a/n:
Hello, guys, hue hueXD Aminado po akong medyo gumugulo na ang plot ng story pero promise po maayos to ulit. Medyo maumay talagang magbasa kapag natapyasan ng isang bida pero huwag po sana kayong mabored. I know its boring. Kasi gusto ko sanang maging tama sa realidad ang nangyayari. Hindi ganun kabilis magpatawag hindi ba? So let's take it first. Babalik din si DP, but lets make the waits worth it. Noshbled.
lovelotss E
—
" Julia! " Nabitawan ko ang hawak kong cellphone ng dinungaw ako ni ate mula sa aking kwarto. Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng makauwi ako dito sa Pampanga at bukas ay unang araw na ng May.
" Oo, ate. Magpapalit lang ako. " Tumayo ako sa kama at naghanap ng matinong susuotin sa aking cabinet.
Enrique:
You are so selfish Julia.
Napasinghap ako sa text na iyon ni Enrique. Matagal na niya akong hinahanap simula ng umalis ako sa Cavite. Mabuti na nga lang at nagmakaawa ako kay Crown upang huwag niyang sabihin sa kanya kung nasaan ako ngayon. Halos isang buwan na rin siyang panay ang tapon sa akin ng sama ng loob niya. Palagi siyang nagtetext kaya imbes na mamiss ko siya ay naiinis na ako sa kanya. Hindi siya marunong tumanggap ng kakarampot na sagot. Hindi pa rin siya sumusuko.
" Hindi ka pa ba tapos dyan, Julia!" Iritadong sita ni ate habang nagsasapatos na ako. Nasa sala siya ngayon at pinapangaralan ang pamangkin kong napaaway kanina sa labas. Limang taon na siya ngayon at marunong na rin manindigan sa kung anong gusto niya, tuloy napaaway siya.
" Ate, sigurado ka bang kukunin nila ako kahit high school graduate lang ako? " Tanong ko pagkalabas ko ng kwarto. Dala ko sa isang brown envelope ang Birth certificate ko, baptismal at iba pang kakailanganin ko sa trabaho. Oo, sasamahan ako ngayon ni ate sa Orphanage para sa kukunin kong trabaho, ang pagiging assistant sa paghahandle at bantay ng mga bata.
" Kung gusto mo talagang makatulong palaging may paraan pero kung napipilitan ka lang, walang mangyayari. Lumalala na ang sakit ni Mama Julia.." Nilingon ako ni ate gamit ang matabang niyang expresyon. Tumikhim ako. Sinulyapan ko ang anak niyang si Gabby na naliligo ngayon sa kanyang sariling luha bago tumango.
" Tara na ate? " Untag ko at sinabayan iyon ng matipid na ngiti. Bumuntong hininga siya at kinuha sa gilid niya ang kanyang wallet. Tumingin pa muna siya sa kanyang anak bago kami umalis.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...