagulat ako nang magsalita si Keane.
Okay. Thank you.
"Hays. Masyado na kayong OA, ano naman mali kung nakipaghalikan 'yang anak mo sa public place? At least yung hinalikan niya sa kanya, hindi yung pagmamay-ari ng iba. Kumain na nga lang tayo." napakamot na lang si Daddy ng ulo.
"Correct ka dyan, Erpats hahaha!" tumawa lang si Jane at kumuha na siya ng plato.
Alam na kaya ni Jade? Ba't bigla akong kinakabahan.
"Matibay naman siguro kayo ni Keane no? Hahaha. Let you show me again that you really love each other." tumawa lang samin si Lola Edith kaya niyakap namin ni Keane ang isa't isa.
Bakit ba patuloy pa din akong nagsisinungaling? Sorry, Keane. Nahihiya na ko, nakokonsensya.
Kinuha ko yung braso ni Keane at pinatong ko yung braso niya sa balikat ko. Kalma, Jane. Kapag nagpanic ka mas lalo lang masisira ang lahat.
Nakatayo lang kami ni Keane sa isang gilid habang pinapanood sila. Kapag nakikita ko yung ngiti nila, mas lalo akong nakokonsensya.
"Mauna ka ng kumain, Keane." sabi ko sa kanya at naglakad ako papalayo sa Nipa Hut.
BINABASA MO ANG
Amour | √
RomanceBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.