Dinampot ko ang pouch ko sa ibabaw ng lamesa at napakapit ng mahigpit dito. Tuwang-tuwa ako at halos dasalan ko ito ng sampung beses habang nakapikit. Umikot ako at umambang umalis na nang lumabas si Daniel mula sa cr. Topless. Mula sa magulo at basa niyang buhok ay bumaba ang tingin ko sa mga dumadaloy na patak ng tubig sa kanyang katawan. Napaawang ang bibig ko. Shit!
" Anong ginagawa mo dito? " His husky voice invades the whole room. I did nothing but stare and hold the pouch back of me. Shit, why am I supposed to be in this situation? Him, wearing only those towels making crazy any moment now. I hate it!
" Mara? " Ulit niya sa mas klarong tono. Napatalon ako sa gulat doon.
" H-huh? ..Sorry. I think I lost something here and I have to get it back. Don't worry I already have it with me. " Dahilan ko bago nagmadaling lumabas ng pinto.
Pumasok ako sa kabilang kwarto at doon lamang humupa ang lamig na nararamdaman ko. Hay nako, sa buong talambuhay ko hindi ko aakalaing matutulala ako habang ganon ang postura niya. Ganunpaman, mabuti na lang at hindi niya pa ito pinapakialaman. Inangat ko ang pouch at excited itong binuksan. Make-up kit. Panyo. Band-aid. Pony tail. Lahat iyon ay nahulog sa kama at tanging jewelry box lang ang kinuha ko. I'm sure it's gonna be in here. Hinalungkat ko ito at itinaktak para lang makitang wala dito ang kwintas. Bahagya akong nanlumo at nahulog sa aking paanan.
Hindi ako tumigil, patuloy akong naghanap sa buong kwarto ko at pati na rin sa kusina kung nasaan ako kaninang umaga.
" Wala naman akong nakikitang kwintas dito, hija. Ano bang klaseng kwintas iyon? " Sa pagkakasabi ni Nanny Melba doon ay nalipat ang tingin ko sa pinakamaliit na litrato sa table sa may sala. Natulala ako. Tumama na parang kidlat ang kanyang mga sinabi noong unang dating ko dito sa bahay. Aniya'y akin raw ang kwintas na iyon, ako ang tunay na may-ari dahil kay mommy iyon ngunit kinuha ni Carla para sa kanyang anak. Sa isang saglit ay muling namuo ang poot at paghihiganti sa aking damdamin.
" Oh. Mara, anak, okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak? ..Mahalaga ba 'yon sayo? " Pinunasan ko ang luha ko at humingi ng yakap sa kanya. Mahigpit at puno ng kalungkutan. Nagpasalamat ako ng hindi na siya nag-usisa pa ng kung anong dahilan.
" Kung may kailangan ka, hija, sabihin mo lang, huh. " Tumango ako sa kanya bago muling bumalik sa kwarto.
Magdamag, buong magdamag akong hindi nakatulog dahil sa pag-iisip kung nasaan ko naiwala ang kwintas. Napakahalaga niyon sa akin, hindi dahil kay Daniel iyon galing kundi.. dahil sa tunay kong ina. Iyon na lang ang natitira sakin, hindi ko matanggap na pati iyon ay mawawala. Pagdating ng umaga'y halos hindi ko na maimulat ng maayos ang mata ko dahil sa sobrang hapdi nito.
" Demara, come over here. " Sa aking pagbaba ay bumungad sa akin ang masayang pamilyang nag-uumagahan sa malawak na hapag-kainan. Umupo ako sa bakanteng upuan malayo sa kanila at nagsimula ng kumain. Ininda ko ang sakit na sumilid sa aking pakiramdam.
" Mara, are you alright? " Nag-angat ako ng tingin kay daddy at tamad na sumubo ng pagkain. Tumango ako.
" Is something bothering you? " Hindi siya tumigil sa pagtatanong sa akin. Tumigil ako sa pagkain at hinarap silang lahat. Anyways, they're all looking at me so why not tell them.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...