Chapter 27

17 13 3
                                    

Daveigh Jane aka Blue's POV



Shit. Kinakabahan talaga ako. Lagi na lang akong kinakabahan. Punyeta, wala namang nakakakaba. Nakausap ko na si Keane. Damn. Thank you talaga.


"Anong gagawin ko? Sabihin ko kaya na naaksidente si Keane?" Kinakabahan ko na tanong kay Jai.


"Hoy, Daveigh Jane." Tinawag ni Kuya Kai yung pangalan ko. 'Wag mo na kong tawagin Daveigh Jane, mas lalo akong naiistress.


"Bakit?!" Iritado kong tanong. Bad trip ako ngayon. 'Wag niya sanang sabihin na wala siyang sasabihin.


"Bakit ganyan ka magsalita sa boyfriend mo ha? Pambihira ka naman." Reklamo ni Kuya Kai sakin. Wala siguro siya sa universe nung nakaraan.


"Kuya Kai, hindi ko siya boyfriend. Hindi ko nga rin siya kaibigan eh." Sagot ko. Kahit sabihin ko naman yung totoo sa kanya wala siyang magagawa. Mahal ako ni Kuya Kai hindi niya ko magagawang ilaglag ako hahaha. Masyado akong kampante.


"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Napatayo si Kuya Kai sa kinauupuan niya. Napakamot na lang ako nang ulo nang biglang tumawag si Lola Edith sa number ni Ate Bethany.


"Okay po, La. On the way na po kami. Opo. Sige po." Sagot ni Ate Bethany sa phone call. Favorite manugang ni Lola si Ate Bethany. Hindi ko alam kung bakit. Siguro siya yung unang naging manugang nila o kaya si Ate yung unang nagbigay ng apo sa tuhod hahaha.


"Anong sabi ni Lola?" Tanong ni Jai na buhat-buhat si Blaire. 'Yan na lang gawin mo. Alagaan mo ng mabuti 'yang pamangkin mo.


"Pumunta na daw tayo dun." Sagot ni Ate Bethany sa kanya.


"Mauna na kayo. Isasabay ko na si Jane." Sabi ni Jai kayla Ate. Pa'no kung ayoko? Tinanong mo ba manlang ako kung gusto kong sumabay?


"Si Jane, may boyfriend 'yan na magsusundo sa kanya." Ate Bethany giggled.


"Fake boyfriend." Sagot ni Jai. Panget ka-bonding si Jai no.


"Hello, baka gusto niyong ikwento anong nangyayari." Parang tangang sabi ni Kuya Kai samin hahaha.


"Hal, ako na mage-explain sa'yo. Tara na. Jai, tara na. Come here to Mama, Blaire." Sabi ni Ate Blaire at hinila sila Kuya at Jai papalabas ng unit nila.


"Dahan-dahan lang, Ate, kapag nadapa ako kasama kong mabubukulan 'tong anak ko." Reklamo ni Jai kay Ate Bethany.


Wala na sila. Shit. Ano bang gagawin ko? Ganda lang meron ako, pero bobo ako.


By the way, nagusap kami ni Ate Bethany kagabi. Narinig niya kasi yung paguusap namin ni Keane. Kaya no choice na ko, sinabi ko na. Mahal din naman ako ni Ate Bethany kaya hindi niya ko ilalaglag. OMG. Lima na sa pamilya namin nakakaalam about sa kalokohan ko.


After 10 minutes, nag-text na sakin si Keane na nasa labas na siya ng condo. OMG. Mayabang ako pero may hiya parin ako. Paano ko kaya kakausapin si Keane? Kinuha ko na yung bag ko at agad ng bumaba sa lobby. Bahala na si Superman, Batman at Spiderman.


Nakita ko na yung Tesla S ni Keane kaya agad akong sumakay at naupo sa gunshot. Ang gwapo talaga ng sasakyan ni Keane. Yung sasakyan lang, hindi siya.


"Let's go?" Bungad ni Keane. Tumango lang ako sa kanya pero papaandarin niya na sana yung sasakyan niya ng bigla ko siyang pinigilan. Tinaasan lang ako ng kilay ni Keane.


"Keane." Kinakabahan ko na tinawag yung pangalan niya at hinawakan yung muka niya.


Hindi ko siya hahalikan ha. Tititigan ko lang siya. Shit. Nakakailang! Nahihiya talaga ako. Hindi ko na kaya.


"Argghhh!" Sigaw ko at agad na tinakpan yung muka ko. Hindi ko na talaga kaya!


"What happened to you?" Biglang tanong ni Keane sakin kaya agad akong humarap sa kanya.


"Keane, sorry talaga pero thank you din talaga. Promise last na 'to. Sorry talaga, alam ko na sobrang kapal na ng muka ko kaya sorry talaga." Sabi ko sa kanya at hinawakan yung kamay niya. Ano ba kasi 'tong pinasok ko.


"Last time? Does this mean we are official next time?" Keane flirtatiously said and also held my hand.


Ang landi ng CEO niyo. Biglang nagbago yung emosyon ng muka ko, ang epal niya kasi. Tinulak ko yung kamay niya kaya ngumiti naman siya agad. Happy ka na dyan?


"Baliw kaba? Baka gusto mong tadyakan kita sa ano?" Reklamo ko sa CEO na 'to. Tumawa lang siya at nagmaneho na. Hindi ko inaakala na itong CEO na 'to na sobrang attitude, lalandiin ako? Nakakakilabot naman 'to, para siyang sinapian ng masamang espiritu.


A FEW MINUTES LATER


Nagdasal muna ako bago pumasok ng restaurant. Lord, tulungan niyo po ako sa kasinungalingan na ginawa ko.


"Do you want me to kiss you to reduce your nervousness?" Parang tanga na sabi ni Keane. Napaka harot. Nakakairita. Ang harot-harot niya. Kinakabahan na nga ako dito eh.


"Hoy, kung wala lang akong utang na loob sa'yo, kanina pa kita binigkwasan." I complained and rolled my eyes.


"Really?" Mapangasar pala 'tong bwisit na CEO na 'to.


"Pero, salamat talaga ha." I smirked.


"No problem, as I said, I'm happy to help you. Everything is fine, Blue. Don't worry." Keane smirked too. Gaya-gaya pero salamat naman at may nasabi siyang matino. Jusko. Nakakakilabot talaga 'to. Huminga ako ng malalim at pumasok na kami sa loob ng resto.


"Sorry we're late." Ngumiti ako kayla Lola at mano kami ni Keane sa kanya.


"That's okay, dear. Hello, Keane, salamat at pinagbigyan mo kami hahaha." Masayang sabi ni Lola kay Keane. Wow, ako yung apo pero ako yung hindi pinansin. Hindi ako aware na outsider na ko ngayon.

Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon