Chapter 74

3 5 0
                                        

Daveigh Jane aka Blue's POV





Nasa bar kami ngayon, ewan ko bakit ako nag-aya dito. Feeling ko kasi nagiisa ako eh. Aww...



Kakagaling ko lang sa ospital parang gusto ko nanaman bumalik do'n hahaha.



Actually, kanina pa kami dito. Naka-pitong bote na si Blake. Samantalang ako, dalawa pa lang pero pakiramdam ko inaantok na ko hahaha.



Biglang nag-ring yung cellphone ko kaya tinignan ko agad kung sino... Akala ko si Jai... Pero... Si... Keane pala! Hays!



Sinagot ko yung tawag niya pero hindi ako nagsalita *sighed*



(Who taught you to answer the call and not speak?) reklamo agad ni Keane sakin.



"Ano ba 'yon?" iritado kong sagot sa kanya. Wala naman kasi akong sasabihin sa kanya eh.



(Nasaan ka?) tanong ni Keane sakin. Bakit? Tatay ba kita?!



"Nasa bar." sagot ko.



(Sige, pupuntahan kita.) sagot ni Keane kaya agad kong tinaas yung kilay ko. Huh?



"Ang rami mo naman libreng oras. Bakit hindi mo na lang asikasuhin at kausapin yung asawa mo?." iritado kong sagot sa kanya.



(Itong kausap ko, isn't it my wife?)maharot ka!



"Ewan ko sa'yo. Bahala ka na nga." sagot ko sa kanya at pinatay ko na yung phone call.



Boss ko siya tuwing nasa office kami, pero ngayon na nasa labas my kami, ako ang Boss niya hahaha joke lang.



"Hays. Aye, umusod ka nga dun. May dadating." sabi ko kay Aye at pinausod ko siya sa tabi ni Josh.



"Sino?" tanong ni Josh sakin.



"Yung jowa mo." sagot ko.



"Gaga. Wala naman ako non." Josh' giggled.



"Meron. Ang dami kaya." walang emosyon kong sabi.









Dixie's POV





Nagulat ako ng dumating si Keane. Akala ko nagbibiro lang si Blue kanina. Hays. Gaga ka, Blue. Pupunta pala talaga dito si Keane tapos nilasing mo 'yang sarili mo. Baliw ka talaga.



"Lasing na si Blue?" tanong ni Keane samin at naupo siya sa tabi ni Blue.



"Mabilis kasing malasing si Blue eh." nahihiya kong sagot kay Keane.



Nagulat kanin lahat nang biglang humarap si Blue kay Keane at hinawakan ng dalawang kamay niya yung pisnge ni Keane.



"Blue, anong ginagawa mo?" nahihiyang bulong ni Aye sa lasing na asul.



"I want to kiss you!" nanglaki lahat ng mata namin sa sinabi ni Blue.



Gaga ka talaga! Napakalaki mong perwisyo! Nakakahiya.



Kinuha ni Aye yung kamay ni Josh para takpan yung mata niya at tinakpan  naman ni Josh yung mata ni Aye at yung mata niya. Habang ako napatakip na lang din ng mata, perwisyo ka talagang lasingera ka!



Si tarantadong Blake lang masayang nakatingin kay Blue at Keane. Parang tanga. Happing-happy, pre?



Nakahinga kami ng maluwag nang biglang nakatulog si Blue sa chest ni Keane.



Hay jusmeyo. Akala ko talaga may dakmaan na magaganap eh!



"Ay jusko, perwisyo. Aye kunin mo na nga 'yang kaibigan mo." utos ko kay Aye kaya sinunod naman agad ni Aye yung utos ko.



"Pagpasensyahan mo na si Blue ahh. Jusko." pinagpapawisan kong sabi kay Keane.



"Okay lang. Sanay na ko." naka-ngiting sagot ni Keane sakin kaya napanganga ako na parang malalaglag na yung jaws ko.



"Huh?! Sanay?!" gulat kong tanong sa kanya per ngumiti lang siya sakin.



Anong big sabihin mo dun?


Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon