MBT 13

259 17 3
                                    

Nag-iwas na lang ako ng tingin at naglakad palayo sa kay Kathryn. Wala ako sa mood gumawa ng eksena ngayon at makipagpalitan ng salita dyan sa palaka na 'yan.

" Julia, baka may load ka? ..patext? " Tawag ni Jaymie sa akin habang pababa ako ng hagdan.

" Hm.. pang tawag lang, " Utas ko at kinapa ang cellphone sa aking bulsa.

" Teka lang, kukunin ko sa bag. " Umakyat ako pabalik sa taas.

Nang mapagtanto kong wala doon ang cellphone ko nagsimula akong kabahan at mataranta.

" Nawawala 'yong phone ko.. " Pahiwatig ko at bumalik sa paghahanap. Letche.

" Saan mo ba huling nilagay? "

" Huh? ..uh "

Tumayo ako ng tuwid at bahagyang napaisip. What the eff.

Hindi saan, kanino.

" Alam ko na.. "

Nagmadali akong maglakad palabas ng classroom nang maalala ko kung kanino ko iyon huling iniabot. Grr. Bakit hindi niya ibinigay kaagad?

" Ms. Montes.. Julia? " Mayroong tumatawag sa akin galing sa likuran ngunit ipinagsawalang-bahala ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad.

Bwiset na Daniel. Hindi ba siya nag-iisip? Bakit hindi niya kaagad inihabol? Paano kung.. paano kung may mabasa siya doon? Anak ng malansang isda, oo.

" Julia, tinatawag ka ni Mr. Fortuno.. Wa-wala ka bang naririnig? " What a freaking stupid is happening? Shit lang.

" Sorry, Mam. " Iyon lang ang tangi kong naimik at binalingan ang nakakapanindig-balahibong mga tingin ni Mr. Fortuno-isang bisexual na titser ng Theatre Arts.

Why do I have to face this reality with this little monster-like human being?

" You know Ms. Julia Montes, you don't have to pretend like you didn't hear me.. " Hindi ko kayang tumingin sa kanya lalo na at alam kong totoo iyon. Kung alam mo lang kung gaano ako kakabado ngayon dahil sa pesteng cellphone ko.

Walang salitang lumabas sa akin.

" Well, like you actually know.. being a theatre art performer is not an easy business, and now I need some ideal guys who's pretty good in acting and I dont think so you'll get this but since my co-teachers were requesting for you to be one of my actors I guess I have to try. " Ang dami niyang sinabi tapos ang sasabihin lang niya, susubukan niyang tanggapin ang katotohanan na ako ang magiging actor niya? Pambihira. Huwag na lang.

" Bahala po kayo, Sir. Pupunta na lang po ako kung kailangan niyo na ako. Sige po, " Pamamaalam ko.

Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. Langhiya, lalo yata akong mawawala sa mood ko nito. Wala na. Naiirita na talaga ako, hindi ko na mapigilan.

" No no no.. actually, we're starting now and don't you worry because I already set this up, you are excuse, Julia. " Aniya at iginaya ako papunta sa loob ng faculty. Ano? Ito na 'yon? Omg. No, not now.

Oh please.

" Pero, Sir.. " Nagsimula ng mamuo paunti-unti ang mga butil ng pawis sa aking noo at nito'y natagpuan ko ang sarili kong nanlulumo sa kung anong kalokolahang naiisip ko. No Daniel, don't try read it.

Napakurap si Mr. Fortuno.

" What? Ayaw mo? ..wow, that's a nasty behavior, incredibly nasty. " Sabad niya. Napatingin ako sa kanya at agad umiling.

" Of course, I do. I would love performing, specially in front of people. " I tell him. I even do love extra co-curricular activities for my grade's sake.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon