Daveigh Jane aka Blue's POV
*THE DAY OF THE PARTY*
Nung sinabi ko kay Mother Earth na a-attend ako ng party, holy shit, sobrang saya niya. Agad ba naman na tinawagan yung makeup artist niya, dios mio por santo!
Sobrang daming tao ngayon sa bahay, akala mo naman maglalakad ako sa red carpet para bongga yung ayos ko.
Yung designer ni Mother Earth, 30 pieces na gown yung dala sa bahay. OMG isa lang kailangan ko Mamshi, hindi trenta!
Yung hair stylist naman ni Mommy, ang raming ginagawa sa buhok ko. Tamang suklay lang gaganda na yung buhok ko eh.
Tapos yung makeup artist naman ni Inay, dios mio por santo, dyosa ako ha, hindi clown. Napaka raming nilagay sa muka ko, baka tigyawatin ako bukas.
After 1000 years, kidding. 12 hours lang, grabe tagal nilang ayusan ako, kalahating araw.
Nakasuot ako ng backless na black dress na may hati pa sa hita, ano ba naman 'yang mga damit ngayon parang mga kinulang sa tela. Dalawa yung bag na dala ko, yung bag na dadalhin ko sa party is yung Chanel na binili sakin ni Mommy last time, yung isa naman iiwanan ko sa kotse ni Keane kasi jacket, slippers lang yung laman nun bwhahahahaha.
Nagtataka siguro kayo bakit nakasuot ako ng slippers ngayon imbis na high heels yung suot ko.
Kalma lang, okay? Sa party na ko maghi-high heels. Gusto niyo ba na pagkadating palang namin sa party nakailang tapilok na ko? Hahaha.
Keane: I'm on my way.
Blue: Okay, safe drive.
Tumingin ako sa salamin ko sa huling pagkakataon. Shit, bakit ba sobrang ganda ko?
"Ate Jane!" Nakasigaw na tinawag ni Jade yung pangalan ko.
"Pababa na!" Sigaw ko rin sa kanya. Potek, yung boses namin ni Jade parang pareho kaming nakalunok ng sampung speaker hahaha.
Pababa na ko ngayon nang hagdanan ngayon, hindi pa ko nakikita nila Jade, sabi kasi ni Mommy surprise daw ako hahaha.
Habang humababa ako nakita ko si Jai na parang na love at first sight sa aking beauty bwhahahahaha. Ako lang 'to, Jai, yung maganda mong boo-boo.
"Shit! Anong mahika ginamit sa'yo ni Mommy?" nakatulala na sabi ni Jade.
Baka Daveigh Jane 'to bwhahahahaha.
Biglang sinampal si Jai ng reyalidad na mag-pinsan kami hahaha.
"Er..... Jane, humarap kana ba sa salamin? Kapag pupunta ka nga sa mga ganyan, naka-pajama ka lang tapos ngayon, saan punta mo teh?" Parang tanga na sabi ni Jai hahaha.
"Bakit? Sobrang ganda ko ba?" Nag-sexy pose ako kaya bigla niya kong binato ng unan. Grabe naman si boo-boo.
"Para kang pokp*k." Pagkasabi ni Jai bigla siyang pinalo ng feather dusk ni Mommy.
"Hoy, Jayden. 'Wag mong sasabihan ang anak ko ng ganyan, dyosa ang tawag dyan hindi pokp*k." Reklamo ni Inay sa kanya hahaha, 'yan kasi pasaway ka.
Actually, hindi naman ako nasasaktan na masabihan ng pokp*k, you know hindi naman big deal 'yun, kasi alam ko na mas pokp*k sila kaysa sakin bleh hahaha.
Pero si Jai, hindi pokp*k 'yan, kasi..... Malandi tawag dyan bwhahahahaha.
Um, do you know? Jai is... Faithful. Yeah, he's so faithful but he's not. loyal and that is so damn okay.
"Syempre, bongga yung party kaya kailangan bongga din yung suot ko." Inangasan ko lang si Jai habang hinawi-hawi yung buhok ko. Ganda ka, girl? hahahahaha.
"Ma'am Jane, nandyan na po yung sundo niyo." biglang sabi nung maid samin kaya lumapit ako kay Blaire na busy kakanood ng coco melon hahaha.
"Blaire, aalis na si Mommy. Kiss na bilis." Hinawi ko yung buhok ko para makiss niya ko.
"Mwah. Bye, Mommy." Ugz ang cute talaga ni Blaire manang-mana sakin.
"Hey, Keane!" Masayang tinawag ni Mommy si Keane.
Yung Nanay ko, parang gusto pa ata hanggang sa party ihatid ako hahaha, kidding.
"Hello po, Tita Alissa. Please lend me your daughter tonight." Kumaway lang si Keane kay Mommy at Jade.
"Sige lang, basta ingatan mo si Jane ahh." Mom giggled.
Papalabas nako ng gate nang biglang may nag-message sakin.
Jayden: Susunduin kita mamaya, 'wag ka kung kani-kanino sumama.
Jayden! Hindi ko na pinansin yung message ni Jai at lumapit na ako kay Keane.
"Hey, you are beautiful today." Ganun na ba ko kaganda, Mr. CEO? Kaya hindi mo maalis yung tingin mo sakin.
"Lagi naman akong maganda." Singhal ko kaya pinagbuksan niya na lang ako ng pintuan.
Bago ako pumasok sa Tesla ni Keane tinignan ko muna si Jai na naka-porker face. Yung sinabi na mag-porker face ka pero yung porker mo sobrang cute hahaha.
"We're heading out, Tita Alissa, Jade." Kumaway si Keane kayla Mommy at Jade. Sumisigaw din pala yung CEO niyo, akala ko parang langgam lang yung boses niya eh hahaha.
Tinignan ko si Keane na pumasok ng kotse niya.
Nakasuot si Keane ng Beige na Tuxedo, Trouser at Blue na Tie. Noks naman ang gwapo naman ng boyfriend ko... Charot. Anong boyfriend? Hahaha.
"Let's go?" Tanong ni Keane kaya tumango na ko.
Nagmaneho lang siya ng sasakyan niya habang ako naman may kinukutingting lang sa sarili ko. Sinuot ko yung ankle trap na heels ko, potek pa'no ba 'to suotin?!
"Thank you, Jane, you agreed today to attend the party." Biglang sabi ni Keane kaya agad akong humarap sa kanya habang nakayuko.
"Okay lang, subukan mong mag-thank you ulit kakaltukan na kita." I giggled.
"Talaga?" Parang tanga na sabi ni Keane.
"Gusto mo bang i-try?" I giggled.
"No thanks, I'm driving." Keane giggled.
"..... Um, Keane, mamaya hindi mo na ko kailangan ihatid sa bahay ha." Sabi ko habang inaayos yung buhok ko. Sobrang haba ng hair ko ngayon grr.
"Who told you I would deliver you later?" Nagulat ako sa sinabi ni Keane kaya tinignan ko lang siya.
"Okay, I'm just kidding. But, okay up to you." Keane giggled.
Bumalik na ko sa pagaayos ng buhok ko. Jusko, Mr. CEO. You know, sa totoo lang, hindi ko alam kung saan kami pupunta hahaha. Alam ko na party pero hindi ko alam kung saang place hahaha.

BINABASA MO ANG
Amour | √
RomanceBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.