Chapter 43

7 5 2
                                        

Daveigh Jane aka Blue's POV





Kumakain kami sa isang restaurant ngayon. Sabi kasi ng Boss namin, kumain daw kami labas ng anak niya. Kaya heto kami ngayon kumakain ng fried chicken hahaha char.



"Ano Blaire? Masarap ba?" tanong ko kay Blaire na nakaupo sa gilid ni Jai. Wala daw kasing baby sitter yung restaurant kaya wala kaming choice. Lilipat sana kami kaso dito yung gusto ni Blaire eh.



"Sooyammmy." sweet na ngumiti si Blaire samin kaya feeling ko natutunaw yung aking heart. Ang cute-cute talaga ni Blaire. Hindi ko na kaya na mawalay sa kanya.



"Kung masarap nga, Blaire, kiss mo si Appa." masayang sabi ni Jai Kai Blaire at yumuko. Hindi na nag-hesitate si Blaire ata agad niyang hinalikan si Jai sa pisnge.



Ang cute-cute talaga niya.



Habang nagsasaya kami dito, biglang may isang demonyita na dumating.



Huminto siya sa gilid namin, tinignan lang namin siya ni Jai ng 2 seconds at bumalik na kami kay Blaire.




"Ehem." Addison cleared her throat.



Tinignan lang namin ulit siya. Bakit ba siya nakatayo sa gilid namin tapos sa guard naman pala nakatingin?!



Hindi na ulit namin siya pinansin. Baliw na ata 'yan si Addison eh. Nagpanggap na lang kami ni Jai na walang Addison na nage-exist ngayon hahaha. Salbahe!




"Bitch." sabi ni Addison nang hindi tumitingin samin. Napahinto na lang ako nang marinig ko yung susunod niyang sabihin.



"Slute." dugtong ni Addison.



"Whore." hindi na ko nakapagpigil. Alam ko ako yung sinasabihan niya eh. Dahan-dahan akong humarap sa kanya na nakaharap na pala sakin.



"Jane..." bulong sakin ni Jai.



Habang tinitignan ko si Addison bigla niyang kinuha yung baso ko ay binuhos yung tubig sakin.



Nagulat ako sa ginawa ni Addison kaya agad akong tumayo at sinampal siya. Nakita ko si Jai na niyakap si Blaire para hindi makita yung nangyayari.



Nagrambulan lang kami ni Addison ng walang sinasabi kahit ano.



Sa sobrang lakas ng sampal ko, agad na natumba si Addison sa sahig kaya kinuha ko yung juice namin nila Jai at binuhos sa maduming pagkatao ni Addison.



"HEY! YOU'RE CROSSING THE LINE!" sigaw ni Addison. Pinagtitinginan na kami ng tao pero wala akong pakialam.



"Anong I'm crossing the line? Hoy! Ikaw yung nauna!" sigaw ko sa bruhang si Addison.



Walang nagawa si Jai kundi maupo kasi kasama namin si Blaire. Bwisit ka talaga, Addison! Wala kang pinipiling oras at panahon!



Iniingatan namin si Blaire sa mga ganitong pangyayari. Ayaw kasi namin na ma-adopt ni Blaire yung mga ganitong bagay. You know, we don't want na lumaki siyang demonyita.



"Ang kapal ng muka mo na agawin sakin si Keane!" sigaw ni Addison habang nakahilata sa sahig.



"Hindi ko siya inagaw. Hello, 1 year na kayong hiwalay, bakit hanggang ngayon hindi ka pa maka-moved on?!" nakasigaw ko na sagot sa kanya. Yung sinabi ko sa lahat na 2 years na kami ni Keane pero 1 year palang silang break ng ex niya.



"Babalikan na sana ako ni Keane pero bigla kang dumating!" sigaw ulit ni Addison sakin.



"In short, ako yung pinili niya." maangas ko na sagot. Hindi ko alam bakit pinapatulan ko si Addison ngayon, wala naman something samin ni Keane. Teka nga, sabi ni Keane mahal niya pa si Addison, bakit hindi siya makipagbalikan sa lukalukang 'to?!




"Inagaw mo siya!" nakakarindi ka naman!



"Paanong inagaw ko siya sa'yo, huh? Hindi na pangaagaw ang tawag dun kung break na kayo nung sinagot ko siya!" sigaw ko sa kanya kahit hindi naman totoo. Pwede na kong best actress sa ginagawa ko eh.



"Babawiin ko siya kahit anong mangyari!" sigaw ni Addison nang biglang dumating yung mga guard at pareho kaming hinawakan ng guard.



Potek! Hindi naman ako yung nagwawala bakit ba ako yung hinahawakan nila!



"Engaged na kami ni Keane at fiancee ko na siya! Hindi ka ha nahihiya? Sobrang desperada mo sa part na 'yan. Ikakasal na kami, bakit hindi ka takot gumagawa ng kasalanan? Ang pagiging kabet at desperada, isang ng malaking kasalanan sa dyos." sagot ko, bakit biglang nadamay si lord dito? Hehe.



Grabe naman 'tong mga tao, enjoy na enjoy mag video!



Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon