Chapter 75

4 5 0
                                    

Daveigh Jane aka Blue's POV





Nagising ako sa sikat ng araw pero... Pagtingin ko sa gilid ko, masayang nakatingin si Keane sakin kaya agad akong napatalon sa kama.



"Shit! Anong ginagawa ko dito?" natataranta kong sabi kay rotter Keane.



"Ano ba kailangan kong gawin para mapasaakin ka?" nagulat ako sa sinabi ni Keane kaya kinuha ko agad yung unan na malapit sakin at hinampas ko sa kanya.



"Baliw kana! Nakalimutan mo na bang huminga?!" kinikilabutan kong sabi sa kanya.



Tumawa lang si Keane at iniling-iling yung ulo niya. Nang kumalma na ko, tinanong ko siya kung anong nangyari kagabi. Bakit ako nasa bahay niya?!



"Keane." tinawag ko siya habang nagluluto ng breakfast namin.



"May... Ginawa ba kong horrible kagabi?" nahihiya kong sabi sa kanya.



"Hmm... May naalala ka bang ginawa mo kagabi?" tinaasan lang ako ng kilay ni Keane.



"Kaya nga nagtatanong kasi wala akong maalala." ngumiti na lang din ako sa kanya. Pang bobo naman yung sagot sakin ni Mr. CEO, tsk.



"Kung wala kang maalala... It means, wala kang ginawa." ngumiti sakin si Keane at bumalik na sa pagluluto.



Paano ako napunta dito?



Pagkatapos namin kumain, may binigay na paper bag sakin si Keane. Ay chaka may pa regalo si mayor.



"Ano 'to?" tanong ko sa kanya. Tapos na birthday ko, dude. Nag 27 na ko, turning 28 na. Diba ang tanda ko na pero isip bata pa din. Saan kayo makakakita ng ganun? Ako lang 'yun, lol.



Ineenjoy ko kasi yung buhay ko, hindi ako nagmamadali magkaroon ng family, o sadyang wala lang talaga akong balak? Hahaha. Er... Feeling ko kasi, hindi pa ko handa eh. You know what I mean? Sa situation ko, imposibleng mangyari yung mga bagay-bagay sakin hahaha. Okay na yung 27 years old kana pero wala kang ibang inatupag kundi mag-skateboard. Grabe ang tanda ko na talaga. Losyang na ko. Childish na kung childish, kung umasta akala mo teen pa, ganern ganyan ganon... Eh pero buhay ko nga 'to okay?



"Maligo kana sa bathroom, aalis tayo." naka-ngiting sabi sakin ni Keane kaya tinanong ko siya kung saan us pupunta.



"Bakit? Saan mo ko dadalhin?" naguguluhan kong tanong sa kanya.




"Bibili ng gamit sa bahay." kalmadong sagot ni Keane kaya mas lalo akong naguluhan.



"Bakit? Hindi pa ba sapat yung mga gamit mo dito sa condo mo? Yung laman ng condo parang wala pa sa kalahati ng condo ni Kuya Kai eh." reklamo ko. Reklamador ako eh, remember?



"Hmm... Feeling ko kasi may makakasama na ko eh." masayang sabi ni Keane kaya naguluhan ako lalo.



"Huh?" I disgust looked at him. Grr. What are you talking about, mister? Duh.



***************************





Nasa mall na kami ngayon. Hindi ako kaladkarin pero bakit sumama agad ako kay Keane? Hindi ako nag-aral ng four years sa college para lang maging yaya niya.



"Ang sakit ng kamay ko." reklamo ko habang naglalakad kaming dalawa ni Keane habang pinipindot-pindot ko yung kamay ko. Ano bang ginawa ko kagabi?



"Why?" kalmadong sagot sakin ni Keane kaya binagalan niya yung lakad niya at agad na kinuha yung kamay ko at minasahe.



"Hindi ko alam. Sure kaba na wala akong ginawa kagabi?" naguguluhan kong tanong ulit sa kanya.



"Ang lambot naman ng kamay mo." narinig kong sabi ni Keane kaya agad kong binawi yung kamay ko sa kanya.



"Hey, are you taking advantage of me?" tinaasan ko siya ng kilay.



"Don't be OA. I'm just massaging your hand. Stop daydreaming." wow, ako pa nananaginip ng gising.



Kinuha ulit ni Keane yung right hand ko kaya hinayaan ko na siyang i-massage yung kamay ko.



"Ano bang bibilin mong furniture?" tanong ko kay Keane habang naglalakad kami.



"Yung suit sa mag-asawa." sagot ni Keane ng hindi tumitingin sakin.



"Huh? Magpapakasal kana?" tanong ko sa kanya.



"Ikakasal na tayo." sagot ni Keane kaya agad ko siyang hinampas.



"Bwisit ka!" iritado kong sabi sa kanya pero actually nahihiya ako na ewan. Blushed? No.



Dahan-dahan binababa ni Keane yung kamay ko at hinawakan naman yung right arm ko tska kami naglakad sa siyang escalator. Bravo. Galing naman ng escalator dito. Sira.



Kinikilig ako. Is this what they call fan service?... Char. Diba't ikaw na yung Reyna at ako ang iyong Hari... Char ulit hahaha. Bakit ako yung Hari? Hahaha.



"Keane, kung sakaling hindi ako yung kasama mo ngayon. Hahawakan mo din ba nang ganyan kahigpit yung kasama mo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. Puro lakad diba?



"Kung hindi ikaw yung kasama ko bakit kailangan ko pa silang alalahanin? Sa'yo lang naman ako may pake kaso ikaw hindi." parang tanga na sagot ni Keane sakin.



"Kailan ka ba magseseryoso?" reklamo ko sa kanya.



"Seryoso naman ako lagi." sagot ni Keane sakin kaya napakamot na lang ako ng ulo.



Hindi nahanap ni Keane yung hinahanap niya sa mall kanina kaya nandito kami sa sidewalk, in short sa bangketa.



Kung kanina, sa braso lang nakahawak si Keane sakin. Ngayon sa kamay na. Ano? Holding hands ganern? Hinayaan ko lang siya, hindi ko kasi alam yung lugar na 'to eh, baka mawala ako hahaha.



"Hindi ko maimagine na ang isang CEO, sa bangketa namimili." I giggled.



"Karamihan sa magaganda, dito mo makikita." sagot ni Keane sakin, kaya nanglaki yung mata ko sa sagot niya. Hindi ba siya sabog?



"Pumunta tayo sa kabila." sabi ni Keane sakin at hinila agad ako papunta sa kabilang kalsada.



"Wait, Keane." sobrang bilis kumilos ni Keane.



Pagtawid namin dito sa kabilang kalsada. Humarap sakin si Keane at inayos yung buhok ko.



"Kahit magulo na yung buhok mo, bakit ang ganda mo pa rin." ang harot ha!



"By the way, bagay sa'yo yung damit mo. Ako namili niya." ay wtf kinikilabutan talaga ako kapag kasama mo si Keane.



"Hoy, kung patuloy kayong maghaharutan sa gitna ng daan. Bakit hindi na lang kayo pumunta sa motel?" nagulat ako sa nagreklamo na lalaki na may pasan na dalawang sako ng bigas.



"Ayan, bawasan mo kasi 'yan kalandian mo. Put yourself in appropriate position. You are a CEO, remember?" I giggled.



"Pero ordinaryong tao lang ako sa'yo." sagot ni Keane sakin at bumalik na kami sa paglalakad. Dora the explorer.



Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon