Hindi ako makapaniwala. Tumakbo ako palabas ng mansyon ng hindi alam kung ano ang magiging reaksyon. Sumunod sa paghabol sa akin si Papa matapos niyang mapansin ang kaguluhan sa sala ngunti huli na ang lahat dahil ipinaharurot ko na palabas ang aking sasakyan.
Tulala ako habang umaagos ang walang katapusang luha galing sa aking mga mata. Bumaba ako sa isang coffee shop at doon nagbuhos ng sama ng loob. Mabuti na lang at kakaunti ang mga taong dumadayo dito, siguro ay dahil sa mamahalin nitong pwesto. Sa totoo lang ay kanina pa ako binabalikan ng dalawang magkaibang waiters ngunit binabalewala ko lang sila. I just wanna be alone, get rid of everybody for the rest of my life. If I only have any choice, I rather go back to the scratch where I've been through.
" Ma'am, okay lang po ba kayo? " Hindi ko kayang magbigay ng anumang reaksyon sa ngayon, kahit yata ang paghinga ay gusto ko ng pag-isipan ng mabuti. Kaya nainsulto ako ng itanong iyon nung mismong manager ng coffee shop sa akin.
" Yes. " Matalim kong tinignan ang lalaking nasa edad thirty pataas kaya hindi na siya gumawa pa ng anumang ikagagalit ko. Tumango lang siya at umalis.
Kumurap-kurap ako at pinunasan ang natuyong luha sa ilalim ng aking mata. Giniginaw ako dulot ng aircon mula sa aking likuran ngunit hindi ko manlang magawang gumalaw. Umilaw ang cellphone sa aking harapan at bumungad ang text sa akin ni Ench. Tinext ko siya bago pa man ako bumaba ng taxi. I think I got what he supposed to tell me. And it's not a good a thing so I shouldn't be glad that I've known.
" Mara, sorry pero may sakit si Julia, ako lang ang kaibigan niya alam mo yon. I can't leave her behind. " It takes a second before I knew that she was referring to Julia Baretto and not me. Napuno ng tampo at panghihinayang ang puso ko. I never thought this could happen, or maybe he was just playing around, he usually don't pick others over me. There was once a time and before I could recover it was because of her also. So, he is at it again.
Marahas kong ibinagsak ang phone ko sa table nang makita ang picture niyang lumabas dahil sa hindi inaasahang pagtawag niya. Tinitigan ko lang ito at nag-angat ng ulo. I'm not going to hear him sorry. He is only helping me to grow my anger. And that's bullshit.
Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay namatay ito. Sana'y nalowbat na lang ito ng kanya. Biglang nabasag ang mukha ko nang muli itong tumunog at ngayon ay umuugong na rin. Sa galit ko ay dinampot ko ito at nagtangkang ibato nang mapansin ang pagkakaiba ng larawan mula sa kanina. Bahagya akong naliwanagan nang makita kung sino ang tumatawag. Huminga ako ng malalim at para baga akong ginanahan mabuhay ulit. Quen!
" H-hello? " Napatayo ako.
" Mara? Totoo bang nagpunta ka dito kanina? One of the guards outside was claiming you about coming here." Tumikhim ako at napayuko ng maalala kung paano ako napadpad sa Skyforest matapos akong mabigong makita si Enrique. Magsisi man ako sa pagpunta doon ay huli na ang lahat.
" Sorry." Wala sa sarili kong banggit. Bahagyang nagkaroon ng katahimikan mula sa kabilang linya.
" May sakit ka ba? " Tanong niya sa isang malamig na tono. Umupo ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/7530753-288-k85249.jpg)
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...