Dumating ang umaga at nagising ako sa sobrang hapdi at pamimilipit ng aking tiyan. Ilang sandali ko pa itong ininda habang nakapikit nang maramdaman ko na ang sabik nitong paglabas mula sa pestisadong kong tyan. Dali-dali kong tinahak ang cr at doon nagbawas ng sama ng loob.
" Bwiset, ganito kaaga? " Reklamo ko at sumandal sa aking likuran. Mabuti na lang at malinis ang banyong ito, biruin mo buong buhay ko ngayon ko pa lang maiitapat ang mukha ko sa inidoro. Tumingala ako sa pandidiri.
Ilang segundo ang lumipas at halos gumapang ako pabalik ng kama sa sobrang panlalambot. Umayos ako ng upo sa ibaba nito at napangiwi sa sariling amoy. Hindi pa rin pala ako nagpapalit. Napatingin ako sa aking damitan at nanlaki ang mata ng wala iyon doon. Bahagya akong nagtaka at napabaling sa paligid ko. Natulala ako. Tumama na parang isang sikat ng araw ang huli kong alaala kagabi at hindi agad ako nakabawi ng hininga.
" The fuck did I just do? " Lumabas ako ng pinto at sandaling sumandal sa dingding. Sabog pa ang mukha ko at hindi makapaniwala sa nagawa kong pagkakamali. Dinala ko sa kabilang pinto ang aking dalang gamit kagabi at lumabas ulit habang sinasampal ang sarili. Bumaba ako sa kusina upang kumuha ng tubig.
" You did better, Mara.. " Singhap ko matapos kong ibaba ang baso sa table. I'm not feeling guilty at all. I know I just did the right thing, this is my house so why would I? Bumalik ako sa sala, napapaisip kung nasaan na siya napunta. Ugh. I hate this!
Shit! Napamura ako sa aking utak nang masilayan ko sa paglabas ko ang tulog na prinsipe mula sa malaking sofa ng sala. Hindi ako nakagalaw. Noong una'y nais ko na sana siyang batuhin ng unan sa hindi pagpigil sa akin sa kanyang kwarto ngunit nanatili lamang ako doon na parang uhaw sa kung ano. Muli ko siyang sinuri, pagkatapos ng ilang taon ay ito pa lang yata ang pinakamatagal kong pagtitig sa kanya. Nakakainggit kasi ang dami ng nagbago at nangyari sa buhay niya kumpara sakin na puro pamatay na problema ang nakukuha.
" Mara, are you alright? Do you need something? " Nakabalik lang ako sa katinuan nang magising siya at napaupo sa gulat sa akin. Itinikom ko ang bibig ko at umiling. Gusto kong tumawa sa reaksyon niya ngunit may kung ano sakin ang pumipigil. Tumalikod ako sa kanya. Saka ko lang napagtanto kung gaano kahirap na makasama siya sa iisang bahay.
" Good Morning. Wait. Daniel, anak, dito ka natulog sa sala? " Nakakunot-noong nilapitan ni Carla ang kanyang munting anak.
" I'm fine, ma. Masakit ang tiyan ko kagabi kaya.." Palusot ni Daniel. Mabuti na lang kasi baka sipain ko siya palabas ng bahay ko.
" Oh, okay. Um.. Mara, can we talk? " Paakyat na ako sa hagdan nang nilingon ako ni Carla. Tumikhim ako at nagpanggap na hindi siya narinig. I can't even bear her calling my name. She's giving me goosebumps at this early hour.
" Demara! " Napahinto ako at pumikit ng mariin. Ano bang problema nang babaeng 'yan?
" What? " Mahina ngunit puno ng pait ang aking salita. Muli siyang humakbang para magkalapit kami at kausapin ako.
" What is it this time? ..nagrerebelde ka kaya palagi ka na lang late umuuwi? " Panimula niya. Tumikhim ako at umirap sa harap niya, which is I don't care. Umiling siya at mas lalong naging seryoso ang kanyang mukha. Humalukipkip ako.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...