MBT 46

164 14 4
                                    

" Ang sabi niya'y kapatid daw siya ni Anesa, kaibigan niyo raw po. Ench ba iyon? " Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam, biglang lumuwag ang pakiramdam ko ng makasigurado ako. I feel weird and all.




" May sinabi po ba siya kung saan siya nag-sstay? " Tinapos ko ang huling subo ko.




Tulad ng sinabi ni Nanny Melba, pumunta ako sa isang pinapaupahang bahay kung nasaan nakatira ngayon si ate Anesa. Nag-alinlangan pa akong kumatok nang maalala ang lahat ng mga nalaman ko sa aking pagkatao. Pakiramdam ko'y lahat ng tao sa paligid ko'y may itinatago sa akin, at natatakot akong may malaman pa ulit akong katrayduran. Napasinghap ako ng maaninaw ko ang mukha ni Ench mula sa bumukas na pintuan.





" Julia! " Laking gulat niya ng makita ako. Pumasok ako sa malawak na bahay at hindi napigilang mamangha sa magarang disenyo nito. Saglit kong iginala ang aking paningin bago bumalik sa kanya.




" Oh, mabuti naman at umuwi ka na.. Naglayas ka? Saan ka ba nagpunta? " Iminuwestra niya sa akin ang upuan.





" Ganto kalaking bahay kayo lang ang nakatira? Sure ka bang nagworking student ka nung college? " Napatanong ako. Tinignan ko siya ng deretso sa mata.




" H'wag mo nga akong daanin sa ganyan, bakit ba hindi ka sumipot sa party mo? Kinawawa mo 'yong partner mo, nagwalk-out tuloy. " Humugot ako ng malalim na hininga saka yumuko. Naglaro sa utak ko ang bigong mukha ni Enrique. Napapikit ako. Kailangan ko pang humingi ng tawad sa kanya, ilang beses ko na siyang pinapaasa.




" Ench.. patay na ang tunay kong Ina. " Pinaglaruan ko ang daliri ko at hinayaan ang tumulong luha sa aking pisngi.




" Ano?! " Nabigla ako sa lakas ng boses niya. Lumipat siya sa pinakamalapit na upuan sa akin kaya umayos ako ng upo.




" H-hindi si Carla Estrada ang tunay kong Ina.. patay na siya. Sinabi lang iyon ni-"



" Paano mo nalaman? " May bahid ng pag-aalala ang kanyang boses. Tumikhim ako bago nagsalita.



" Narinig ko silang nag-uusap ni Daddy.. at siya mismo ang nagsabi sakin. Hindi ako makapaniwala.. ang akala ko pa naman malapit na ako sa happy ending. Ench, patay na ang tunay kong Ina. Wala na akong Ina.. " Humagulhol ako sa aking palad. Ilang taon akong nagtanim ng sama ng loob, wala akong ka-alam alam na hindi ko pala dapat siya sisihin. Napakasakit. Hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako pagkatapos ng mga nalaman ko.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon