Daveigh Jane aka Blue's POV
Gosh! Birthday na birthday ko bakit ganito yung nangyayari sakin? Sinabi ko lang kay Keane na mauna na siyang kumain at agad akong tumakbo sa room namin.
Naupo ako sa kama at nilagay yung mga kamay ko sa ulo ko. Hindi ko point dito na baka malaman nila na fake lang yung relationship namin ni Keane eh. Ang point ko kaya ako nasstress kasi nalaman nga nila na fake boyfriend ko si Keane, paano naman kung yung real boyfriend ko naman yung malaman nila? Damn it. Hindi pwedeng mangyari 'yun.
Alam ng lahat mag-pinsan lang kami ni Jai, mag-pinsan at wala ng iba. Hindi na sikreto 'to, may nakakaalam na. Sino naman 'yun? Wala akong idea.
Who's that? Will he spread it all over the country? This is a big scandal. I'm not the only one who will be affected. Daddy's company, Keane's company, I don't want to get to the point where we all suffer.
Agad akong tumingin sa pintuan nang biglang pumasok si Dixie. Dixie, anong gagawin ko? Huhuhu.
"Blue!" nagaalalang tinawag ni Dixie yung pangalan ko kaya agad kong nilock yung pintuan at hinila ko siya sa loob ng bathroom.
"Dixie..." naiiyak ko na tinawag yung pangalan niya.
"Blue, sabihin mo ano yung nangyari. Paano nangyari 'yun? Paano?" nagaalala na tanong sakin ni Dixie.
"Hindi ko alam, Dixie. Hindi ko alam na may tao pala dun. Hindi namin alam." umiling-iling lang ako.
"Kumalma ka, Blue... Sabihin mo sakin yung buong details... Come on." Dixie's smirked.
Huminga ako ng malalim at kumalma. Sinabi ko bawat detalye kay Dixie...
************************
Pababa na kami ni Dixie, okay na ko, nakahinga na ko. Hang in there, Blue. Walang nakakaalam, kalma.
Nakita namin si Keane na kausap sila Josh. Nagpi-picture sila sa may swing. What the fuck, Josh? Sabihin mo lang na gusto mo si Keane, ipapaubaya ko na siya sa'yo hahaha.
"Oh! Blue!" tinawag ni Josh yung pangalan ko.
Naglakad lang kami ni Dixie papalapit sa kanya.
"Anong ginagawa niyo?" tanong ni Dixie kayla Josh.
"Saan kayo galing?" tanong naman ni Aye samin.
"Bakit kailangan mong malaman? Iniwan ka lang, nagaalala na kana agad samin." parang timang na sabi ni Dixie.
"Dixie!" inawat ni Blake si Dixie, poor Aye.
"Okay, sorry naaa~" Dixie's smirked.
"Kamusta na kaya si Hugo?" nagulat ako nang tanungin ni Aye samin 'yan. Putangina, anong kamusta? Hindi mo na kailangan magaalala sa gagong 'yun, pinatay ko na 'yun.
"Pinatay ko na." I annoyed.
"Hala siya!" napanganga na lang si Dixie. Kilala naman kasi nila ko, kilala nila ko na magaling mag revenge. One time kaya sinabi ng mga kaibigan ko na ang galing ko daw manira ng buhay hahaha.
"Hay nako! Halika nga dito, Blue. Magpicture na lang kayo ni Keane nang matuwa naman yung Lola mo sa'yo." utos sakin ni Josh at inayos na yung camera niya.

BINABASA MO ANG
Amour | √
RomanceBlue and Jai were cousins and they had a relationship that their family never imagined.