Chapter 30

13 6 2
                                        

Daveigh Jane aka Blue's POV



Naglalakad ako ngayon sa park, puro sa park na lang ako dumadaan. Bakit ba kasi walang ibang daan dito. Tsaka kailan ba ko makakaraos sa buhay?

*ring ring ring ring*


Pinatong ko yung mga dala kong envelope sa lamesa ng bench. Dapat pala sinunod ko si Mommy na 'wag na lang maging wedding planner... Char, kasi ba naman bakit ganito yung buhay ko???


"Hello?" Sinagot ko yung phone call.


(Jane..........) Halos mapatalon ako sa tuwa dahil sa sinabi Kylen, dating groom.


"OMG! Thank you! You have no idea how much this mean to me. Thank you talaga!" Halos maiyak na ko sa narinig ko.


HUHUHUHUHUHUHU THANK YOU, LORD HUHUHUHUHUHUHU.


(Pasensya kana, Jane. Nakausap ko na si Faith. Sinabi niya na wala siyang iniwan na pera kahit piso sa'yo. Pasensya kana talaga, alam ko na nakakontrata kami sa'yo pero biglang isang araw nawala kami pareho.) – Kylen.


"Don't worry. Okay lang hahaha. Thank you talaga, Kylen. Thank you talaga." Actually, hindi talaga okay sakin. Kung alam niyo lang yung hirap ko huhuhu.


"By the way, kamusta kana? May kinakasama kana ba ngayon katulad ni Faith?" Bigla kong tanong. Gusto kong malaman saan kayo pinaglihi ng magulang niyo.


(For now, wala pa. Si Faith, minahal ko naman talaga 'yan eh, sadyang naiba lang yung ihip ng hangin.) Biglang naging malungkot si Kylen. Hays. Ang buhay talaga.


Binayaran na ni Kylen lahat ng naiwanan nilang bills ni Faith. Dios ko, Lord. Sobrang salamat talaga buti na lang mabait si Kylen.


Pero alam ko mayaman yung angkan ni Kylen eh. Diba kapag magpapakasal pamilya ng groom yung magbabayad. Bakit hindi nagparamdam yung pamilya ni Kylen? Kahit isang tawag wala akong na-receive huhuhu.


Pero wait. Saan ako kukuha ng 300K. 300K na lang yung kulang sakin yung dalawang couple dati, halatang walang balak na tulungan ako. Kahit yung 50% tulungan niyo naman ako, utang na loob naman. Hindi naman ako mayaman.


After ng halos 10 minutes, biglang huminto si Bella sa harapan ko, secretary ata ni Keane 'to nakalimutan ko na. Basta nagtatrabaho siya kay Keane.


"Oh? Ma'am Jane, este Blue." Blue. Blue. Blue. Always remember.


"Long time no see, Bella. Saan ka pupunta?" Ngumiti lang ako kay Bella. Good vibes ako ngayon. Buti pa ako naalala ko yung pangalan niya.


"Pabalik na ko sa office, Blue. Yung Boss ko kasi pala utos." Bella giggled. Nako, Keane. Nilalaglag ka ng secretary mo hahaha.


"Baka marinig ka ni Keane." I giggled.


"Joke lang, Blue. Ikaw, parang stress ka ngayon. Kamusta ka naman?" Ngumiti lang din si Bella sakin.


"Eto, baon sa utang." Huminga ako ng malalim. Totoo. Walang harong biro.


"Hala? Legit? Wala sa itsura mo na magkakautang ka." Pati si Bella nagulat.


"Wala, ganito talaga ang buhay. Kahit wala kang ginagastos nagkakautang ka parin." Huminga ulit ako ng malalim. Yung buntong-hiniga sobrang lalim kapag naiisip oo yung mga utang ko. Parang dati lang ang pinoproblema ko kung paano ako tatakas kay Mommy, ngayon pera na.


Yung ang yaman-yaman ng pamilya ko, may malaking bahay, may sariling company, maraming magagarang sasakyan pero tanging ako lang yung naghihirap.


Like— May sumpa ba ako?


Actually, pwede naman akong mangutang kayla Daddy. Pero putangina nahihiya ako. Syempre si Jade diba, ang rami ng naipundar tapos ako na magtu-twenty seven na, walang na invest kahit ano tapos baon pa sa utang.


Sinabi ko lahat ng problema ko kay Bella, ang sabi niya kung may pera lang daw siya hindi niya hahayaan na mag suffer ako ngayon hahaha. Sweet naman ng secretary ni Keane, never bang naka something sa kanila? Hala ang chismosa ko.


"Sige na, Blue. Mauna na ko sa'yo, nagaapoy na siguro sa galit yung Boss kong tigre sa sobrang tagal ko hahaha." Bella giggled as she waved at me.


"Bye-bye, ingat." Hindi kami magkaibigan ni Bella pero bigla kaming naging close hahaha.


Huminga lang ako ng malalim at ginulo-gulo yung buhok ko. Kapag may nag video sakin at nakita ni Mommy, mas magaapoy pa sa galit 'yun kaysa kay Keane.


After ng almost 10 minutes siguro, biglang dumating si Jade. Siya lang mag-isa?


"Bakit ka nandito? Sinong kasama mo?" Tanong ko agad kay Jade. Kadalasan kasi lagi siyang may body guard na kaibigan eh hahaha.


Anong trip nitong kapatid ko? Umaarte kaba ngayon? Nasaan yung camera?


Biglang may binigay sakin na papel si Jade. Jusko ano 'to? Bumagsak ba siya?


"Ate....." Biglang umiyak si Jade kaya tinignan ko agad siya ng seryoso.


"Ate Jane, I can't handle this anymore. I owe 5.3 million, I felt like you gotta help me get through of this." Umiiyak na sabi ni Jade habang tinitignan ko yung papel na binigay niya sakin.


What the fuck? Legit ba 'to? Shit. Jade naman!


"Gosh. Legit ba 'to, Jade? Are you not pranking me? Damn. Hindi pa ko nakakapagbayad ng sarili kong utang." Bulong ko habang seryosong nakatingin sa papel ni Jade. Hindi ko alam kung totoo ba 'to. Hindi ko na alam gagawin ko.


"Can you help me here, Ate?" Umiiyak na tanong sakin ni Jade kaya tumango ako agad.


"Yes, I will." Seryoso kong sagot nang hindi tumitingin sa kanya. Shit. Pwede bang sampalin ako ng katotohanan. Hindi ko ma-gets yung mga nangyayari eh.


"Paano kaba nagkautang, Jade?" Tanong ko. May sarili na siyang pera, nabibili niya na yung mga gusto niya kaya paano siya nagkautang?


"Are you okay, Ate?" Tanong naman ni Jade sakin habang nagpupunas ng luha. For real ba 'to? Seryoso ba talaga si Jade?


"I don't know." Hindi ko alam gagawin ko, kung anong reaction gagawin ko. Putangina naman talaga.


"I'm so sorry, Ate." Umiiyak lang si Jade habang nagso-sorry sakin.


"No, you don't have to sorrry, Jade. Don't worry, I will help you no matter what... I think I have to work day and night." Seryoso kong sabi pero this time tumingin na ko sa kanya. Baby ko, ano ba kasing nangyari sa'yo?


"But you told me last time, may utang ka din? Pa'no 'yun? I'm really sorry, Ate. I really can't tell this to Mom and Dad because I'm scared." Mamumugto na yung mata ni Jade. Pareho lang naman tayo, sis.


"I didn't help you then, but now I'm here asking for your help." Umiyak nanaman si Jade.


"Hayaan mo na 'yun. We're gonna help each other, no matter what. Don't worry, Jade. I'll help you." Sabi ko kay Jade at niyakap siya. Pa'no na ko ngayon? 5.3 million plus 300 thousands?


Damn. Saan ako kukuha ng ganun kalaking pera? Habang patagal ng patagal mas lalong lumalaki yung kailangan kong bayaran. Kailangan ko na bang magdasal sa lahat ng santo?


Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon