Chapter 69

4 5 0
                                        

Daveigh Jane aka Blue's POV





Nasa ospital kami ngayon. Shit! Bakit ba ko pinahamak nung aso kanina?! Panigurado, pagkatapos ng araw na 'to, hindi na ko pahayagan mag-skateboard ni Mommy!


Nagbabayad ng bilis sila Mommy at Dad, habang si Jade nagpunta sa CR. So, kami na lang ni Jai dito.


"Jane..." tinawag ni Jai yung pangalan ko at hinawakan yung kamay ko.


Hindi ko siya sinagot kasi hinihintay ko siyang sabihin yung gusto niyang sabihin. Boo, hayaan mo na sila Ermat. Galit-galitan lang 'yan sa una pero sa lumaon, okay na sila, papayagan na ulit nila ako mag-skateboard hahaha.


"Kailangan kong bumalik sa Singapore, nagkaproblema kasi yung system, hindi na-save yung mga pictures kaya kailangan namin ulitin 'yun." parang nabingi ako sa sinabi ni Jai.


Ano? Iiwan niya ulit ako? Aalis nanaman siya?


"Huh? Pero kakauwi mo lang. Aalis kana agad?" malungkot ko na sagot kay Jayden.


"I'm sorry, boo..." malungkot na sabi ni Jai sakin.


Gusto kong umiyak. Pero bakit walang lumalabas? Gustong-gusto kong umiyak right now.


Tinulak ko yung kamay ni Jai na nakahawak sa kamay ko nang biglang dumating sila Mommy na may dalang wheel chair.


"Hay jusko, Daveigh Jane, ilang beses ko ng sinasabi sa'yo mapapahamak ka lang sa pags-skateboard mo. Bakit ba ayaw mong makinig sakin?!" bungad na sermon sakin ni Ermat.


Malungkot ako ngayon kaya hinayaan ko na lang siya na sermonan ako.


"Lucinda, naaksidente na nga yung anak mo tapos sisigawan mo pa." pagawat ni Daddy kay Mommy.


"Ayaw kasing magtanda eh! Daveigh Jane, hindi kita pinalaking suwayin ako ha! Malaki kana, bakit hanggang ngayon ang tigas ng ulo mo?!" sermon ulit ni Mommy sakin.


"Ma! Hindi naman gusto ni Ate yung nangyari sa kanya. Tska nabalian lang naman siya ng buto, hindi niya ikamamatay 'yan." singit ni Jade.


"Ikaw, Dianne Jade, subukan mong suwayin ako matatapos na pagiging mag-ina natin." pananakot ni Mommy kay Jade.


"Ay grabe naman 'yan, Ma. Si Ate nga wala kang sinabi na hindi niya sinuway, bakit hanggang ngayon anak pa rin tingin mo sa kanya?" reklamo ni Jade kay Mom.


"Tama na! Umuwi na lang tayo nang makapagpahinga ang Ate Jane mo." singit ni Daddy at tinulak na yung wheel chair ko.


Yung sinabi ni Mommy parang pumasok lang sa kaliwang tenga ko tapos lumabas agad sa kanan. Hays! Jai kasi eh! Bakit na kailangan mo kong iwanan ng maraming beses?!


Palabas na kami ng hospital, naka-ngiting nakatingin samin yung guard. Luh? Grabe naman 'yang ngiti mo, Manong Guard!


"Balik po kayo." masayang sabi nung guard samin kaya napahinto kami agad.


Ay putangina? Anong balik po kayo?!


Nagulat yung guard sa tingin namin sa kanya kaya umarte si Jai na sasapakin yung guard at nagpatuloy na kami sa paglalakad, actually, sila lang pala.


**********************




//NEXT DAY//


Aalis na ulit si Jai... Bukod sa injured na ko, iiwan pa ko ng taong mahal ko.

Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon