" You are bringing your parents, Julia. I have to be fair with Ms Bernardo. Bring your parents or no graduation. " Buong linggo iyong pasikot-sikot sa bawat kweba ng utak ko at hindi ko maiwasang mag-alala sa sinabi ni Mam Apen. Hindi ganoon kadali ang lahat, malayo sa akin ang mga magulang ko.
Dalawang linggo akong namalagi sa Library sa pagpupursiging makabuo ng pera. Alam kong hindi nito makokompleto ang kulang na anim na libong kailangan ko ngunit gusto kong umaasa para mangyari ito. Laking pasasalamat ko ng mayroon akong matanggap na apat na libong piso mula sa Gawad Scholarship na proyekto ng Munisipyo kaya saktong anim na libo na lang ang kulang ko. Kaya ko ito, makakatapos ako ng pag-aaral ng walang hinihinging tulong mula sa kahit kanino.
Posibleng makuha ko na ngayong linggo ang sweldo ko sa Library kaya magiging okay na rin ang lahat.
" Julia, ang tataas ng results ng exam mo! Congrats! " Napapatili si Kate habang dinadaluhan ako, dala niya ang mga test papers kong natsekan noon pang March 07.
" Sure, first ka na. Ang galing mo! Natalo mo si Kathryn! " Ani Jaymie habang binubuklat isa-isa ang mga test papers kong may dalawa o tatlo lang ang mali.
Natuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Totoo? Kung sabagay, halos wala nga akong tulog noong last quarter exam. Kaya paniguradong makukuha ko ito.
" A-ano bang mga nakuha niyang score? " Ginawa kong magaan ang mga tanong ko upang hindi mahalata ang lubos kong pagkatuwa.
" Medyo mababa pero mataas pa rin kumpara sa amin. Sa Math 58 over 70 siya tapos kami 40+ lang. " Ngumuso si Kate habang nagpapaliwanag. Patago kong sinulyapan ang akin sa math at nagulat ng makitang 55 lang ang nakamarka. Mabilis ko itong inilagay sa ibabaw at binuklat.
" 55 plus 12, Julia. Napressure ka agad? " Gumaan ang pakiramdam ko. Oonga, hindi ko nakita ang plus 12 sa labas ng score ko. 67 ang kabuuan nito. Bumuntong hininga ako at inayos ang mga nalaglag kong test papers dahil sa pagkataranta.
" Imagine, naperfect mo ang english? What the eff, Julia! Nimemorize mo talaga 'yong cover-to-cover policy? " Huh?
Unti-unti akong tumango bago naunawaan ang tinutukoy niya. Tama siya. Sa tuwing magtatapos ang isang taon, sa fourth grading, nakasanayan na ng paaralan na gawin cover-to-cover ang exam. Kaya napakasarap sa damdamin na malamang naperfect ko ang isang ito.
" Pakiramdam niya ang taas-taas na niya, not knowing na ilang buwan nagpractice si Kath para sa play kaya syempre wala siyang natutunan tapos.. " Napasulyap ako sa dako ng mga kaibigan ni Kath ngunit walang nasabi. Sabay sabay nila akong inirapan na parang iisa ang takbo ng kanilang utak. Kath's not with them.
" Yeah.. tapos aagawin niya rin pala ang role ni Kathryn? So famished, poor girl! " Patuloy ni Ara—ang pinakamalapit na utusan ngayon ni Kath. Napansin kong buwan-buwan ay mayroong natitipuhan si Kathryn upang maging 'mutchacha of the month' niya.
" Hayaan mo na nga sila.. mga makikitid ang utak ng mga 'yan! Tseh, akala mo kay gaganda! " Iritadong imik ni Jaymie matapos ko silang alisan ng tingin. Pakiramdam ko ay mahuhulog na ako sa aking kinauupuan dahil sa hiya. Gusto ko na lang magtago.
" Tama. Narrow-minded sila! " Parang batang nagmamaktol ang boses ni Kate habang ipinaririnig iyon sa kanila. Yumuko ako.
Dalawang linggo ang nakalipas, kumalat na tila isang virus ang lahat ng issues sa gitna namin ni Kathryn at iyon ang nanatili sa bibig at tumatak sa utak ng mga estyudanteng walang alam kung hindi mangalap ng mga natatanging eskandalo. Sa isang idlap ay nadagdagan ang pangalan ko ng 'hampaslupa na, haliparot pa'. Isang linggo akong nawala sa katinuan at halos walang tulog sa pag-iyak.
" Guys, bukas na raw malalaman ang ranking. " Pahayag ni Alicia ng tumuntong siya sa maliit na stage sa unahan. Kita ko ang mata niyang hindi dumadapo sa aming direksyon. Umiiwas siya.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...