Chapter 62

7 6 3
                                    

Daveigh Jane aka Blue's POV





Umakyat na ko sa kwarto ni Jade. Ayaw niyang sagutin yung tawag ko kaya aakyatin ko na lang siya sa kwarto niya.



Kumatok ako nang tatlong beses pero ayaw niya kong pagbukas kaya nagsalita na ko.



"Jade. Jade si Jane 'to." sabi ko kaya aga niya kong pinagbuksan ng pintuan.



Pagbukas niya ng pintuan agad siyang bumalik sa kama niya at nagtalukbong ng kumot.



"Jade, ano bang nangyayari sa'yo? Sabi ni Ermat ayaw mo daw kumain." sabi ko agad sa kanya pagkasarado ko ng pintuan.



"Jade, kausapin mo ko. Umayos ka. Anong nangyayari sa'yo?" seryoso kong sabi at naupo ako sa kama niya.



"Nothing, Ate." sagot niya ng hindi tumingin sakin.



"Sabihin mo. Sasabihin mo o sasabihin mo? 'Wag ng matigas ang ulo." reklamo ko sa kanya at tumayo ako para alugin siya pero ayaw niya pa rin mag salita.



"Ahh ganon. Sige, tatawagan ko lang si Phoebe nang malaman ko anong amats meron ka ngayon." kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at hinanap yung contact ni Phoebe sakin.



(Hello, Ate Jane?) sabi ni Phoebe pagkasagot sa phone call.



"Alam mo ba nangyayari sa kaibigan mo? Ayaw lumabas ng kwarto niya eh." tanong ko sa best friend ni Jade.



(Nag break na po kasi sila ni Sage eh.)



"Sage? Diba break nanaman talaga sila?!"



(Nagbalikan po sila kaso nag break din.)



"Anak ng! Gwapo ba 'yang Sage na 'yan ha? Baka mas gwapo pa si Keane dyan. Anong nangyari? Sabihin mo, Phoebe."



(Niloko po ni Sage si Jade at pinagpalit sa iba't ibang babae.)



"Ang kapal naman ng muka niyang gawin 'yan. Oh tapos?"



(Sobrang broken po si Jade, pero dumating po si Lance kaya medyo naging okay na si Jade.)



"Sino naman si Lance?"



(Kaibigan po ni Jade na nakilala niya sa club niya.)



"Osige tuloy mo lang."



(Nagselos po si Sage kaya kinausap ni Sage si Jane na layuan si Lance at makipagbalikan sa kanya.)



"Tapos nakipagbalikan balikan naman 'tong kapatid ko? Tapos anong next na nangyari?"



(Nakipagbalikan nga po si Jade kaso after one week, iniwan ni Sage si Jane at pinagpalit niya sa isang model na muka naman kuko.)




"Ahh in short, walang ibang ginawa si Sage kundi lokohin si Jade? Send mo nga 'yang address ng Sage na 'yan sakin nang matikman niya yung higanti ng Ate ng niloko niya. Hindi niya pwedeng gawin sa kapatid ko 'to!"



Gago naman pala talagang Sage na 'yan eh. Pero parang alam ko na yung story na 'yan. Hmm......



"Hoy, Dianne Jade. Humarap ka sakin. Magusap tayo." pinatay ko na yung phone call at agad kong sinigawan si Jade.



"Sabihin mo sakin address ni Sage. Hindi niya pwedeng gawin 'to sa'yo. Alam mo naman babaero yung Sage na 'yan, bakit binalikan mo pa? Bakit ka naniwala sa mga sinabi niya? Grabe." napa-iling na lang ako sa bwisit.



"'Wag na, Ate." tanging sinagot ni Jade sakin.



"Anak ng! Pareho kayo ni Aye! Bakit ba nagaalala pa din kayo sa lalaking nagiwan sa inyo? Dapat sa mga ganun pinaparusahan ng panghabang-buhay na karma." reklamo ko.



"Jade, sa susunod naman mag-ingat ka. Marami yung ka-uri ni Sage at ni Hugo. Dapat yung hanapin mo yung may C at K sa pangalan. Paniguradong hindi ka sasaktan niyan, tignan mo sila Ariana at Gigie? May happy ending sila diba? Dapat sa'yo din, hindi yung nasa kay Sage lahat ng happy ending habang ikaw nagdurusa." sermon ko sa kanya.



"Alam mo ba yung cause of death ni Hugo? Murder, sa sobrang bwisit ko sa kanya, buhay pa siya dinala ko na agad sa funenaria. Kaya ikaw maghanda kana ng itim na damit, sasamahan pa kita sa burol niya." nakakapagsalita nako ng masama sa sobrang inis ko. Kapatid ko, Sage 'to ha, humanda ka sa kaya kong gawin sa'yo.



"Bakit talaga na lang ng may go sa pangalan, gago? Hay nako. Alam mo ba Jade, gusto kitang batukan. Para naman matauhan ka, nang hindi kana maging tanga." sermon ko ulit sa kanya.



"Kahit gusto kitang sampalin para magising ka sa katotohanan, hindi ko magawa. Kapatid kita eh, ayokong may nananakit sa'yo, kahit siraulo akong Ate ayokong nakikita kang nasasaktan. Gago ako, kaya kong gaguhin lahat ng nanggagago sa'yo, tandaan mo 'yan. Sana maging leksyon na 'to para sa'yo. Hindi ko sinasabi sa'yo na 'wag kang mag boyfriend." sermon lang ako ng sermon sa kanya.



"Yung point ko sana maging mapili ka, okay na maging choosy kaysa naman sa lagi kang naloloko. Mahal kita, Jade. Sana sa susunod, sabihin mo ko, hindi yung lagi na lang akong tatawag kay Phoebe para lang tanungin siya kung anong nangyayari sa'yo." iiyak na ba ko?



"Beh, matanda kana. Hindi kana baby. Dati yung pinoproblema mo lang kung paano ka tatakas kay Mommy para makipaglaro sa kapitbahay tapos ngayon love life na. Grabe naman, ang bilis ng panahon." ba't parang gusto kong umiyak? Hahaha.



"I love you, Ate." naluluha na sabi ni Jade at agad akong niyakap.



Amour | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon