Chapter 28

22 13 2
                                    

Daveigh Jane aka Blue's POV



"Keane, we know how much hard headed Jane is. So please don't leave her." Bilin ni Mommy kay Keane. Putangina kaya ayoko na makasama nila si Keane eh.


"Hahaha. Opo. I really love Jane. I can't live without her by my side." Pwee! Parang gusto kong masuka.


"Puke." Umarte ako na nasusuka kaya agad akong binatukan ni Mom.


"Daveigh Jane." Reklamo ni Mother Earth sakin. Hays. Bumalik na lang ako sa pagkain. Nakita ko na naka-porker face si Jai hahaha. Ang cute naman ng boo-boo ko.


"Keane, take care of my grand daughter, okay? Kahit ganyan 'yan mahal na mahal ko 'yan." Sabi naman ni Lola Edith. Sobrang OA talaga ng pamilya ko. Nakakaasar. Napaka OA. OA. OA. OA.


"La, ano ba 'yang pinagsasabi niyo?" Tumingin lang ako kay Lola. Hindi niyo sinabi laglagan pala ng baho 'to.


"Opo. Makakaasa po kayo that I will take care of and love your grand daughter." Ngumiti si Keane sa Lola ko. Grabe, Mr. CEO. Pwede ka ng best actor, pwede ka din maging mangbubudol.


"Ba't parang nagiiwan kayo ng last will kay Keane... Bro, 'wag mo ng pakinggan sila Tita Alissa. Ganyan lang talaga sila ka-OA." Kuya Kai giggled. Nice one. Buti naintindihan agad ni Kuya yung nangyayari sa paligid niya.


"Hoy, Kayden." Inangilan lang ni Mommy si Kuya Kai hahaha.


"Tama na nga 'yan. Kumain na lang tayo." Pagawat ni Ama hahaha. Hindi ko talaga alam bakit pinakasalan ni Daddy si Mom.


"Ikaw ba, Tito Euro, wala ka bang ibibilin sa son-in-law mo?" Kuya Kai giggled again.


"Malaki na si Jane." Buti pa si Itay hindi OA. Yung Lola at Nanay ko, pwede ng best actress eh.


Parang tanga lang ako ngumiti kay Keane. Bahala na lahat ng santo samin.


"Minsan sama mo naman yung Lola mo, Keane. I want to meet her too." Masayang sabi ni Lola Edith kay Keane. Ha? Ano ba yan.


"Hindi pa ba sapat na nakilala niyo na si Keane. Kailan talaga buong angkan niya?" bulong ko sa sarili ko kaya siniko lang ako ni Daddy.


"Babe." Tinawag ako ni Keane. Amputa. Eto nanaman siya sa babe. Kakilabot.


"Babe?" Parang tanga lang akong ngumiti sa kanya. Nakita ko na kumuha siya ng okra.


No. No. No. Don't. Don't. Don't.


"Say aaa." Ngumiti si Keane sakin habang sinusubuan niya ako ng okra. Nagaalinlangan akong tumingin kay Keane. Hindi ako kumakain ng okra, Keane! Basahin mo yung mata ko.


"Hijo, hindi kumakain si Jane ng okra." Biglang sabi ni Lola Edith kay Keane.


"Po?" Nagulat si Keane kasi hindi niya alam na hindi ako kumakain ng okra.


"People changes po hahaha." Tumawa lang ng pilit si Keane. Damn. Nilakihan ko siya ng mata. 'Waggggg. No choice ako ngayon. Dios mio por.


"Aaa." Kinain ko yung sinubo sakin ni Keane. Yummy. Pwee! Sa lahat ng veggie, pinaka ayoko yung okra. Pakainin niyo na ko ng ampalaya, 'wag lang okra.


"Woohoo!" Nagulat si Ate Bethany sa ginawa ko. Alam din kasi niyang hindi ako kumakain ng okra.


"Anong klaseng boyfriend yung hindi alam kung anong ayaw kanin nung girlfriend niya." Narinig namin na reklamo ni Jai kaya sinipa ko agad siya sa ilalim ng lamesa.


"Ang laki ng pinagbago ni Jane nung naging kayo. 'Wag na kayong maghihiwalay ha." Masayang sabi ni Lola Edith. Ayoko na talaga sa earth.


"Hindi pa ba kayo magpapakasal?" Biglang tanong ni Mommy kaya... Ako, si Keane, si Jai, si Kuya Kai at Ate Bethany biglang nabulunan sa sinabi ni Mother Earth.


"Bakit sabay-sabay pa kayong nabulunan dyan?" Walang idea si Mommy na tinanong kami.


"Bakit naman kasi kasal agad, Nay." Sagot ko at uminom ng juice. Yung Nanay ko puro kasal yung sinasabi. Buti na lang strong ako at hindi ako nadedepressed sa salitang 'yan.


*********************


Ang huling slice ng cake hahaha. Ang sarap talaga ng cake na 'yun. Kukunin ko na sana ng biglang kinuha ni Keane. Aba! Mangaagaw!


"Akin 'yan!" Sigaw ko kay Keane habang nginunguya yung dapat akin.


"Yum." Parang tanga na sabi ni Keane at biglang ngumanga. Hindi niyo sinabi buskalero pala 'tong CEO niyo.


Syempre, buskalera din ako. Lumapit ako sa kanya at ngumanga bwhahahahaha.


Tinulak lang ako ni Keane at inupo ng maayos. Hahaha natatawa lang ako sa sarili ko, para akong bata.


"Jane, umayos ka nga." Sermon ni Inay sakin. Luh? Ako nanaman. Eh si Keane yung nangaasar dapat siya yung pagalitan mo.


"Keane, thank you for agreeing to have a lunch today. Don't forget to tell your Grandma that we will have lunch next time." Masayang sabi ni Lola Edith kay Keane. Hindi! Walang part two, part two! Last na 'to. Ayoko naman na pati Lola ni Keane idamay ko sa kalokohan ko.


"Opo." Ngumiti lang CEO niyo sa Lola ko. Napaka-plastic na tao ni Keane no.


Kakatapos lang magbayad si Daddy ng bills kaya tumayo na kami. Uuwi na kasi kami. Alangan naman na tumambay pa kami dito my another 2 hours diba.


Nasa labas na kami ngayon ng resto, nagpapaalam na kami sa isa't isa nila Mommy. Akala mo hindi kami magkikita mamaya. Hays.


Hahatid ako ni Keane sa condo nila Kuya kasi aalis na sila bukas. Pero sabi ko, 'wag na niya kong ihatid. Hintayin na lang namin sila Inay umalis. May paa't kamay naman ako eh.


"Gusto niyo ba na samahan ko kayo?" Biglang sabi ni Jai samin habang magkatabi kami ni Keane.


"Three heads is better than two heads." Rami mong alam, Jai. Hindi better 'yun kung kayong dalawa ni Keane kasama ko.


"Three?" Tanong ko at tinaas ko yung three fingers ko.


"Oo." Sagot ni Jai kaya agad kong binaba yung dalawang fingers ko at iniwan kong nakataas yung middle. Fuck you.


"Aray!" Reklamo ko nang bigla akong batukan ni Mommy. Sobrang talented talaga ng kamay ni Mommy.


"Kababae mong tao, Jane. Umayos ka nga." Reklamo ni Mommy sakin.


"Kababae kong tao." Kababae kong tao. Inulit ko lang yung sinabi ni Mom. Kababae kong taaaAaaaaAooooo.

Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon