Jai's POV
"Yung nakikipag-balikan yung ex mo sa'yo pero engaged kana."
"Isang desperadang babae napahiya nang i-announce ng couple ba engaged na sila."
Putangina! Anong engaged? Hindi nga magka-boyfriend/girlfriend sila Jane at Keane tapos engaged pa.
Binasa ko yung mga comments sa live kanina, kaya ayaw kong pinapayagan si Jane mag-isa, ang raming nangyayaring kababalaghan.
Tsaka ang lakas ng loob na sampalin ni Addison ang boo-boo ko?! Oo, nagagalit ako.
Maya-maya pumasok na si Jane sa loob ng sasakyan ko. Naiinis na talaga ako.
Tinignan ko lang si Jane na inaayos yung mga gamit niya, biglang napahinto si Jane at tumingin sakin.
"Hoy, anong problema mo? Kung makatingin ka sakin parang kakainin mo ko ng buhay." Reklamo ni Jane sakin. Siya pa mainit yung ulo ha?!
"Hoy, tignan mo 'tong video. Anong meron dito ha?! Engaged kana ha?! Magpaliwanag ka! Ba't natahimik ka agad ha?!" Sigaw ko kay Jane at pinakita yung phone ko.
"Hoy bobo, kung engaged ako bakit yung suot kong singsing yung singsing na bigay mo?" Bwisit na sagot ni Jane sakin.
Biglang nag-sink sa utak ko na.... Na oo nga, ang tanga mo, Jayden.
"Tama." Parang tanga ko na sabi.
"Mag-isip ka nga. Uso kasi gumamit ng utak." Iritado na sabi ni Jane habang nagtatanggal ng heels.
Daveigh Jane aka Blue's POV
Nagro-road trip kami ni Jai ngayon, putangina bakit ba ko pumatol sa lalaking nagmamaneho ng 120 speed.
"Jai, hindi kaba natatakot na baka maaksidente tayo?" Reklamo ko kay Jai. Actually, nagrereklamo lang ako pero gusto ko din naman yung mabilis hahaha.
Racer ka, boi?
"Ba't naman ako matatakot? Hindi ko naman nilalabas ng bahay yung sasakyan ko nang hindi ko chini-check kung may sira." Sagot ni Jayden sakin.
"Paano kung biglang may mag-U turn ha?!" reklamo ko ulit sa kanya.
"Tanga, bakit ka naman mag-u-U turn sa NLEX, huh?" Oo nga, bakit ka nga naman mag-u-U turn? Saan ka dadaan?
"Sabi ko nga." Tumawa lang ako at tumingin sa bintana. Ang liwanag sa NLEX. Sana buhay ko rin, char hahaha.
By the way, 11:30 PM na nga pala ngayon. Umalis ako sa party ng 10:30 PM ata. Ewan ko, ang bilis ng oras eh hahaha.
Lumiko si Jai sa may Petron kung nasaan yung mga fast food.
"Nagugutom kaba?" Tanong ni Jai sakin pagkaliko sa Petron.
"Gusto ko ng McDonalds, Jai." Sagot ko habang tinuturo yung drive thru ng McDonalds.
"Pahingi ako pambayad." Sabi ni Jai habang iniikot yung steering wheel.
"LOL." I just giggled.
Sa rami kong dala kanina, nakalimutan ko yung wallet ko hahaha.
After namin bumili sa drive thru, nag-park si Jai sa tapat ng Burger King. Ang chaka namin, may pa drive thru pang nalalaman pero dito rin naman pala kakain hahaha. Pagka-park ni Jai binuksan ko na yung paper bag ng mcdo. We prefer to eat in Mcdo than Jollibee hahaha.
"Hoy, Jai, paano ako kakain dito?" tanong ko sa kanya. Punong-puno kasi yung sasakyan ng gamit niya sa photography eh.
Biglang lumabas si Jai ng kotse niya kaya agad ko siyang sinigawan.
"Hoy, Jai! Saan ka nanaman pupuntang lalaki ka ha?!" Sigaw ko nang bigla niyang binuksan yung pintuan ko.
Hinila lang ako ni Jai papalabas ng sasakyan nang wala manlang sinasabi kahit anong salita. Ano ba 'tong lalaking 'to, perwisyo. Kapag natapon 'tong softdrinks sakin. Sa tingin niya ba may pampalit ako?
Sa sobrang bilis niyang hinila ako, hindi ko na nasuot yung slippers ko. Kinuha ni Jai yung paper bag at pinatong niya muna sa roof ng sasakyan niya.
"Hoy, adik kaba?" Reklamo ko ng bigla niya kong binuhat.
"Ibaba mo nga ko, Jai!" Reklamo ko ulit sa kanya nang bigla niya kong pinatong sa trunk niya at pinatong na yung Mcdo sa racing wing niya.
Magagalit na sana ako kaso ang cute ng ginawa niya eh hahaha. Para akong baby na nakaupo sa sitter.
"Kumain kana, ayokong nagugutom yung prinsesa ko." Ba't parang galit yung boo-boo ko *pout*
"Noks naman." Ngumiti lang ako sa kanya at kumagat na ng burger.
Kumain lang ako habang si Jai may chineck sa phone niya. Wala akong pake kung babae niya 'yun, kasiyahan niya 'yun eh, hindi naman siya magiging babaero forever kaya hayaan niyo na siya hahaha.
Habang kumakain ako biglang nahulog yung vegetables kaya agad tumingin sakin si Jai.
"Hey, is it that yummy? You're eating like a child." Jai smirked and immediately wiped my dress.
"Jaaaiiiii!" Malambing ko na tinawag siya at agad kong siyang niyakap.
"Ang sweet-sweet naman ng boo-boo ko, kapag kasama kita feeling ko, ako na yung pinaka-maswerteng babae na nabubuhay sa earth." I giggled.
"Ano? Tara na sa kwarto." Sagot ni Jai kaya agad ko siyang binatukan. Basag trip ka, bwisit panget ka talaga ka-bonding.
"Bwisit ka. Okay na, sinira mo pa." I annoyed hahaha.
BINABASA MO ANG
Amour | √
RomanceBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.