MBT 20

213 17 2
                                    

" Oh, Mama! Wa'g ka ng umiyak dyan, okay lang naman ako dito saka dapat ikaw itong hindi nagpapabaya. Hayaan mo ng wala kayong handa ngayong pasko basta sundin niyo 'yong bilin ng doktor. Lagi mong inumin 'yong gamot mo para maayos kang makaakyat ng stage sa March, " Sabi ko at inalala ang tatlong buwan na lang na ilalagi ko at matatapos na ako sa hayskul.

" Aba, oonga pala, malapit na ang graduation mo bunso. Pipilitin kong makapaglakad agad para ako ang kukuha ng diploma mo. Sa wakas, mayroon na akong anak na gragraduate. " Bahagya siyang tumawa ngunit huminto agad marahil dahil sa pagsakit ng puso niya.

" Ate, ikaw na ba 'yan? " Tanong ko sa kabilang linya matapos kong magpaalam kay Mama.

" Hello, Julia! Merry christmas! Ka-kamusta ka na dyan? Pahingi naman akong handa, balita ko marami daw handa 'yong kaibigan mo dyan? Totoo ba? " Napangiti ako sa malakas na boses ni ate at hinayaan si Crown na makinig sa kabila ng kahihiyang inaabot ko.

" Uh, oo ate, ikaw talaga. Marami nga, kaya lalo akong nahihiya. Nasa Maynila ako ngayon sa bahay nila.. " Pag-amin ko at nagbaba ng tingin kay Crown.

" Asus. Kung maka-hiya ka dyan! " Singit ni Crown ngunit hindi niya iyon pinarinig sa tawag. Pabiro kong tinakpan ang bibig niya habang nakahiga siya sa gilid ko. Nasa kwarto niya kami.

" Hm.. ate, sigurado bang okay na sa bahay lang maconfine si Mama? Kasi baka mamaya niyan hindi siya matignan ng maayos ng mga doktor. " Mahina kong imik, takot na baka marinig iyon ni Mama. Hindi man nila sabihin nararamdaman kong pera ang talagang dahilan kung bakit nagpapapigil si Mama na magstay sa ospital. Noong huling pagpapa-ospital niya, nalaman kong hindi pa rin pala payag ang doktor noon na iuwi siya ngunit nagpumilit si Mama kaya sa bahay niya na lang ipinagpatuloy ang dextrose.

Nalungkot ako dahil alam kong tinitiis lang iyon ni Mama kahit ang totoo ay hindi rin siya komportable sa bahay. Mabuti na lang at sa bahay ni ate Lizette siya tumuloy kaysa sa bahay ni Papa.

Nakatulog ako sa kakaisip ng mga problemang kinakaharap namin ngayon at pati na rin sa mga sarili kong issues na hindi ko matugunan.

" Woooo! Julia, gising na! It's christmas day! "

Nang sumunod na araw, maaga akong hinampas ng lintek kong kaibigan ng unan dahilan upang mapa-poker face ako pagkagising ko. Naupo siya sa tabi ko at nagday dream habang natatakam sa kung ano sa taas ng ulo niya.

" Huh? "

" Anong huh? Tumayo ka na dyan bilis! Lets rock and rollin! Ang daming foods sa baba, yes, tataba na naman ako.. " Naging sarkastiko ang huli niyang linya. Tumikhim ako at ngumiti na rin habang halinhinang tumataas ang dalawa kong kilay. Foods. Oh how I've been longing for delish foods!

Excited kaming bumaba at kinindatan niya ako bilang hudyat

" Merry Christmas, girls. Come over here. " Dinaluhan kami ng nakangiting si tita Imelda at bineso isa isa. Sinuklian ko siya ng matamis na ngiti bago naupo sa malaki nilang table.

" Oh, kumain na kayo! Hwag ng mahiya, Julia. " Aniya. Halos umapaw na ang kanilang malaking dining table sa dami ng espesyal na pagkain inihanda nila.

" Hindi 'yan marunong mahiya, Mommy. Mamaya, makikita mo na lang ubos na 'yan! " Humalakhak si Crown sabay subo ng isang slice ng cake.

" Hoy, grabe. Hindi kaya ganon katakaw! " Utas ko.

Katulad ng inaasahan, hindi kami nag-atubiling lantakan ang bawat putaheng nasa ibabaw ng lamesa.

Hinalukay ko ang cellphone ko sa mga magazines na nakakalat sa carpet sa kanilang sala, umaasang mayroon ng reply galing sa kanya.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon