MBT 48

157 15 2
                                    


Nagtapos ang aming munting hapunan sa pamamaalam namin sa isa't isa. Nagawa pa kaming i-congratulate ni Kath kaya mas lalong tumaas ang presyon ko. Nakakainsulto ang dating sakin. Sa kabila nun, sinubukan ko pa rin makisama, binati ko ang dalawa sa kanilang ikalawang anniversary sa susunod na tatlong araw. Wala akong maramdaman sa mga oras na iyon kundi unos at pighati, dalawang taon na pala simula ng naging sila, samantalang ako, isinuko ko ang lahat, ilang tao na ang nadamay, sinaktan, at pinaasa ko para lang sa hindi mamatay-matay na pagmamahal ko sa kanya pero wala akong kaalam-alam na matagal na pala siyang sumuko at bumigay. Kung sabagay, ako ang may kasalanan ng lahat, ano pa nga bang aasahan ko, hindi lahat ng tao nagpapakamartyr. 



Tumunog ang iPhone ko sa may kama kaya bumalik ako doon, nasa terrace ako para magpahangin.


" Ench, hello. " Tamad ko iyong inangat.


" Gud morning sa pinakamagandang, kauna-unahang babaeng minahal ko. Kumusta ang tulog mo? Nakatulog ka ba ng mahimbing?  " Masaya niyang bungad. Napasinghap ako habang nakatunghay sa mga liham sa ibabaw ng mesa.


" Oo naman. Salamat sa morning call mo. " Ginawa kong masigla ang boses ko. 


" Mara, you're my girlfriend now, of course I will always check on you kaya masanay ka na, I will be the best boyfriend you would ever have. Gagawin ko ang lahat. " Bumaba ang tingin ko sa may frame kung saan kaming dalawa ang magkasama doon. No, don't do this, Ench. I'm sorry but this is all wrong. This is only a part of a game. 


" Sorry, Ench, pero.. " Humugot ako ng malalim na hininga. " ..hindi ko pa rin kayang tanggapin at kalimutan na lang ang mga ginawa mo. " Umupo ako sa gilid ng kama ko. I know this can't be easy.


" Alam ko 'yon, pero alam mo naman gagawin ko ang lahat, hindi ba? Ginagawa ko ang lahat, Mara. Just please, don't give me up. Papatunayan ko sayo.." Nagmamakaawa ang kanyang boses. Naisip ko kung paano siya humingi ng isa pang pagkakataon sa mall kahapon.


" Mangyayari 'yon pero hindi pa lang ngayon, Ench. I need you right now just how you desperately need my pardon. Sinabi ko na 'yon sayo kahapon, you'll act as my boyfriend and we'll see if we still could bring back the old days. " Seryoso ko iyong binanggit sa kabila ng takot sa maaring kalalabasan ng lahat. 


Matapos ang isang oras, isang bundok na ng damit ang nakakalat sa aking kama. Bukas na ang nakatakdang araw upang makilala at makatagpo kong muli ang naging matalik kong kaibigan noon at ngayon, si Denden. Siya na mismo ang nagpa-arrange ng dinner sa kung saang restaurant kaya hindi ko maiwasang hindi ma-excite. After 18 years, this will gonna happen.


" Hello, Crown, pwede mo ba akong samahan lumabas? " Nakalimutan kong bilhin iyong sandals na ipinunta ko kahapon.


" Ha? Pero, paalis na ako ngayon papunta sa Cavite. Nandito ako sa terminal ng bus. " Tumagal ang pag-andar ng utak ko nang binanggit niya ang bayang iyon. Ewan ko, pero napakaraming ala-ala ang naiwan ko doon. Bahagya akong natulala.


" Mara, sorry, nandyan ka pa ba? "


Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon