Chapter 72

3 5 0
                                        

Jade's POV



Anong karma ba kumapit kay Ate Jane? Kakagaling niya lang sa hospital nung nakaraan tapos nandito nanaman siya.


"Ate Jane? Ate Jane?" agad akong tumayo at lumapit ako sa hospital bed ni Ate nang magising na siya, nawalan kasi siya ng malay kanina.


"Kamusta si Keane, Jade?" bungad ni Ate Jane.


"Huh? Oo. Okay naman siya. Humihinga pa. Ikaw kamusta ka, Ate?" naalala kong sabi sa kanya.


"Nauuhaw ako." sagot ni Ate kaya agad akong kumuha ng tubig at agad ko siyang pinainom.


"Jade... 'Wag mo na sanang sabihin kay Jai na nandito ako ahh." biglang sabi ni Ate sakin habang nilalapag ko yung baso sa lamesa.


"Okay. Okay." tumango-tango lang ako.


"Yung guard kasi may pakana ng lahat eh! Kung hindi niya sinabi na bumalik ka dito edi sana wala ka dito ngayon diba?!" reklamo ko habang kinakamot yung ulo ko.






Haefer's POV




"Addison! Addison!" sigaw ko pagpasok ko sa bahay niya.


Tinuloy niya talaga yung balak niyang gawin kay Blue. Wala na talaga siya sa katinuan.


"Hey, what can I do for you, buddy?" naka-ngiting sabi ni Addison sakin.


"Hindi ako pumayag sa gusto mong mangyari, bakit tinuloy mo pa din?!" sigaw ko agad kay Addison.


"Kaya kong kunin si Jane nang hindi gumagamit ng dirty tricks, okay? Sumusobra kana!" sigaw ko ulit sa kanya.


"Calm down, buddy. Nangyari na ang nangyari." masayang sabi ni Addison sakin.


"What the fuck, Addison!" sigaw ko sa kanya. Galit ako. Sobrang galit.


"Anong gagawin mo kapag napatay ko siya? Ipapapatay mo rin ako ha?" kalmadong sabi sakin ni Addison.


"Hindi ko na hahayaan na saktan mo si Blue." seryoso kong sagot sa kanya.

"Pero hindi mo na ko mapipigilan, Haefer." naka-ngiting sagot ni Addison sakin.


Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon