Chapter 71

3 5 0
                                    

Daveigh Jane aka Blue's POV






//A FEW DAYS PAST//



Naka-recovered na ko sa injured ko. Halos ilang araw akong nakatunganga sa bahay. Sobrang bored na bored ako. Gusto ko na ulit mag-skateboard!!


Pwede na kong mag-catwalk guys, medyo oks na yung aking legs, you know.


Dahil okay na ko, lumabas ako para mamili ng kung ano-ano. Wala na kong pagkain sa condo. Hindi dumating si Dixie kahapon eh.


Bumili ako ng ganyan, bumili ako ng ganito, hindi ko alam kung ano yung pinagbibili ko basta trip ko yung mga binili ko. Bumili ako ng gulay kahit hindi naman ako marunong magluto, kahit nga maghiwa hindi eh. Imbis na gulay yung mahihiwa ko eh naging darili.


Hays miss ko na si Jayden. Naglalakad ako sa sidewalk ngayon, wala kasi akong pambayad sa taxi eh kaya lakad-lakad muna.


"TABI! TABI! GUMILID KAYO!" sigaw nung lalaki na nagbi-bike, hindi ko siya napansin agad kaya agad akong natumba sa sahig.


Punyetang gala naman! Ang sakit ng binti ko. Aray! NAGMAMANEHO KABA PAPUNTANG IMPIYERNO HA? BAKA KAHIT SA IMPIYERNO HINDI KA PA TANGGAPIN.


Biglang may lalaki sa harapan ko na naagaw yung attention ko.


Naka-all black siya, simula ulo hanggang paa, naka black. Black cap, black clothes, black shoes.


"Teka, parang namumukaan kita." parang tanga na sabi ko sa lalaki pero hindi siya sumagot.


"Nagkita na ba tayo dati?" tanong ko ulit sa kanya pero hindi nanaman niya ko sinagot.


Napahawak na lang ako sa bibig nang ma-realize ko kung saan ko siya nakita.


"Wtf! Ikaw yung wanted sa dyaryo!" napapraning kong sabi at agad siyang naglabas ng kutsilio.


Fuck! Anong gagawin ko?! Hindi ako makatayo?! Putangina. Hindi ko magalaw yung isang binti ko, sobrang sakit! Aray!


"'Wag po huhuhu." bulong ko sa hangin.


Nakatayo na ko at pinilit ko tumakbo. Iniwanan ko na yung mga bitbitin ko dun. Kung yung sarili ko nga hindi ko madala, yung mga pinamili ko pa kaya.


"Shit! Kalma lang Kuya." kinakabahan kong sabi sa prisoner habang pinipilit kong tumakbo.


Shit! Bakit mo ba ko sinusundan? Hindi naman ako magsasalita sa pulis eh!


"Blue, hurry up!" biglang dumating si Keane at huminto sa harapan ko yung sasakyan niya kaya agad akong sumakay sa shotgun.


Nang makalayo na kami sa prisoner, medyo nakahinga na ko ng maluwag.


Hays. Jusko lord salamat ng marami!


"Putangina, akala ko kanina mamamatay na ko." naiiyak kong sabi sa sarili ko habang nagmamaneho si Keane papuntang overseas.

"Diba sinabihan na kita na kapag maglalakad ka mag-isa, sumabay ka sa maraming tao." bungad ni Keane sakin.


"'Yun yung way ko eh, tska maraming tao dun kanina, hindi ko alam paano nawala. Bwisit kasi yung naka-bike eh. Sumakit nanaman tuloy yung binti ko." reklamo ko sa sarili ko, kay Keane, sa biker, sa prisoner, sa environment.


"Are you okay?" biglang tanong sakin kaya agad akong nakaharap sa kanya.


"Hindi ba obvious? Syempre hindi. Paano ako magiging okay, kung hindi ka dumating kanina, baka sa lamay mo na ko makikita." sagot ko nang biglang gumewang-gewang yung sasakyan ni Keane.


"Ano ba, Keane?! Ano ba 'yang ginagawa mo?! Papatayin mo na ba ko? Ayusin mo nga 'yang pagmamaneho mo!" sigaw ko kay Keane habang kapit na kapit ako sa pwedeng kapitan dito sa loob ng sasakyan niya.


"Damn! Hindi ko ma-kontrol yung sasakyan ko!" seryosong sabi ni Keane sakin kaya agad ko siyang tinignan ng seryoso.


"Keane! Hindi 'to oras para makipag-biruan, okay?!" napapraning kong sigaw sa kanya.


"I'm serious, Blue!" sigaw ni Keane sakin.


"HUMINTO KA!" sigaw ko kay Keane to the point na mawawalan na ko ng boses.


"The break is not working! The break is broken!" naka sigaw na sagot ni Keane sakin.


"Keaneee~" naiiyak kong tinawag yung pangalan niya nang makakita ako ng bangin.


"Keane, may bangin!" kinakabahan kong sabi kay Keane.


Kung nakaligtas ako kanina, pwes dito hindi na.


"Keane! Keane! Keane!" paos na ko kakasigaw kay Keane.


Lord, help us please! Ayoko pang mamatay ng maaga! Gusto ko pa pong makapag-skateboard.


Onti na lang bangin na...... Keane!!


Sobrang higpit kong hinawakan yung sarili ko. Pinikit ko yung mata ko, to the point na parang ayoko ng dumilat para naka-sakay ako sa space shuttle sa sobrang bilis ng takbo ng sasakyan.


Naramdaman ko na hinawakan ni Keane yung kamay ko kaya hinawakan ko rin ng mahigpit yung kamay ni Keane.


Dumilat ako sandali pero agad rin akong pumikit nang makita ko na parang ilang hakbang na lang bangin na.


Naramdaman ko na nag-drift si Keane at naramdaman kong huminto yung sasakyan.


"Blue, calm down, let's go." narinig kong sabi ni Keane pati yung pagbukas niya ng pintuan.


Dahan-dahan kong dinilat yung mata ko at agad ako napatingin sa gilid ko kung saan isang maling galaw ko lang ako at yung sasakyan ni Keane mahuhulog sa sobrang taas na bangin.


"Let's go." seryosong sabi ulit ni Keane sakin na nasa labas na. Huminga ako ng malalim at tumayo na para lumabas ng sasakyan ni Keane.


Thank you... Thank you for not letting go of my hand.


Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon