Daveigh Jane aka Blue's POV
Shit! Kanina pa ko nagugutom! Alas dose na ngayon ng tanghali, simula kanina hindi pa ko kumakain. Bwisit kasi si Aye, lukaluka talaga ang gaga.
I was about to eat rice and a dish when Keane suddenly called.
Bwisit ka Keane, akala ko ba anghel ka? Bakit hindi mo muna pinasubo 'tong unang kain ko?!
"Hello?" sinagot ko yung phone call kaya nagsalita na din agad si Keane.
"Ano nanaman?! Okay, on the way na ko!" I said vex at the phone call and immediately ended the call.
Jusko, ano nanaman kayang amats meron ang mundo?! Nangangamoy hindi maganda yung mangyayari ahh!
Sinabi lang ni Keane na pumunta ako sa building niya ngayon na mismo. Hindi ko alam kung bakit pero pumunta pa rin ako. Ang bait ko diba?
Nandito na ako ngayon, ang bilis ko diba? Sumabit kasi ako kay Superman eh.
Nagulat ako ang raming tao. Gosh! Anong meron? Mga reporter ata 'to. Anong meron? Tatakbo na bang presidente ng pilipinas si Keane?
Parang tanga kong naglalakad habang pinagtitinginan ako ng tao. Wala akong idea sa nangyayari gayz. Nakita ko sila Lola Clara at Keane na kausap yung mga reporter. They noticed me immediately so all of a sudden all the reporters turned to me. Gosh! Ano bang meron? Wala akong ginawang kremen ha. Inosente po akesh!
"Apo!" Lola Clara happily called my name so I was like a fool to approach her and kiss her.
"I want to introduce Daveigh Jane to all of you." masayang sabi ni Lola sa lahat ng tao.
Gosh? Anong Daveigh Jane?!
"This beautiful woman is my daughter-in-law. She is beautiful, am I right?" proud na sabi ni Lola sa public. OMG! Lola! What are you doing po?!
"Is it true that your grandson, the CEO of real estate, is getting married?!" agad na tanong ng isang reporter.
"I am happy to announce to the whole world that my grandson Keane is getting married to the woman in front of everyone." masayang sabi ni Lola Clara.
Shit! Malaking gulo 'to! Patay na ko! Pa'no na this?!
"Po?" parang tanga ko na sabi kay Lola. Ano po bang ginagawa niyo? Huhuhu.
"Masaya po ba kayo na ikakasal na yung apo niyo? Anong masasabi niyo tungkol dito?" sunod-sunod na tanong ng isang reporter.
"Masaya ako. Sobrang saya ko... Ang masasabi ko lang sa inyong dalawa na, 'wag niyong kakalimutan na bigyan ako ng apo sa tuhod." masayang sabi ni Lola samin kaya agad kaming nagtinginan ni Keane.
Pareho na tayong patay ngayon, Keane!
"Hindi po ba kayo nagulat? Walang pinapakilala sa publiko na girlfriend ang apo niyo? Hindi po ba kayo nagdadalawang isip na bakit biglang ganito? Alam niyo po ba na may long time girlfriend na si Sir Keane? Ano pong reaksyon niyo dito?" yung totoo? Ano ba talaga 'to? Q and A portion?
"Huh? Ahh. Huwag na natin isipin 'yan, ang mahalaga, ikakasal na silang dalawa. Maging masaya na lang tayo para sa dalawa kong apo." masayang sabi ni Lola sa lahat ng tao.
Umatras ako para tumabi kay Keane. Tinapat ko yung kamay ko sa bibig ko kaya agad na yumuko Keane.
Noks, mabilis ang utak nito ahh hahaha. Alam na may sasabihin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/255560036-288-k83940.jpg)
BINABASA MO ANG
Amour | √
RomantikBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.