a/n:
Can't believe na ginawa ko at iginugol ko ang halos 3 chapters para lang sa lesheng Play na ito. Haha. Umay! Sana mapagtyagaan niyo, guysxD No space no chill.
-
Kinuha niya ang braso ko at kinaladkad palabas ng theatre room. Hindi ako nakatiis kaya nagpumiglas ako para makabitaw mula sa mahigpit niyang hawak.
" Saan mo ba ako dadalhin? May after party pa kam-" Matama niya akong tinignan at hindi ko iyon kinaya. Nanginginig na yata ang gilid ng labi ko.
" They don't need you there. " Seryoso niyang sambit. Napangiwi ako sa kanya.
" And you think you need me? " Handa na ako para tumawa nang unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Nawala ako sa sarili ko ng masamyo ko ang pamilyar niyang pabango.
" You tell me. " Aniya.
Kinagat ko ang labi ko nang sa wakas ay umayos siya ng tayo. Hindi ko makuha kung anong gusto niyang iparating doon sa sinabi niya pero alam kong sa ngayon ay gusto niya akong makasama.
" Peste. Hoy! Kita mo, iniwan mo na na-" Bago ko pa malaman ay hinila na niya ako sa aking kamay. Kumalabog ang puso ko. Pakiramdam ko ay muling nabuhay ang namatay kong puso.
Hinayaan ko lang siyang hilahin ito. Nagpatianod ako patungo sa mundo niya. Walang kapantay ang sayang naramdaman ko.
" Julia! " Para akong sinampal ng malakas na tawag ni Enrique sa akin. Nagulat ako sa biglaan niyang pagdating. Tulad ko ay nakapagpalit na rin siya ng isang simple ngunit eleganteng polo katerno ng mamahalin niyang jeans.
Bubuksan na sana ni Daniel ang pintuan ng kotse para sa akin ngunit naantala ito sa paglapit ni Enrique sa amin. Hinapit ako ni Daniel palapit sa kanya. Tiningala ko siya ngunit agad rin nag-iwas para maintindihan si Enrique.
" Hindi ka pa pwedeng umalis, Julia. Mayroon pa tayong after-party, remember? " Nakataas ang pareho niyang kilay upang masigurado ako. Napasinghap ako at nag-isip. Tama siya. Kailangan ako sa after-party dahil dadalo roon ang ilang mga importanteng parte ng school organization at ilan pang mga nagdaang Romeo and Juliette stars, lalo na at ito ang ika-60 years bilang pagkilala sa pagpapalabas at pagbibigay-buhay ng kilalang Romeo and Juliette tragedy. Ipinaliwanag iyon sa akin ni Mr Fortuno habang nagpapalit ako sa dressing room.
" Come with me.. hindi pwedeng mawala doon ang star ng gabing ito! " Sabad ni Enrique. Binasa ko ang labi ko dahil sa nakakapasong kamay ni Daniel sa braso ko. Halos hindi ko na masuportahan ang sarili kong paghinga.
Nag-angat ako ng tingin para hintayin ang daing ni Daniel.
" You can't.. " Umiling siya sa akin at lumipat ang tingin niya kay Enrique. " May lakad siya. " Sagot niya iyon para sa akin at nagdiwang ang puso ko dahil tingin ko ay nagtagumpay ako. He wants me to be with him. That's impossible.
" May lakad.. siya? " Tumingin sa akin si Enrique at nagpanggap akong hindi iyon narinig. " Mas importante pa ba 'yon kumpara dito, Julia. You know how much important is this. Dadating ang School Principal at ilang mga VIP's. " Nangungumbinsi ang kanyang tono.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...