Chapter 21

17 13 4
                                        

Daveigh Jane aka Blue's POV



"Ate, gusto mo bang mag-samgyup sa Saturday?" Tanong ni Jade sakin.


"Oo naman. Basta ikaw magbabayad." I giggled.


Naglalakad kami ni Jade at Blaire ngayon sa may park, nagpasama kasi si Jade sakin kaso walang magbabantay kay Blaire kaya sinama ko na din siya hahaha.


Ang hirap pala pag may anak kana no, hindi kana makalayas tulad ng dati. Hindi ako relate, wala naman kasi akong anak eh, pero pamangkin na cute meron hahaha.


"Bobo naman yan si Jade eh. Nagfe-feeling dancer pa." Narinig kong gossip mula sa tsismosa hahaha.


"Oo nga. Nagmana siya sa Ate niya. Hindi naman kagandahan, actually hindi naman talaga maganda yung ate niya, puro yabang lang naman si Jane." Sagot naman nung kasama niya. Dinamay pa ko. Sana alam nilang demonyita din ako.


Binabadtrip niyo ba ko? Anong bobo si Jade? Anong hindi ako maganda? LOL.


"Excuse me? Anong sabi mo?" Tanong ko pagkahamarap ko sa kanila. Kung may problema kasi sila samin, sabihin nila mismo sa muka namin hindi yung gagawin pa nilang tsimis.


"'Wag ka ngang magpanggap na hindi mo narinig." Mataray na sabi nung babae at naka-crossed arms pa.


"Tanga ka ba o ano? Magtatanong ba ko kung narinig ko?" Mataray ko din na sagot. Akala niyo siya lang pwedeng magtaray.


"Ate..." Narinig ko na tinawag ni Jade yung name ko habang tinatakpan yung tenga ni Blaire.


"Sinong tinawag mong tanga?" Nagulat siya sa sinabi ko kaya..... Naghahamon ba siya ng suntukan?


"Humarap ka sa salamin nang nakita mo." Savage one ako remember?


"Tarantado ka talaga, Jane!" Galit na sigaw nung babae. Kung maghahanap kayo ng gulo, 'wag kayong mapipikon. Yung tipo na sila yung nauna pero sila yung pabiktima hahaha.


"Sino 'bang nagsabing hindi?" Ngumisi lang ako sa kanya. Never ko naman na dineny 'yun aaa.


"Bwisit ka talaga, Jane! Humanda ka sakin!" Potaena mo, pikonism!


Sinambunutan agad ako nung babae kaya si Jade tinakpan yung mata't tenga ni Blaire kaso baka maano niya yung eksena ngayon.


"Aray ko! Adik ka ba? Pwede kitang kasuhan kapag hindi ka tumigil. 'Wag mong hintayin na patulan kita." Reklamo ko. Tanga! Bobo! Gago! Inutil!


********************


"Bakit mo naman ginawa yun, Jane?" Bungad ni Mommy. Heto nanaman tayo. Sermon time!


Hindi ako tinuruan ng magulang ko maging masama, tinuruan ako ng sarili ko maging kupal.


"Pikonism kasi si Ate." Sabat ni Jade. Pinagtanggol ko siya kanina, dapat ipagtanggol niya din ako.


"Manahimik ka, Dianne Jade!" Sigaw ni Mommy sa kanya. Buti nga.


Pinalaki at dinisiplina kami ng magulang namin ng tama, sadyang yung panahon lang talaga nakapagpapabago sa mga ugali namin.


"'Wag na nga kayong mag-away." Pagawat samin ni Daddy.


"Kasi naman, Daddy! Siya naman yung nauna, kita niyo naman sa video sinambunutan niya ko." Reklamo ko kay Sir Idol Raffy hahaha. Kakampi ko lagi si Daddy eh.


"Hindi ka naman sasambunutan kung wala kang ginawa." Yung Nanay ko nawalan na ng tiwala sakin. Mabait ako, Mother Earth! Ano ba! Anak niyo ko pero ayaw mong maniwala sakin.


"Mommy! Tinawag niyang bobo si Jade. Alam niyo ba kung ano ibig sabihin ng bobo? Walang alam. Buti kung tanga lang, yung tanga medyo may alam lang, tatanga-tanga lang talaga." Reklamo ko habang naka-crossed arms.


"Anak ka ng tupa. Yung totoo, Daveigh Jade!" Sigaw ni Mother Earth sakin. Okay, fine!


"Kasi naman, tinawag niya kong panget? Tama ba yun, Daddy? Hello, sa ganda kong 'to, panget lang sasabihin nila. Nakakainis." Humarap ako kay Daddy na biglang tumatawa mag-isa.


"Hahaha. That's my daughter." Sabi ko sa inyo eh hahaha. Tatay ko 'yan.


"Ikaw talaga Euro! Puro kalokohan yang tinuturo mo sa anak mo." Pinalo ni Mom si Daddy sa braso.


"Cool kaya ng anak ko." Daddy giggled. Kahit lahat ng tao i-down ako, wala akong pakialam. Coz I know my Dad will always proud of me.


"Boang talaga yan si Ate. Akala ko pa naman, akala ko lang talaga." Parang tanga na sabi ni Jade. Akala mo pinagtatanggol kita noh? LOL HAHAHAHAHAHAHA.


"Dapat hindi niyo na Jade pinatulan, pareho na kayong public figure ni Jade." Singit nung Maid namin.


"Yaya! Hindi po ako public figure, sila na yung mga pesteng nanghihimasok sa buhay ng may buhay. Ano sila, paparazzi?" I complained over and over while rolled my eyes.


Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon