Chapter 15

18 12 6
                                    

Aye's POV



THREE DAYS AGO


Papunta na ako sa bahay ni Dixie, may drama nanaman yung babaeng 'yun, hindi ko alam bakit ang gaganda at ang gwagwapo ng mga kaibigan pero lahat tanga sa pagdating sa pag-ibig.


"Josh! Dixie!" Nagulat ako pagdating ko dito. Iyak ng iyak si Dixie. Hindi talaga bagay yung pangalan niya sa pagkatao niya jusko po.


Pigil na pigil ni Josh si Dixie kasi nagwawala. Jusko ano ba 'to? Ano bang mangyayari kay Dixie?


"Bakit ang tagal mo bago pumunta dito?" Reklamo agad ni Josh.


"Teka lang, sandali." Sabi ko at kinuha ko agad yung phone ko.


Aye: I'm at Dixie's place. See you tonight.

Blue: Bakit?


Hindi ko na sinagot si Blue at nilapitan agad si Dixie.


"HUHUHUHUHUHUHU LET ME GO!" Umiiyak na sigaw ni Dixie pero hindi pa rin siya binitawan ni Josh.


"Aye, pakalmahin mo nga 'tong kaibigan mo!" Utos sakin ni Josh.


"Dixie, ano bang problema mo?!" Sigaw ko kay Dixie.


"HUHUHUHUHUHUHU gusto ko lang naman mag-mahal at mahalin pero bakit kailangan niya pang maging bakla??!" Iyak ng iyak na sabi ni Dixie.


Putangina naman, friend. Ang tanga-tanga.


"Hindi ko naman sinabi na maging straight siya, ang gusto ko lang mahalin niya din ako." Humagulgol ulit ni Dixie. Paanong isang Dixie pati bakla pinapatulan. Baliw na 'tong kaibigan ko.







Daveigh Jane aka Blue's POV



"Shit!" Nagulat ako pagdating namin ni Jai at Blake dito.


"Grabe naman kayo!" Sigaw ko at agad nilapitan si Dixie. Ang lakas ng amats nitong mga 'to, tinali ba naman si Dixie sa bintana.


"Putangina ano 'to? Nagshoshoot ba kayo ng film?" Natatawang sabi ni Blake kaya kinuha ko agad yung tissue sa upuan at binato sa kanya.


"Manahimik ka nga, Blake." Reklamo ko sa kanya.


"Bakit niyo naman tinali si Dixie, tao siya hindi siya aso." Reklamo ko sa dalawa.


"Ang galing ng idea niyo aaa, dapat pinicturan niyo muna si Dixie dyan hahaha." Isa pa 'tong si Jai. Mga kupal talaga 'tong mga kaibigan namin.


"Nagwawala eh. Kapag hinayaan namin si Dixie baka lahat ng gamit niya dito basag." Sagot ni Aye.


"Kawawa naman si Dixie." Sabi ko at humarap ulit ako sa ugok kong kaibigan.


"Guys..." Biglang nagsalita si Dixie. Ano ba naman kasi 'to Dixie. Ang tanga-tanga mo talaga. Tsk. Tsk.


"Ano ba kasing nangyari dito kay Dixie?" Tanong ko sa kanila.


"Broken hearted sa isang bakla." Mabilis na sagot ni Josh.


"Bakla?!" Nagulat ako sa sinagot ni Josh. Pati bakla pinapatulan ni Dixie, baka sa susunod niyan babae na iniiyakan niyan. Dios mio por santo.


"Jai, tulungan mo nga ko dito." Utos ko kay Jai habang tinatanggal yung tali ni Dixie.


45 MINUTES LATER


Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon