Chapter 18

16 12 1
                                        

Kai's POV



Papasok na kami ni Bethany ngayon sa condo, hindi ko alam kung anong mangyayari sa anak, kapatid at pinsan ko. Hindi nila sinagot yung tawag ko kagabi.


Pagbukas ko ng pintuan agad kaming pumasok ni Bethany. By the way, Bethany is the most important woman in my life. In short, she is my wife hahaha.


Nagulat kaming dalawa ni Bethany nang makita namin si Jai at Jane na.....


Na kumakain ng pagkain ni Blaire. Sabay-sabay silang kumakain ng Celerac. Seriously, tama ba ko ng napiling guardian ng anak ko?


"What the fuck are you doing?" Bungad ko sa kanila. Halos mabitawan ko na yung hawak kong bag.


"Mama!" Sinalubong agad ni Blaire si wifey.


"Baby!" Masayang sabi ni Bethany at binuhat agad si Blaire. Pa'no naman si Papa?


"Kain ka, dude." Inaalok pa ko ng lintek ko na kapatid.


"Anong dude? Bakit kinakain niyo yung pagkain ni Blaire?" Reklamo ko sa kanya.


"Wala na kasi kaming pagkain, Kuya." Sagot ni Jane sakin.


Pumunta agad ako sa refrigerator para tignan kung wala na bang pagkain. Pag bukas ko ng ref, nakita ko na may Bacon, may Hotdog, may Tocino. Halos lahat ng paborito nila nandito.


"Anong wala? Halos pang zombie apocalypse na nga 'tong stock ng pagkain niyo eh." Naiinis kong sambit sa kanilang dalawa.


"Kuya, baka nakakalimutan mo na hindi kami marunong magluto." Parang tanga na sagot sakin ni Jane.


"Hindi ko talaga malaman bakit sa inyo ko pinabantayan si Blaire eh." Napakamot na lang ako ng ulo.


"Hahaha. Tama na nga 'yan, ako na magluluto para sa inyo. Nakakahiya naman sa Tito at Tita ni Blaire eh, baka magutom. Kami pa maging dahilan ng pagkakaospital niyo." Pagloloko ni Bethany at binigay sakin si Blaire tsaka nagpunta na siya sa kusina.


"Yehey! I love you, Ate Bethany!" Parang tanga na sabi ni Jane. Para siyang batang munti.







Daveigh Jane aka Blue's POV



Kanina pa ko iyak ng iyak sa sala. Tumawag sakin yung kinauutangan ko, magbayad na daw ako huhuhu.


"HUHUHUHUHUHUHU~" Iyak lang ako ng iyak, wala na kong tissue huhuhu.


"Daveigh Jane, anong problema mo? Halos tatlong oras ka ng umiiyak dyan, akala ko nagpapractice ka lang umiyak." Lumapit si Kuya Kai at Ate Bethany sakin.


"Paano ang isang Daveigh Jane iiyak ng iiyak. What's your problem, girl?" Tanong ni Ate Bethany sakin.


"Parang tanga, Jane. Sabihin mo bakit ka umiiyak?" Reklamo ni Kuya Kai sakin. Si Kuya Kai, akala mo laging galit pero sweet 'yan. Nag-double date nga kami nila Jade, Jai at Kuya Kai. Sobrang saya ko noon. Oh. Bakit biglang nalipat sa nakaraan yung iniiyak ko. Letche ka talaga, Author!


"I owe half a million!" Umiiyak ko na sabi sa kanila.


"Ano? Kalahating milyon?!" Sabay na sigaw nila Kuya at Ate sakin.


"Paano ka nagkautang ng ganun? Alam ko na gastadora ka pero hindi ka marunong mangutang, Jane." Sermon ni Kuya Kai sakin.


"'Yun na nga eh. Hindi ko alam na may utang ako." Umiiyak ko na sabi. Isang iglap, nagkaroon ako ng utang na kalahating milyon.


Hindi biro yung kalahating milyon, saan ako kukuha ng ganung pera?!


Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon