Daveigh Jane aka Blue's POV
"Daveigh Jane, magaasawa kaba o hindi?" Biglang tanong sakin ni Mom habang umiinom ako ng tubig dito sa kusina. Harap-harapan ha. Lagi na lang ganito.
"Magaasawa." Maikli kong sagot. Magaasawa naman ako, hindi lang ngayon. Kalma.
"Kailan mo balak magpakasal?" nwakapamewang na tanong ni Inay sakin.
"Kapag 59 years old na ko." Sagot ko kaya naglakad na ko papaalis sa harapan niya. Tapos ang usapan hahaha.
"Ano?! Hoy, Daveigh Jane. 'Wag mong sabihin na hinihintay mo pa din si Calix hanggang ngayon?!" I heard Mom's complain but I ignore her and continue walked upstairs.
Lagi ko kasing pinapalusot na hinihintay ko parin hanggang ngayon si Calix hahaha. Well, hinihintay ko naman talaga hahaha joke lang.
TWO DAYS AGO
"Daveigh Jane!" Nagulat ako dahil biglang sumigaw si Mom ng malakas kaya nagmadali akong bumaba sa sala. Pagkababa ko, nagulat ako sa nakita ko.
"Come here, dear." Masayang sabi ni Mommy habang sinisenyasan akong lumapit sa kanya.
"Mom! Kung makasigaw ka parang kung ano na yung nangyari sa'yo!" Inis ko na reklamo. Akala ko pa naman nadulas siya o nga nadapa pero look at her, namimili lang pala ng dress. Maryosep!
"Anong mas gusto mo? This one or this one?" Tanong ni Mommy sakin at nagtaas ng dalawang dress.
"Wala po." Mabilis ko na sagot. With manners yarn ha.
"Daveigh Jane!" Nilakihan ako ng mata ni Mom kaya namili nako. Kahit matanggal pa yung mata ni Mom, hindi ako matatakot sa kanya hahaha joke.
Nagtaas si Mom ng black na Carmelle Cocktail Dress at ng Purple na strapless na dress. Model ba ko para mag ganyan? Hays. Sinuklay ko lang yung buhok ko gamit yung kamay at piniling yung dress na black.
"Oh. Maligo kana, ang baho mo na." Reklamo ni Mother Earth at binigay sakin yung cocktail dress at lace up na black heels.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko at tinignan 'tong dress at heels na nasa kamay ko.
"Isusuot malamang." Wow, taray naman ng Nanay ko.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Kadalasan kasi dito sa bahay, kapag naligo ka, aalis ka.
"Puro ka tanong. Maligo kana." Sigaw ni Mommy at tinulak ako hanggang sa hagdanan.
Dios mio por. Heto nanaman tayo. Masusuprise nanaman ako mamaya. Hays *sighed*
MEANWHILE.....
"Mom! Ano ba talaga gagawin mo sakin?!" Reklamo ko kay Mommy dahil kanina pa ko sunud-sunudan sa kanya. Para akong tangang naka-buntot sa kanya.
"'Wag kang puro tanong. Bumaba na kayo dyan." Sabi ni Mom samin ni Jade. Ano ba kasing amats meron si Mommy? Pagbaba ko ng sasakya. Nagulat ako kasi, anong gagawin namin sa restaurant?
Kasama ko si Mother Earth at si Jade. Si Father Earth hindi present kasi may meeting siya ngayon. And by the way, hindi kami kambal ni Jade. Almost 4 years yung age gap namin, mas matanda ako sa kanya tsaka mas maganda rin hahaha.
"Ma! Sabihin mo na anong gagawin natin dito?" Reklamo ko at hinawakan yung wrist ni Mom para pigilan siyang maglakad. Baka mamaya may pari at groom sa loob eh. Hindi pa ko ready.
BINABASA MO ANG
Amour | √
RomanceBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.