Daveigh Jane aka Blue's POV
ONE WEEK AGO
Magme-meet kami ni Keane ngayon, I just want to thanked all of Keane's help to me huhuhu. Ang rami ko ng utang na loob sa kanya.
Pagbaba ko ng taxi, nakita ko agad si Keane na kabababa lang ng sasakyan niya. He also saw me right away, so we entered the restaurant together.
"Bakit ang aga mo?" I asked Keane as we walked together.
"I'm an early bird." Keane answered so I giggled. Naol lang.
"Nako po. Sure ka? Baka gusto mo na ko?" Pangasar ko sa kanya hahaha. Feeling close ako. Sorry hahaha.
"Don't you have a mirror in your room? I will give you one." Sagot agad ni Keane hahaha. Nagbibiro lang naman ako Mr. CEO. Grabe ka naman sakin hahaha.
"Jane, you beach!" Biglang may sumigaw sa likod ko kaya agad kaming napalingon ni Keane.
Hinahanap ko kung sino yung nagsabi non. Hindi ko mahanap kung sino, lahat sila nakatingin lang sakin.
Sinuklay ko yung buhok ko gamit yung kamay ko, "Before you tell me that, learn first the difference between a beach and a bitch, okay?" Sigaw ko at nag-flipped ng hair tapos naglakad na kami papasok ni Keane. Savage one ako eh. Attitude level 9999.
Kumakain na kami ni Keane ngayon. Paano ba ako magsisimula? Unahin ko kaya yung huli?
"Thank you talaga, Keane. Kung hindi dahil sa'yo baka kasal na ko sa taong hindi ko mahal. Sobra talaga akong nagpapasalamat sa'yo, hindi naman tayo magkaibigan katulad ng sabi mo pero hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako. Sorry talaga sobrang laking abala ko na sa'yo. I feel very thankful to you." Pasasalamat ko. Ba't bigla akong naging emotional? Hahaha.
"That's okay, I understand you." Sagot ni Keane sakin.
"Sabihin mo, ano bang gusto mong kapalit?" Tanong ko. Kunware may pera ako hahaha.
"No, I'm happy to help you, don't worry about me." Sagot niya. Bakit ang kalmado ng taong 'to?! Kalmado o wala talaga siyang emotion? Hahaha.
"Talaga? Baka magalit sakin yung girlfriend mo, pakisabi sa kanya pasensya ha." Saad at uminom ako ng tea, charot tubig lang yung iniinom ko.
"I'm single, don't worry." Keane smirked.
"Ay talaga?" Bigla akong ngumiti. CEO niyo single pa, sinong may gusto? Hahaha.
"Single din ako. Uiiiii, may chance hahaha." Parang tanga ko na sabi. Joke lang 'to ha, I'm double na hahaha.
"Char lang. Sabihin mo na kasi kung may gusto ka para naman makabawi-bawi ako, you know." Ngumiti lang ako sa kanya.
"Do you really want it?" Tanong ni Keane sa akin kaya tumango lang ako.
"All right, I'll tell you right away when I have an idea." Sagot niya at kumain na ulit. Ay sige sige. Ayos 'yan. Wala rin kasi akong pera ngayon hahaha.
After namin kumain ni Keane naglakad-lakad muna kami sa park. Umupo ako sa isang bench dahil napapagod na ko, joke lang, masama bang umupo? Hahaha.
"What's the deal between you and Haefer?" Keane suddenly asked me as we sat down.
"Ayokong sumagot. Para kang fast talk eh, isang tanong, isang sagot." I giggled. True naman diba hahaha.
"Come on." Keane smirked. Tumawa muna ko bago sumagot hahaha, cute ng CEO niyo.
"We're just friends. Mabait naman si Haefer, pero minsan talaga naiilang ako sa kanya. Instead of pansinin ko siya, I rather na umiwas na lang. Hindi naman ako naiinis sa kanya, naiilang lang talaga ako." Sagot ko. Magkaibigan naman kami ni Haefer, until na magkaroon siya ng feelings sakin. Nabago ang lahat *smiled*
"Ikaw? CEO ka, diba? Ang rami mong hawak na tao, hindi ka ba naiistress?" Tanong ko naman sa kanya.
"Honesty, I go to the office just to sign papers. All my employees are fine so we don't have too many problems." Sagot ni Keane kaya tumango lang ako.
"Naol." I giggled.
"Hindi ka ba naboboring?" Tanong ko, taga pirma? Jusko. Nakaka-bored 'yun hahaha. Teka. Ba't tanong ako ng tanong? Baka isipin nito chismosa ako.
"I'm always bored, do you want to join me?" OooOohhhHh damn. Hindi ko inaakala na marunong bumanat yung CEO niyo hahaha.
"Potaena with manners." I giggled.
"You? Why is your profession a wedding planner?" Tanong ulit ni Keane sakin. Ayiie, curios siya sakin hahaha.
"Kasi gusto ko lahat ng kasal perfect." I brief answered but I really meant what I was saying.
"What's your dream wedding?" Tanong ulit ni Keane sakin. Papakasalan niya na ba ko? Hahaha.
"Simple lang. Hindi katulad ng iba na elegante. Simple is the best nga diba? As long as yung wedding ko kasama yung family ko, yung friends ko, lahat ng tao masaya para sakin. Okay na ko dun." I smirked. Drama ko naman hahaha. Joke lang, kaya ko sinabing simple kasi wala akong pera hahaha.
Actually, wala talaga akong idea sa wedding ko hahaha. Hindi ko pa kasi nakikita yung sarili ko na magpapakasal someday kasi nga diba I'm in relationship with my cousin hahaha.
"How about you, Mr. CEO?" Tanong ko. Parang gumagaan na yung pakiramdam namin sa isa't isa. Magkaibigan na ba kami ng CEO niyo? Hahaha.
"Sir Keane!" Biglang may tumawag kay Keane kaya agad kaming napalingon sa kanya. May magandang babae na huminto sa gilid namin. Oh my god. Ang ganda niya hahaha. Ususera talaga ako.
"Uh... Sir Keane, bakit hindi mo sinabi na may date ka? Makakapagintay pa naman yung pipirmahan mo hanggang bukas." This beauty said shyly.
"Hahaha. Hindi po kami nagda-date." Singit ko. Nahihiya din ako sa kanya.
Ngumiti lang yung girl samin hahaha. Pustahan, cool 'tong babaeng 'to. Kapag hinarap ko si Dixie sa kanya feeling ko magkakasundo agad sila hahaha.
"Blue this is Bella, my secretary. Bella this is Jane, my friend." Pinakilala kami ni Keane sa isa't isa. Jane amputa.
"Friend lang ba talaga, Sir? Hahaha joke lang." Pangasar ni Bella sa Boss niya hahaha.
"Nice to meet you, Miss Jane." Bella said happily to me and shook hands.
"No need to call me Miss Jane. Just call me Blue." Ngumiti lang din ako sa kanya. Epal ng CEO niyo, Jane daw pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Amour | √
RomanceBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.